The Writing Tips

4K 143 25
                                    

Many tips had been posted here and it's gonna be redundant kung uulitin ko rin ang mga na-post na. Itong mga 'to na lang. Usually kasi, ang mga ito ang na-ne-neglect ng mga writer sa ngayon.

Let's start. *Examples unedited*

May tatlong  'rule'  tayong dapat tandaan habang nagsusulat: 1. Imagine the scene; 2.Show, don't tell 3. Be the character 

1. Imagine the scene. In short, visualize.

May kapatid ako rito sa wattpad na super hilig  mag-download ng wattpad stories. Minsan nakiki-sikwat na lang ako ng story via bluetooth. Pero bilang isang reader, mapili ako sa mga binabasa ko at una kong tinitingnan kung naglalaro ba sa imagination ko ang mga isinulat ni Author. Kapag hindi, wave-wave na, may-I-delete-this-story na ang drama ko. Hihintayin ko na namang mahulog sa pagkakatulog ang kapatid ko para makapag-bluetooth ng stories *spell madamot kasi sa ebook kaya dapat pa hintaying makatulog- J-E-N-E-L-L-E.*

Bakit ba importanteng i-imagine ni Author ang mga sinusulat niya? E kasi po, kapag walang nakikita si Author habang nagsusulat, wala ring makikita sila Readers. Ano 'to lokohan? Kung hindi nga ma-imagine ni Author ang sinulat niya, sila Readers pa kaya.

Let's have these examples:

A. Here, we can see a battlefight between two lovers and a Mongol Army.

--

Pagkuwan ay pumailanlang ang isang malakas na putok. Hudyat ng pagsisimula ng digmaan.

"Sugod!" Nagmula iyon kay Heneral Zhuo na namumuno sa hukbo ng mga kaaway. Nagsimula namang sumugod ang mga kawal na kasama nito.

Sila Chuno at Maia laban sa hindi mabilang na hukbo. Hawak ni Chuno ang Espada ng Buhay ngunit may hangganan ang lakas na kaya niyang ibigay. Maging si Maia' aynag-aalinlangan sa lakas na taglay. Ngunit wala silang mapagpipilian...kailangan nilang lumaban.

 

Tumalon si Maia at tumayo nang nakaporma ng pag-atake sa pagitan ng mga espada ni Chuno. Matapos niyo'n, muli siyang tumalon at sinalubong ang pagsugod ng mga kaaway.

Ginamit niya ang bilis sa pag-atake at pagsalag. Wala siyang gamit na espada, ngunit ang lakas niya'y katumbas ng isandaang tao.

 

Sa kabilang dako, nagpakawala ng hangin si Chuno gamit ang espada. Umikot siya nang mabilis habang iwinawasiwas ang Espada ng Buhay. Nang tumalon siya sa ere'ay sumabay ang pagtilapon ng mga kalaban. Isang grupo na naman ang nagpagitna sa kanya at muli nyang ginawa ang naunang pag-ilag at pag-atake.

"Chuno!" narinig niyang sigaw si Maia mayamaya habang nakapigil ang magkadaop na mga palad nito sa isang espada at nakalingon sa kanya."Sa likod mo!" Itinulak nito ang espada ng kabuno patagilid  at sinipa ito palayo.

Maliksi naman siyang lumingon sa likod at tumalon paatras upang iwasan ang panang tatama sa kanya. Nailagan niya ang unang tama ngunit hindi ang ikalawa--nadaplisan pa rin siya sa balikat. Sinugod niya ng espada ang gumawa niyon sa kanya. Tinulungan pa siya ni Bae na ihagis ito sa ere.

Ilang sandali pa ng madugong labanan at nagkalat na ang mga bangkay ng mga kaaway. Ang akala nila'y wala nang mga kalaban. Pagod na sila at unti-unti na silang nauubusan ng lakas. Kahit si Bae ay nanghihina na rin.

--excerpt from Reincarnation of Love--

 

The Writing TipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon