Chapter 11 - best date ever! pero...

6.7K 63 4
                                    


---nikkis pov na po :)----




Nagsuot lang ako ng t-shirt shorts at converse. simple lang ako, ayoko namang magober ober sa pagpapaganda.




*ding dong*




ahh si Lance na ata to, di ko naman talaga gusto makipagdate sakanya eh, bff ko kaya yun. pero wala naman akong kadate kaya sige nalang :)






binuksan ko yung pinto. at alam niyo ba ang una niyang sinabi sakin?




"best naman eh, magdadate tayo tas ganyan suot mo?" sabi niyang patawa tawa.




"bakit? ano gusto mo magdress pa ko? ano tayo mag-jjs prom?" sabi ko.





"di, joke lang. maganda ka naman kahit ano pa isuot mo." sabi niyang nakangiti.




nagulat ako, kita naman ata sa mga mata ko. galing yun sa best ko eh, pero i tried to shake it off. " so tara na?" tanong niya.





binuksan niya yung pinto ng kotse niya para saakin, pumasok naman ako. tsaka siya tumakbo papunta sa drivers seat.





"san ba tayo pupunta?" tanong ko.





"secret! its a surprise!"




"sus." sabi ko tapos ginulo yung buhok niya.






"nikki naman eh, ang tagal ko kaya tong inayos tapos guguluhin mo lang."




tawa kami ng tawa.

Mahal kita kahit illegal! (student/teacher relationship)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon