Chapter 1

48K 1.1K 305
                                    

The Day that I kidnapped him

Myles's POV

"Annyeonghaseyo! I'm Myles Lee, 21 years old of Businessmask company, here are some flyers for you to know the secrets on how to be a good businessman!"- Halos bumulwak na ang epiglottis ko kakasigaw para lang kahit papaano'y maibigay ko na lahat ng flyers na 'to at makuha ang bayad sa'kin para naman makauwi na ako.


Kung alam lang ng tatay ko kung paano ako maghirap para lang matustusan ang mga kailangan niya sa hospital, hays.

At oo, still, naglalakad- lakad pa rin ako para humanap ng instant money, 'yung tipong isang hakbang ko na lang may isang milyon na sa kalsada, kaya lang hindi, hindi nagtatae ng pera ang mga tao. Gulong- gulo na ang isip ko, napakaraming problemang kailangang bigyan ng solusyon.

Naalala ko na naman ang puno't dulo ng paghihirap ko

Flashback..

"Bakit ba kasi laging ako? lagi na lang ako ang may mali! bakit ganon'? nagdahilan lang naman ako dahil alam kong ako ang tama, hindi ang ate kong impokrita! argh!"- Bulyaw ko habang tumatae sa CR namin

Siya na lang lagi magaling, siya maganda, siya matalino, isang maligno! argh!

"Myles ano ba 'yan! sinisisi mo na naman ang ate mo? ikaw naman talaga ang may mali! lumabas ka nga dito!"- Tumayo lahat ng balahibo ko at halos umurong din ang tae ko pabalik ng sikmura nang marining 'yon mula kay papa

Hala! ano'ng gagawin ko? agad- agad akong naghugas ng puwet at syempre pati ng kamay pero hindi ko pa rin lalabasin si papa

"Myles! ano ba?"- Kasabay non' ang pagkalabog ni papa sa pinto

Di pa rin ako umiimik kay papa, 21 na 'ko pinapalo niya pa rin ako hays, so lucky ko naman talaga oo oh!

"Myles!"- Sigaw ni papa

Mas lalong gumapang ang kaba sa aking katawan habang sinisiksik ang sarili ko sa gilid ng CR namin, sht, ano'ng gagawin ko? hindi ko naman sinasadyang sabihin ang lahat ng 'yon, inis lang talaga ako. Gahd!

"Myles! buksan mo ang pinto!"- this time mas tumaas ang boses ni papa

"Myles! P-Pa.. *cough* M-Myles.. *cough*"- Nang marinig ko 'yon ay agad kong binuksan ang pinto at tumambad sa'kin si papa na nakaupo na at halos hirap ng huminga.

Agad- agad kong kinuha ang phone ko at tumawag sa emergency hotline, suwail ka talaga Myles! pangalawang beses na 'tong nangyayari sa tatay mo! at parehong ikaw ang dahilan! How could you!


Matapos ang ilan pang minuto ay dumating na ang tulong, alalang- ala ako kay papa, knowing him na ginagawang araw ang gabi kumita lang ng pera tapos ganito pa ang igaganti ko? bakit ganon' Myles? wrong timing ka!

Nang tuluyan nang maisakay si papa ay sumunod na rin ako. Habang nasa biyahe ay saksi ako sa kung ano- anong kemikal na inilalagay kay papa, ni wala akong alam dahil kahit kailan hindi ko naging paboritong subject ang MAPEH o SCIENCE, ni paunang lunas aanga- anga pa 'ko eh.

Habang nasa biyahe ay  hawak ko ang kamay ni papa para maramdaman niyang nakakapit lang ako sa kaniya. Hindi pa kami ready ni ate 'pag nawala siya, bukod sa mas lalong maghihirap kami, baka pulutin nalang kami sa kangkungan.


"Miss bumaba ka muna po nang madala na namin agad ang kamag-anak niyo sa ER"- Bumalik ako sa sarili ko nang marining iyon mula sa physician o kung ano mang tawag sa kanila. agad- agad kong sinunod ang utos niya at sunod naman silang bumaba nila papa. Halos humarurot sa paglalakad at pagtulak ang mga physicians sa bed na kinalalagyan ni papa, sumunod naman ako sa kanila.

Kidnapping An Exo Member [REVISING]Where stories live. Discover now