MFOW 14

3.4K 97 24
                                    

Friends, comment kayo ah? I really love reading your comments and thoughts about this story. Salamat! :D

I’ll try to update frequently ngayong bakasyon. Enjoy reading!

Chapter 14

Kathryn’s POV

“Hassle naman! Bakit ba kasi biglang minadali tayo nung client natin sa Albay sa pagpapagawa ng bagong resort nila? Sabi nila nung una, end of this year pa naman sisimulan ang paggawa doon. Tapos biglang sasabihin nila na next week kailangan may maipakita na tayong blueprint ng magiging itsura ng resort? Grabe nakakastress!” reklamo ni Sofia habang nagbubuklat ng mga magazines.

Kasalukuyan kasi kaming nagreresearch at humahanap ng ideas for the architectural design and landscape ng resort na bagong project namin. We haven’t really started anything about this one dahil sabi ng mga clients na end of this year pa nga sisimulan ang resort. Nagpa-easy easy tuloy kami sa isang ito. We were all shocked this morning nang nagpatawag si boss ng emergency meeting and he announced that the said clients wanted to see blueprints next week.

As in next week na! Kaya eto kami ngayon, nagtatrabaho pa rin kahit tapos na ang office hours. Ilan na lang kaming naiwan dito para magbrainstorming at magresearch. We’ve been doing this since morning. Hindi naman kasi biro ang maghanap ng inspiration at ideas para sa isang resort. Hindi lang naman kasi isang building ang itatayo doon kaya kailangang pag-isipan ng maayos. We have to create designs for hotels, restaurants and many more structures. Tapos landscaping pa.

Tiningnan ko yung mga kasama ko, mukhang pagod na plus gutom pa. Wala pa ring nagdidinner sa amin, we didn’t take a break ngayong araw. Naaawa naman ako sa kanila so I decided na pauwiin na lang sila and ituloy na lang sa bahay or bukas na lang ulit kami magtrabaho. Ako rin naman kasi ang in-charge sa project.

Isa-isa na silang umalis. Bumalik na muna ako sa sarili kong office at umupo sa mini sofa. I rested my head and closed my eyes.

“Kath? Kath?” pumasok si Sofia sa office ko.

“Yes?” sabi ko habang nakapikit pa rin.

“Di ka pa ba uuwi? It’s already past 9. Sabay na tayo kung gusto mo.”

“You go ahead. Hindi ko pa rin kasi naaayos gamit ko.” sabi ko at tumayo na.

“Are you sure? Wala kang kotseng dala di ba?”

“Okay lang talaga. I think medyo matatagalan rin ako sa pagligpit nitong mga gamit ko.”

“Well then, see you tomorrow.” sabi niya at nagbeso sa akin.

“Take care!” pahabol ko bago siya makalabas ng office ko.

Bumalik ako sa desk ko at tinanggal ko na yung mga hindi kailangan na nandoon para mabilis akong makapagtrabaho bukas. At dahil may pagka-OC ako, inorganize ko talaga by date lahat ng papeles na nakakalat doon. Saktong 10 PM na ko natapos. I locked my office at bumaba na.

Pagdating ko sa main lobby, yung dalawang security guards na lang ang nandoon.

“Mam Kathryn, sobrang ginabi na po yata kayo ngayon?” sabi nung guard na nagbukas ng glass door para sa akin.

“Oo nga manong. Marami kasing ginagawa ngayon. Ako na lang ba ang hindi pa nakakauwi?” tanong ko. Baka kasi may iba pa palang naiwan sa ibang department.

“Opo mam.” okay, so ako na lang pala talaga ang naiwan.

“Sige manong. Alis na ko, baka lalo pa kong gabihin eh.” sabi ko at tumawid na para maghintay ng taxi.

My Father's Other Woman (ON HOLD)Where stories live. Discover now