Yung Katabi Ko Sa Bus <3 (One Shot)

8.3K 99 40
                                    

Rush hour na naman.  Ang aga ko naman gumising at gumayak pero bakit lahat ng bus punuan? 30 minutes nakong nag aabang. Pati ba naman sa bus ipagsisiksikan ko ang sarili ko? pagod na pagod nako kakahintay. De JK lang, dala lang talaga to ng init ng panaon. HAHA


Lingon. Tingin sa oras. Hanap ng paparating na bus. ''Oh! Sta.Cruz! Sta.Cruz! May bakante pa!'' Sigeng sigaw nung konduktor. Nakakita naman ako ng mumunting pagasa at unti unti akong napangiti at nagtatatakbo paakyat ng bus.


Pag akyat sa bus. Facepalm. Yung totoo? Nasan yung sinasabi mong bakante? Lingon. Lingon. Lingon. Aahh ayun naman pala. Dalawa yung bakante. Teka? San ako uupo? Yung isa kasi medjo pangit na lalaki tas parang manyak pa. Pero yung isang bakante ang pwedeng makatabi ko dun eh gwapo. Ay hindi pala. Sobrang gwapo pala. Nakakadama ako ng sobrang daming feels.


Booogsshhhh! Sa sobrang pagdedaydream ko ay nakalimutan kong hindi pa pala ako nakakaupo. At sa sobrang bait ni Manong drayber eh biglang pinaandar niya agad yung bus niya. Nakalimutan kong ganito nga pala makipagsapalaran sa bus. Muntik na kong natumba. Napapikit nalang ako at pagdilat ko nakahawak na sa braso ko ang isang lalaki. Yung gwapong lalaki? Sht.


''Ah ! Miss umupo ka na!''  nakangiting sabi niya. OMG that was so disgusting. Pwedeng bumaba na lang? Sana bigla nalang akong maging isang paruparong biglang lilipad sa labas ng bintana ng bus. Lol.

''Ay sorry po!'' Nakayuko kong sabi.


''Sus. nagwapuhan ko lang kasi sakin." Nakita ko siyang ngumiti na parangewan. wtf. 


''Excuse me? Anong sinabe mo?'' Napasigaw kong sabi kaya halos lahat ng pasahero pati konduktor ay napatingin sain. Omg. Strike 2 nako sa pagkakapahiya. Kill me now. He just gave an evil smile. Leche. Gwapo nga may attitude naman. Sa sobrang inis ko at feeling ko biglang nag 140 yung dugo ko kahit lowblood ako ay dun nalang ako tumabi sa pangit na mukang manyak. Magkatapat lang kasi yung upuan nung gwapong nilalang at nung hindi mashadong kagwapuhang nilalang. Mukang kelangan ko nang magsimulang magrosaryo dahil sa pagmumuka netong katabi ko.

''Mam? San kayo bababa?'' tanong ng konduktor sakin.


''Aa sa Sta.Cruz po Manong.''

''Ilan?'' Napatitig nalang ako ng as in "wtf look". ''Anong ilan kuya ? Isa lang naman akong sumakay kanina diba? Osige nahiya naman ako sayo libre na kita.'' Napakamot nalang ng ulo yung konduktor sabay tumawa. Hay nako. Late at siksikan na nga makakaencounter ka pa ng ganitong mga eksena.

Ang tagal ng biyahe. Sobrang tagal nalugmok na ko dito. Traffic pa.Nakailang tingin na rin ako sa relo ko. Sa tantya ko ay mahigit isang oras pa ang biyahe. Yung katabi ko naman sigeng ginigitgit ako. Akala niya kinagwapo niya yon. Mabuti sana kung gwapo diba? Eh di ako na sumandal kaso hindi eh. HAHA

''Excuse me kuya? Pwedeng pausog onti. maluwag pa naman jan sa gilid mo." nakairap kong bulong sakanya.

''Ah eh . Masama bang gitgitin ka? At saka ang sarap mo kayang katabi .'' leche Kapal din ng muka neto eh. Kuyang gwapo sagipin mo naman ako dito. Lol.


"Move or die?'' Umusog naman ng onti yung katabi ko. Nakakainis talaga ang hirap magcommute. kung pwedeng magsaka nalang at wag ng magaral eh. HAHAHA Bigla namang huminto yung bus sa kalagitnaan ng highway at unti unti mo nang maririnig ang mga bulong ng ibang mga pasahero.


''Ay mga mam at sir ! Nasiraan po tayo. Lipat nalang po kayo sa kabilang bus marami pa pong bakante dun pasensya na.'' sigaw uli ng konduktor. Hay. masyado nang maraming kamalasan ang nakamit ko ngayong umaga palang. Hakot award. Lol.

Yung Katabi Ko Sa Bus (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon