Sorry (His POV)

6 0 0
                                    

"Sorry Feb." Tatalikuran ko na sana siya pero bigla niya akong binatukan.

"Oo o hindi ang sagot dun Ryan, hindi sorry."

Hindi katulad ng ibang babaeng kilala ko si Febi. Sa lahat ng kaklase namin siya ang pinakasimple, plain at walang arte. Pero mataas ang self confidence niya at certain siya sa lahat ng mga ginagawa niya. Akala ko nga nung una na tomboy siya hanggang nakita ko siyang nakadress na naglalakad sa may street namin. Nagmomotor ako nun, hindi ko napansin na may naipong tubig pala sa kalsada kung saan nasa gilid siya kaya natalsikan siya nung tubig pagdaan ko.

Tumigil ako at nagsorry agad sa kanya. Namumula siya sa galit habang nakatitig lang ako sa kanya. Sa pagkamangha ko sa kagandahan niya, hindi ko na naintindihan ang mga sinabi niya sa akin.

"Hoy! Oo o hindi?" Ulit niya. Parang matatae ako na ewan. Ang hirap namang umamin.

Isang araw naman, sa school namin ginanap ang regional science fair. Quiz bowler si Febi at siya ang leader sa grupo nila dahil siya ang 4th year. Nalaman kong pangarap niya ang umabot sa national level kaya nga halos nasa library siya araw-araw. Pagkadismiss ng klase, kumaripas agad ako ng takbo papunta sa covered court ng school. Gusto ko siyang panuorin atsaka miss ko narin siya kasi minsan ko nalang siya nakikita.

Sa sobrang focused ko papuntang court, may nabunggo ako sa hallway. Naglaglagan pa yung mga librong hawak niya. Nagsorry ako at pinulot ang mga libro. Yun ang unang beses na nakita kong umiyak si Febi. Maganda parin siya kahit umiiyak pero malungkot naman siya sa araw na yun. Gusto ko mang yakapin siya pero tumakbo siya agad.

"Sorry Feb kung ginalit na naman kita." Tiningnan ko siya sa mata pero 'di ko kinaya. Shit! Torpe na, weak pa. I'm her total opposite.

Tinawag ng p.e. teacher namin ang apelyido niya. Kasama ko sa pagdadasal ang barkada ko na sana ako ang maging kapartner niya sa activity namin. Ang lakas maka-answered prayer ang araw na yun kaya ang saya ko nang sunod na tinawag ang apelyido ko.

Ang pagsayaw ng waltz ang activity namin nun. Na-estatwa ako nang magkaharap kami. Kinuha ni Feb ang isang kamay ko at inilagay yun sa may bewang niya, ang isang kamay ko naman ay hawak ang kamay niya.

Nanginginig ang mga kamay ko. Nagproprocess parin sa utak ko na kasayaw ko siya at nakahawak ako sa kamay niya. Ang lakas ng epekto niya sa akin, nakakawala ng katinuan ng pag-iisip. Kaya para akong tuod nun, ang tanga ko pa dahil naapakan ko ang paa niya.

"'Di ka ba nakakaintindi? Oo o hindi?" Naiinis na tono ang pagkakasabi niya. Umayos ako ng tayo at huminga ng malalim. Bahala na si batman.

Umupo ako sa likuran niya. Wala pang teacher nun. Lumapit yung kabarkada ko sa kanya, nanghihiram ng ballpen. Pag-alis ng kabarkada ko narinig ko ang sinabi ni Febi sa katabi niya.

"Gwapo si Enzo no?" Sabi niya nang nakangiti.

Si Enzo gwapo?! Unggoy kaya yun na nagpapanggap na tao. Mas gwapo pa nga ang paa ko dun.

Sa sobrang badtrip ko pinuntahan ko si Enzo at pinagpalit ang ballpen namin. Hanggang ngayon nasa akin parin ang ballpen niya.

Joke lang yung sorry ko na nawala ko ang ballpen niya.

"Oo gusto kita. Sorry kung palagi kitang nasasaktan at iniinis sa katangahan ko. Makita lang kasi kita, natataranta na ako. Sorry Feb."

"Bakit ka ba sorry ng sorry?" Napalunok ako nang lumapit pa siya sa akin. Mababaliw na yata ako.

"Ha-a?" Ang tanging nasabi ko.

"Diba sa 'yo ang panyo na 'to? Binigay mo 'to sa akin nung nagkabunggo tayo sa hallway. Napatigil na nga ako sa pag-iyak nun dahil sa saya ko sa pagbigay mo sa akin nito. Nagulat nga ako nun dahil pinansin mo ako. Akala ko kasi iiwasan mo na ako pagkatapos kong masabi na crush kita nung araw na natalsikan mo ako ng tubig sa kalsada. 'Di mo yata ako narinig nun dahil pinasakay mo pa ako sa motor mo at hinatid sa bahay namin kahit bumuhos na ang ulan. Atsaka alam mo ba na halos mahimatay ako sa kilig nung lumuhod ka bigla sa harapan ko para linisin ang sapatos ko pagkatapos mo maapakan? Tapos yung ballpen ko? Napangiti ako nang makita kitang ginamit mo yun. Hindi man halata pero gusto rin kita Ryan, matagal na."

Ngumiti siya. Kumurap ako at hinawakan ang kamay niya.

"Shit! Totoo ka?" Para akong siraulo sa sinabi ko. Napatawa naman siya. Sumeryoso naman ako.

"Sorry Feb. 'Di pala kita gusto." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Pinisil ko ang kanyang pisngi at lumapit ako sa tenga niya.

"Mahal kasi kita." Bulong ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

That One Rainy Day (compilation of oneshots)Where stories live. Discover now