pt 4

13.6K 248 3
                                    

pt. 4

"Morning Yam." Nakangiting napakaaliwalas na itsura ni Franc kagad ang nasilayan ko sa umaga. Ay kung ganito naman tuwing umaga ang makikita sa pagkamulat ng mata mo, ay ang sarap gumising sa umaga.

"Morning din." Nakangiting sabi ko.

Tapos biglang kumatok ng pagkalakas lakas sa pinto si Rico.

"Fren!!! ginamit mo ba iyong inigib ko kagabe?" Sigaw niya sa labas.

Patay! pinaligo namin ni Franc kanina. Nu gagawin ko.

Bangon kaagad ako.

Bihis, tapos si Franc dumapa pa. Ayaw pang bumangon. Tapos nagtakip pa ng mukha gamit ang unan.

Feel at home ang bago naming border ni Rico.

Binuksan ko ang pinto.

Silip siya sa loob nakita nya ang hubad na likuran ni Franc.. tapos sinarado ko ulit.

"ay shet fren! anong ginawa mo sa pasalubong mo sa akin? akala ko naman umuwi na, iyon pala nangapitkwarto... naku ha! naiinis ako sa iyo fren. akala ko ba sa akin sya? bakit nasa kwarto mo?" nakacross arms siya.

"lakas mo daw kasing humlik matulog hindi siya makatulog, di ko naman mahayaan dito sa sala no, baka papakakin ng lamok."

"So, ikaw nalang ang pumapak imbes na sa lamok???"

ay naku, baka kung saan pa umabot ang usapang ito, kasalanan niya iyon. lakas niyang humilik eh, tapos sisihin niya ako. pero... bigla kong naalala iyong ginawa namin noon gabi. hayyy...

ehhh anu bayan!

"Wala namang nangyari sa amin no? nainitan lang siya kaya siya naka-topless, at saka siya ang gumamit ulit ng tubig mo no, gisingin mo tapos magpa-igib ka at ako'y bibili ng almusal ko.... ay namin pala.. ay natin pala."

"Naku Yam, naamoy ako ng hindi maganda, hindi ko naman tinatanong kung may nangyari sa inyo, masyado kang defensive... ah siya ba gumamit ng tubig ko? okay lang, siya naman pala. Mag-iigib nalang ako ulit, tapos pag-iigib ko na rin siya..." abot tenga ang ngiti ng loko.

ang duga nitong Rico na ito pero kung sinabi kong ako ang gumamit ng tubig niya, ay naku, lentek lang ang walang ganti, ako pag-iigibin nya.

"oh saan ka pupunta?" tanong ko kay Rico kasi akma niyang bubuksan ang kwarto ko.

"sa loob, alangan sa labas alam mo namang bubuksan ko iyong pinto ng kwarto mo diba? not unless may portal papuntang Mall of asia sa loob ng kwarto mo at doon ako ppasok?"

"eh kwarto ko yan eh, trespassing ka,"

"at kailan pa nauso ang tresspassing dito? ikaw nga itong pasok ng pasok sa kwarto ko kahit na alam mong may kasama akong iba. oh baka naman pinagdadamot mo sa akin ang inuwi mo kagabi? baka naman may nangyari na sa inyo at naiinlove ka na sa kaniya?"

ayaw niya talaga akong tigilan, ah bahala na nga siya.

"tseeh! wala no, at saka di ako inlove sa kaniya, pwde ba??" todo deny pa ko, pero-- ewan ko lang, hindi naman ako talaga dapat mainlove sa isang one night stand, at take note sa kwarto ko pa at hindi pa din umuuwi.

"iyon naman pala eh, umalis ka nga diyan sa pinto at papasukin ko si Franc.. "

"aray!" Grabe makatulak wagas.

Bago ako lumabas ng bahay sinilip ko muna sila, ay naku di ko matake, grabe makaharot si Rico. Nagising tuloy si Franc ulit, tapos... aw! bakit sa akin siya nakatingin.

ngumiti na lang ako.

Pagbalik ko gling labasan bitbit ko pandesal at pansit, ewan ko lang kung kakain nito si Franc, pero bahala siya, anyway di naman namin siya bisita no.

ay wait! si Rico kaagad bumungad sa akin at bakit ang sama ng tingin niya sa akin???

"anong problema mo? sabi ko naman sa iyo na hindi ako gumamit ng tubig mo no??" sabi ko, "padaan nga, nakaposing kapa diyan sa pinto, feeling mo ikaw si Shaira Banko?" sabi ko't hinila niya ang tshirt ko..

"Aray 'no ba fren.. nasasaktan ako"

Napansin ko wala si Franc sa loob.

"Napaka sinungaling mo din fren no!" Bulyaw ni Rico.

"Bakit ba, anong nasabi kong kasinungalingan atsaka asan na si Franc?"

"Pinaalis ko na boyfriend mo!" Sigaw niya with a poise tapos binitawan niya ako sa tshirt ko.

"Anong boyfriend? tsaka bakit mo siya pinaalis?"

"Naku, apaka-indenial mo rin no! syota mo pala si Franc eh, nag-away lang daw kayo kagabi kaya sa akin mo siya pinatabi, ako naman si tanga kinilig sa kagagahan mo. Bakit mo hindi sinabi sa akin na may bf ka?" Seryoso siya, tapos inagaw niya sa akin ang pansit at mga pandesal.

Umupo na kami sa mesa.

"Hindi ko siya bf no! nakita ko lang kagabi iyon. Tsaka bakit mo siya pinaalis?"

"Gagi! Joke ko lang na pinaalis ko siya, kusa siyang umalis, may pupuntahan pa raw kasi siya, nagmamadali nga eh noong nalaman niyang 8am na, hindi na siya nakapagpaalam sa iyo bf mo." paliwanag niya habang nanguya ng pandesal na pinalamanan niya ng pansit.

Bigla akong nakaramdam ng lungkot nang malaman kong umalis na siya. Tinapos ko ang pag-aalmusal ko at bumalik ako sa kwarto ko.

May nakita kong papel sa ibabaw ng maliit kong kabinet.

Yam, tawagan na lang kita mamaya ha, pinakialamanan ko phone mo, hinanap ko number mo, Sinave ko na din number ko. Thanks nga pala kagabi. love, franc xoxo

kinilig ako sa love, franc xoxo.

Ano ba yan! Bumibilis tibok ng puso ko. Inis!

Unexpected Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon