EPILOGUE

78.9K 1.3K 75
                                    

EPILOGUE

 

 

LYNXIE'S POV

Nakasimangot na tinignan ko si Heaven ng inayos niya ang suot kong white collar. Ilang araw narin kaming nandito sa resort..at mukang wala pang balak umalis si Heaven para ayusin ang kasal namin. Okay lang naman...enjoy din ako dito eh. Saka hindi naman kami nagmamadali.

"Kailangan ba talaga nating pumunta?"-me

"Oo nga..kaibigan ko nga kasi ang may-ari nitong resort."

A-Attend kami sa wedding ng kaibigan ni Heaven na nandito lang sa resort. Naiilang akong umattend...kasi unang-una hindi ko naman sila kilala.

"Heaven..."

"Please? For me?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Parang may magagawa pa ako. Hindi ko naman matatanggihan si Heaven...lalo na mukang magtatampo siya kapag hindi ako sumama.

Kaya lang naman ayaw kog pumunta...kasi dahil nga hindi ko kilala yung ikakasal, siguradong mabobored ako. Hindi naman sa sinasabi kong boring ang mga wedding...its just that iba parin yung may attachment ka sa ikakasal.

Tinignan ko yung suot ko. Mahaba yon..ang weird lang kasi white ata ang theme ng kasal. pati kasi si Heaven naka white tuxedo eh.

"Halika na?"-heaven

Tinanguhan ko lang siya. Magkahawak-kamay na lumabas na kami ng cabin namin. Naglalakad kami sa may tabing dagat since don ang daan papunta sa chapel. Napatingin ako kay Heaven ng maramdaman kong nilalaro-laro niya ang mga kamay ko.

"What kind of wedding do you want?"-heaven

"Kahit ano...pareho lang naman ang mangyayari sa kasal."

"Mahalaga parin yung gusto mo."

BHO: His Secret Agent Spy Best friend [Heaven and Lynxie Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon