part 1

135 5 2
                                    

The girl’s POV

          Today is Valentine’s Day. Eh ano naman ngayon kung Valentine’s day? Mabuti sana kung may ka-date ako ngayon. Eh wala eh. Ni wala ngang tsokoleyt at flowers eh. hahahaha bitter ba? Sorry naman.

Di ko lang naman mapigilan paano ba naman’ heto kasi ako ngayon nakahalumbaba sa may canteen pano ba naman wala ako makasama. Bago pa lang kasi ako sa school na to. I just transferred here yesterday. Nga pala I am Ginger de Guzman, 16 years old.

Ewan ko ba kung bakit yan ang ipinangalan sa akin ng magulang ko. Mukha ba akong luya? Hindi ah, sabi naman nila maganda “raw” ako. hahaha. Bahala sila sa buhay nila wala naman talaga ako pakealam sa sasabihin nila. Dahil kahit ano namang gawin ko tyak na may sasabihin pa rin sila na negatibo.

Nagtataka ba kayo kung bakit February na pero nakapagtransfer pa ako. businessman kasi ang papa ko kailangan namin lumipat ng bahay para sa trabaho nya. Kahit kasi busy yun hindi naman nya kami nakakalimutan. Gusto nya na kasama nya pa rin kami. At ang school na to ay pagmamay-ari ng tita ko kaya walang kahirap hirap na nakapagtransfer kame dito ng kapatid ko.

Pero siyempre naaapektohan ang social life namin dahil nga palipat lipat kame ng tirahan hindi rin permanente ang mga kaibigan namin. Sa tuwing lilipat kami ng school panibagong pakikisama na naman ang gagawin namin. At kapag naman aalis na kami sobra ang hirap ng pamamaalam sa kanila.

Natigil ang pagmumuni-muni ko dahil sa paglapit ng isang lalaki sa akin na mukhang kaedad ko rin.

“Uh miss, sayo na lang to oh mukhang malungkot ka eh” iniabot sa akin ni boy ang isang red rose. I don’t know what to say kaya kinuha ko na lang baka masabihan pa ako nito ng suplada.

“Ahm thanks” sabay ngiti kay boy

“Yan ngumiti ka rin. Mas bagay sayo kapag nakangiti ka. I am Levi Monares nga pala.

“I am Ginger de Guzman”

Transferred ka dito di ba?” sabi nya

“Yup, kahapon lang”

“Oh, I see. Ano section mo?”

“Ahm 4-2. Kaw ba?”

“Ahm 4-1. Magkatabi lang pala classroom natin ah.”

“Oo nga.” Sabi ko Matalino pala tong si Levi. Nasa pinkamataas na section eh. hehehe.

          “Ahm nga pala buti pinayagan ka makapagtransfer dito eh halos patapos na rin naman ang school year”

          “Tita ko kasi may-ari ng school kaya nakapasok ako”

          “Ayos pala may kaibigan na akong malakas ang kapit sa administration”

          “Gagu” ekspresyon ko to kapag gusto ko ang kausap ko. hahaha. Ewan ko pero yun ang lumalabas sa bibig ko. Weird  ko no?

          “hahahaha.” Nagkatawanan kame

Ewan ko pero mabilis makagaanan ng loob tong si Levi. Sa isang oras na pag stay namin dito sa canteen ang dami naming napag-usapan. Masaya sya kasama. Mukhang I found a new friend here dito sa school na pinapapasukan ko.

“Sige una na ako. See you around” sabi nya.

Ngiti lang ako ^_^

          Thank you lord. Mukhang hindi na ako mag-iisa bago matapos ang school year na ito. 

RED ROSEWhere stories live. Discover now