Earphones

155K 3.1K 497
                                    

Earphones

Written by: Kpurple08

© Copyright April 2013

_______________________________________________________

"Attention class!"-Ms. Gutierrez, teacher namin sa English. Agad namang naupo ng maayos ang mga classmates ko. Hays. Ang boring kasi ng subject na toh eh. Nakakaantok.

"I'm giving you a project." napa-aww naman yung iba kong mga classmates. Ako? Tss. Wala lang. Edi magpaproject sya, for sure naman matatapos ko agad yan eh. Ayoko kasi ng tatamad-tamad lalo na pagdating sa Acads.

"No buts. This is the15% of your grade so you must pass this ON TIME. I'll not accept those who'll gonna be late on passing this even though...you have A LOT of more important things to do. Understand?" habang sinasabi nya yung "even though" part ay tumingin sya kay Carl. Alam ko naman na pinapatamaan nya si Carl eh. Model kasi si Carl. Oo, tama. Yung tipong nagmomodel ng damit...pati na rin mukha. Tss.

Oo, gwapo sya. Inaamin ko naman eh. Kaya nga crush ko eh. Yah right. Crush ko sya. And so? Crush ko lang naman eh.

"So, as for your project, you'll gonna make a scrapbook or portfolio and post there your comments about ALL the topics that we have been discussed." Ano daw? Napa-nganga ako dun ah. Teka...

May isa akong classmate na nag-raise ng hand nya. Tinawag naman sya.

"Miss, lahat po? Sa 4th grading?" oh yeahba. Pwede naman magtagalog eh. Sadyang si Miss lang talaga ang Amerikana dito.

"No. When I say all, I mean it. From first to fourth grading." Wadahell is the meaning of this? Naloloka na ba si Miss?

Nagprotesta naman kaming lahat dahil dun. Nainis yata si Miss kaya yun, nagtagalog din.

"Guys, will you please shut up for awhile? Graduating na kayo and almost 2 weeks nalang graduation nyo na. Byebye High School na kayo. At syempre, this will be the last time na mapapahirapan ko kayo, kaya susulitin ko na." Tss. Napaka talaga ni miss oh.

"Anyways, class dismiss." agad naman nagtayuan ang mga classmates ko. Aynako. Crowded na naman for sure sa canteen.

Tumayo rin ako. Pero hindi para pumunta sa canteen, kundi para hanapin ang...

"Cams, hinahanap mo na naman earphones mo noh?" napalingon ako. Si Shiela, yung friend ko.

"Oo, nakita mo ba?" I asked her. Ngumiti naman sya ng nakakaloko. Binigay nya din naman sa'kin yung earphones ko. Haybuhay. Buti naman.

"Aynako Cams, magpapakaloner ka na naman. Jan ka na nga. Nagugutom na'ko eh." umalis na sya. Ako nalang ang nandito ngayon sa room eh. Tss. Ayoko makipagsiksikan sa canteen noh.

Nilagay ko ang earphones ko sa tenga ko. Malamang, kaya nga ears eh. Anyways, hindi naman ako makikinig ng music eh. Ayoko lang ng may kumausap sa'kin. Tss. Mag-iisip nalang ako kung pano ko gagawin yung project namin.

Pinikit ko ang mata ko at nagsimulang mag-isip. Hmmm, ano kayang maganda para sa project namin? Ayokong mapatagal ang pagpasa. Mukhang mahihirapan pa yata-

Nakarinig ako ng paggalaw ng upuan. Ok. May kasama na yata ako dito sa room.

"C-camille?" huh? T-teka...si Carl ba toh? Shet. Hindi. Hindi ko muna sya papansinin. Shet. Bakit ba kasi ako nagkunyaring tulog? Oo, tama. Magkukunwari nalang ako. Hindi ko naman alam kung ano sasabihin ko sakanya eh.

I heard him chuckled.

"T-tulog ka ba? Haays." ano bang problema nitong si Carl?

"Actually, may gusto kasi akong sabihin sa'yo. Matagal na. Kaso dahil lagi akong nahihiya, di ko naman magawa." natawa naman sya ulit.

"Nakakatawa naman toh. Kinakausap ko ang tulog. Tas naka-earphones ka pa, kaya parang non-sense din kung sasabihin ko sa'yo."

"Pero syempre, dahil baliw ako. Sasabihin ko pa rin sa'yo. It's...it's now or never."

"Camille, alam mo ba? Dati, naiinis ako sa'yo. Hahaha. Oo, naiinis ako sa'yo. Kasi, lagi ka nalang nauuna magpasa ng projects. Perfect mo lagi ang assignments. Pasado ka lagi sa nga seatworks, quizzes at exams. Naiinis ako sa'yo kasi nauunahan mo na ako." wow. So may hidden feelings sya para sakin? Yun nga lang, nothing's romantic kasi inis yun.

"Nabbwisit ako everytime our teachers are comparing me to you. Lagi nalang ganun. Kaya yun, halos nalang yata ng ginagawa mo araw-araw eh pinagmamasdan ko na. Lagi kong hinahanap ang mga times na magkakamali ka, kaso hindi eh." kaya pala minsan, nararamdaman kong may nakatingin sa'kin. Eeeek.

"Kaso, dahil sa pagtingin ko sa mga ginagawa mo, hindi ko na napansin na hindi na pala ang ginagawa mo ang tinitingnan ko. Ikaw. Ikaw na pala ang tintingnan ko." Ano daaaaaw?

"Dun ko narealize, na ganun ka pala talaga katalino at kagaling. Mabait ka rin. Masipag at...maganda." shet! Ano ba tong si Carl? Feeling ko tuloy namumula na'ko. Ang lakas pa ng tibok ng puso ko. Shet.

"Camille, I just want to say..." shet!!!

"I like you."

*BLAAG*

"Ouch!!" pano ba naman kasi, nalaglag ako sa kinakaupuan ko. Shet!!

"C-cams! G-gising ka?" tanong nya sa'kin habang inaalalayan akong tumayo.

Namumula sya ang mukha nya. Tiningnan ko sya ng masama.

"Yah!" nagulat naman sya sa pagsigaw ko.

"Aamin ka na nga lang bakit kung kelan nag-iisip ako ng gagawin ko para sa project. Aish."

"Narinig mo?!" gulat na tanong nya. Namumula pa rin sya. Shet! Ang sakit pa rin ng pagkahulog ko.

"Oo, narinig ko!" shet. Nahihiya ako sakanya. Feeling ko, namumula na rin ako.

"Eh bakit hindi ka man lang...aish! I thought you're asleep and listening to music."

"Tss. Kung hindi ko pala ginawa yun, eh di hindi ka rin makakaamin sa'kin?" namumula pa rin sya.

"Psh. Masaya ka na nyan?" shet. Nakaramdam na'ko ng gutom. Naglakad ako papunta sa pinto ng classroom namin pero bago ako lumabas...

"Oo, masaya ako. Masaya ako kasi, the feeling's mutual.." sabi ko sakanya then tumalikod ako pero bago pa'ko tuluyan umalis.

"I like you, too." tsaka ako lumabas ng classroom dahil feeling ko hihimatayin na ako. Hihimatayin sa kilig. Shet!!!

______________________________________________________

Author's Note: Namiss ko gumawa ng one-shot. It's been a month na rin kasi. Hays. Thank you po sa mga nagbasa :)

║▌│█│║▌║││█║▌│║▌║

ORIGINAL PROFILE ®

███████████████

✔ Certified

✔ Official

© | K | P | U | R | P | L | E | 0 | 8 |

EarphonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon