[3] First Night

168 6 11
                                    

A/N: Sorry for the very late update.  _\/_

Enjoy reading! ^_^

- PsychoTandem -

_____

[3]

“Wala pa rin ba?” ang muli ay tanong ni Kaye sa kaibigang si Brianna. Talagang kahihimigan na ng inis ang boses niya.

“She’s still not answering the phone. Napupudpod na mga daliri ko kaka-dial oh,” ang sagot naman sa kanya ng kaibigang si Brianna na ipinakita pa ang mga daliri bago muling inilagay sa tenga ang cellphone. “Gggrr! Still no response! Nakakainis na talaga, ha!” pagmumuryot nito matapos hindi na naman sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya.

“What the hell is happening with her? Why is she not answering her freaking phone?! Kanina pa tayo nagmumukhang tanga dito ah,” hindi na talaga nakapagpigil pa si Kaye kaya naman ay hindi na niya naitago ang pagkainis. At sino nga ba naman ang matutuwa pa pag pinaghihintay ka na ng mahigit nang apatnapung minuto?

“Girls, kalma lang! Dial her number one last time and then we’ll let Claudette decide if we’re going to wait for her here until dawn,” ang kalmado namang singit ni Don sa usapan ng dalawang kaibigan.

Nagkatinginan ang dalawang babae na para bang nag-uusap gamit ang kanilang mga isip at sa huli nga ay tinanguan ni Kaye ang kaibigang si Brianna na nagpapahiwatig na sundin na nito ang mungkahi ng kanilang kaibigang si Don.

Nakasimangot man dahil napipilitan lang ay muling i-dinial ni Brianna ang numero.

Makalipas lang ang ilang minuto ay muling ibinaba ni Brianna ang cellphone at umiling ng sunod-sunod sa harap ng dalawang kaibigan na naghihintay sa resulta ng tawag niya. At dahil nga dun ay nagkaintindihan na silang tatlo.

“Claudette!” ang tawag ni Don sa kaibigang si Claudette na kanina pa nakatayo sa ilalim ng isang puno. Medyo may kalayuan kasi ito sa kanila kaya naman ay kinailangan pa niya itong tawagin ng malakas upang pukawin ang pansin nito. Kasalukuyan silang nasa isang gasolinahan na may mini park sa gawing likod nito na siyang napag-usapan nila na gawing meeting place para sa gabing ito. Bilang driver kasi ng gagawin nilang “escapade” ay nag-aalala rin siya na baka hindi nila maabutan ang last trip sa barko at maantala ng sobra ang lakad nila, kaya naman ay nagdesisyon na siya para kausapin ang kaibigan na sa kasalukuyan ay abala pa rin sa hawak na cellphone. Pero agad din naman itong napatingin sa kanya nang marinig ang pagtawag niya sa pangalan nito.

“Oh, bakit?” ang salubong na tanong ni Claudette nang makalapit sa mga kaibigan.

“She’s not yet here and she’s causing too much delay. Can we leave now? Just text her, tutal naman kanina pa niya hindi sinasagot ang mga tawag namin,” ang dire-diretso nang sagot ni Kaye sa tanong ng kaibigang si Claudette. Ang totoo kasi ay kanina pa talaga siya naiinis sa “feeling importante” na babaeng ‘yon. At talagang nakuha pa nito na hindi man lang sagutin ang mga tawag at texts nila? Pa-importante talaga!

Sandaling napaisip si Claudette sa suggestion ng kaibigan. Napatingin din siya sa suot na wrist watch na para bang kinakalkula ang bawat segundo na dumaraan dito.

“Pwede ba nating hintayin siya for another five minutes? If she’ll not be here within that period of time then, we’ll be leaving her behind,” sagot ni Claudette sa mga nakatunghay na kaibigan matapos ang ilang segundo ng pag-iisip. Agad naman na sumang-ayon ang lahat.

“5, 4, 3, 2, 1! Time is up! Wala pa siya. Paano, let’s go now?” maya-maya ay sabi ni Brianna na talagang inorasan pa ang ginawa nilang paghihintay.

7 NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon