BFB 6

749 17 0
                                    

Pinadalhan si Selena ng bagong uniform ng mga magulang niya sa bahay nila Thunder

nakatingin lang siya sa uniform habang tinatantsa niya kung anong gagawin dun

may parteng gusto niyang takpon yun ng plastic cover pagkatapos niyang suutin yun para kung may ibato ang mga bully sa kanya, di yun madudumihan kasi nasasayangan siya at bago pa naman yun, may ibang parteng gusto niyang itago yun para may rason siyang hindi makabalik sa eskwelahan may parte namang gusto niyang magpanggap na may sakit para hindi siya makabalik sa eskwelahan at makauwi sa bahay nila at wag magpakita...


bumuntong hininga siya sa pinag-iisip niya ayaw niyang maging duwag, at ayaw niyang maging mahina napag pasyahan niyang isuot na ang uniform, nakatayo lang siya sa salamin habang pinag-iisipan ang gagawin niya para maprotektahan ang sarili niya

Magdala kaya ako ng payong? Para pag may lalapit tutusukin ko mga mata nila

tapos kumuha siya ng payong at nag action sa salamin na parang may tutusukin..


o kaya magdala ako ng gunting? padepensa, kung may hahablot ng buhok ko putulin ko kamay nila o ang buhok ko para di ako masaktan


kumuha naman siya ng gunting at parang may ginugunting sa harap ng salamin

bumuntong hininga siya, isa lang ang ibig sabihin ng mga ginagawa niya, takot siya..

Oo takot ako...

may kumatok sa pinto niya at pumasok nakita niya si Thunder na nakaready dala ang bag at sobrang gwapo netoh tingnan sa uniform niya


"Let's go?" aya sa kanya ni Thunder, pilit niyang pinakalma ang sarili niya at tumango

hinatid sila ng driver at habang nasa koche sila kumakabog ang dibdib niya,. di dahil sa kaba o takot pero dahil sa kilig!

magkaholding hands sila ni Thunder ngayon sa backseat at parang walang pakialam si Thunder sa kamay nila, habang siya ni di man lang makuha ang mata niya sa pagkakatitig sa mga kamay nila

Nakita niyang silang dalawa lang sa koche at di niya napansin na umalis na bah si Storm kanina, o nahuli eto sa kanila

"what?" tanong sa kanya ni thunder

"kasi, di ko man lang nakita kaninang umaga si Storm"

"ahh.. nauna na yun, may aasikasuhin daw" sabi niya at ngumiti sa kanya

Ba't ganun? bakit atah parang mas gumwapo siya? o gwapo lang talaga siya at di ko napansin?


Pagkarating na pagkarating nila sa eskwelahan, nakita niya ang mga babaeng may dalang kung ano-ano na nag-aabang sa may gate, bumalik ang takot niya at hinawakan ng mahigpit ang payong

Pag sasaktan ka nila, tusukin mo!

tudya ng isip niya, sabay silang lumabas sa koche at nakita niya na tintitigan siya ng mga babaeng nakaabang inakma niyang bawiin iyong kamay niya sa pagkahawak ni Thunder, pero mas hinigpitan ni Thunder ang paghawak sa kamay niya

nagulat siya nang hinapit ang bewang niya ni Thunder, at sabay naglakad

'thunder may dala pala akong cookies para sayo'

'thunder i made a cake, diba favorite mo?'

'i have a gift for you thunder, i hope magustuhan mo'

Millionaire Boys Club (Revising and Editing)Where stories live. Discover now