Chapter 10

89.7K 1.3K 134
                                    

This chapter is for @scar1977, maraming salamat sa walang sawang pagsubaybay.


Only the booming voice of our professor can be heard inside the hall habang matamang nakikinig kaming mga estudyante, everyone's attention are focus on the lecture and on the slide of images coming from the projector, paminsan minsan the sound of rustling paper join the noise.

I lost my concentration when the phone inside the pocket of my white uniform vibrates. I pulled it out quitely. Mabuti na lang at sa likod kami ni Liza nakaupo, hindi mapapansin ng professor namin na wala sa kanya ang atensiyon ko.

Be damned if I'm caught, hindi ko lang matiis na hindi silipin kung kay Alex galing ang text.

I slid my finger on the screen, excited na basahin ang mensahe na dumating.

Google ka ba?

I rolled my eyes when I read the text from Alex, and I can't help grinning as I type my reply.

Me: No,..why?

Ilang segundo lang pagkatapos ko ma send ang reply ko, dumating naman kaagad ang text galing sa kanya.

Alex: because baby, you've got everything I'm searching for :-)

I chuckled loudly na naramdaman ko ang matulis na siko ni Liza sa tagiliran ko, to warn me. Her physical assault seems not enough for her at pinandilatan pa ako nito.

"Sorry." I mouthed to her.

I'm in the state of euphoria that nothing can dampen my mood. Even Liza's grumpiness.

Who would think that Alex, with his tough and arrogant exterior ay may tinatagong kakornihan sa katawan. Pang ilan na ito sa mga pick up line na pinadala niya mula pa kaninang umaga.

Kung dati tinataasan ko ng kilay ang mga lalaki na gumagamit ng pick up line para magpapansin, but it's different coming from Alex. Sobra akong kinikilig! Kung mag isa lang ako, kanina pa ako tumatalon sa kilig at may kasama pang happy dance.

Alex: Is my baby tired?

Me: I'm fine, why?

Alex: Coz' you are running through my mind all day. Miss you babe, so much.

Oh Alex! masyado mo na akong pinapakilig, nagpa-palpitate na ang puso ko sa pa-sweetums mo.

I type my reply right away.

Me: Awww..Miss you too babe.

Nakangiti na niyakap ko ang cellphone ko after I send my reply to him, my heart bursting with happiness na pakiramdam ko sumasayaw ako sa alapaap habang kinakantahan ng mga anghel.

Haayy..the joy of being happy in love.

"Sino ba yang kausap mo sa text at kanina ka pang parang baliw na nakangisi diyan?"

Agad kong sinara ang cellphone ko at tinago sa bulsa, baka bigla itong hablutin ni Liza at mahuhuli ako kung sino ang kausap ko sa text.

Maaga natatapos ang klase namin tuwing Martes at ugali na naming magpalipas ng oras sa paborito naming tambayan, ang coffee shop sa harap ng University na pinapasukan namin.

Nakaupo sa harapan ko sina Janet at Liza, habang nasa mukha ni Janet ang curiosity, si Liza naman nakataas ang isang kilay na hinihintay ang sagot ko.

"W-wala, wala akong kausap, mga forwarded joke lang yung mga binabasa ko." pagsisinungaling ko.

"Hmp! Are you telling the truth? It's not Dave?"

"Si Dave? Bakit naman napasali si Dave dito?" nako-confuse kong tanong na napakunot pa ang nuo ko.

Sleeping With My Enemy (Completed)Where stories live. Discover now