Chapter 8: Date

1.5K 8 0
                                    

Dinala siya ni Caleb sa Malate branch ng Sebirino Pastry's. Um-order sila ng pagkain.

“So,how are you?” panimula nito.

“Ayos lang.Maraming ginagawa.” sagot niya.

“Hindi ako nakapunta sa Sebirino Pastry's nitong mga nakaraang araw dahil marami akong inasikaso.”

“Bakit sinasabi mo sa’kin yan?”

“I feel like doing it.”

“Bakit naman ?” tanong niya.

“Baka tanggalin mo kasi ako sa trabaho.” sabi nito sabay tawa.

“Loko! Pano kita tatanggalin eh ikaw may-ari ’non.”

“I remember, sinabi mo sa’kin na ikaw ang may-ari ng Sebirino Pastry's noh!” humalakhak uli ito.

“Joke lang ‘yon.”

“Napansin ko mag-isa ka lang sa bahay mo. Nasaan ang mga magulang mo?” tanong nito.

“Wala na patay na sila.Namatay yung tatay ko sa sakit sa puso. Sumunod ang nanay ko after two years.”

“Paano ko naka survive?”

Kinuwento niya dito ang pagkupkop ng tiyahin niya sakanya .

“Nagkatrabaho ka pala bago ka nagtrabaho sa Sebirino Pastry's.”

“Yup.”

“Bakit ka umalis dun sa una?”

“Hindi nakasundo yung manager.”

“So, pag di mo pala ako nakasundo aalis ka din sa Sebirino Pastry's.”

“Bakit manager ka ba?”

“Hindi.” sabay tawa.

Pinagmasdan lang ni Renalyn ang pag-tawa nito. Nagtataka siya sakanyang sarili dahil kapag nakikita niya ito bumibilis ang tibok ng puso niya.Aaminin na niya,gusto na niya ito.Sino ba namang babae ang hindi?

“I remember the first time we met.” Pagbabalik-tanaw nito. “Inaabot ko sayo yung sapatos mo, tapos tinanong mo’ko kung naniniwala ako sa ‘love at first sight’ .You know? I’m still wondering why you asked that.” ngumisi ito.

“Huwag nga nating pagusapan ‘yon nakakahiya kaya.”

“Hindi ko kasi maintindihan kung bakit mo nasabi yun?”

“Eh,basta…” nahihiyang sabi niya.

“Ako naman ang magtatanong. Bakit ito ang napili mong business?” tanong niya.

“Hmmmm…Dahil marunong akong magluto?” patanong na sagot nito.

“Ano bang klaseng sagot ‘yan?”

“Pangarap naming ni lolo ito.” seryosong sagot nito.

“Bakit Sebirino Pastry's ang pangalan ng restaurant?”

“I named it after him. His name was Severino. Siya ang dahilan kung bakit ako natutong mag-luto.”

“Nasaan na ang lolo mo?”

“He died even before I graduated. Nanghihinayang ako kasi hindi niya nakita ang pangyayaring ito sa buhay ko.”

“I’m sure your Lolo would be proud of you.” komento niya.

“I think so.”ngumiti ito.

Nagpatay-sindi ang mga ilaw sa loob ng restaurant, nagkaron siguro ng diprensiya sa linya ng kuryente. Tuluyang namatay ang mga ilaw sumilip siya sa glass wall at napansin niyang wala ring kuryente sa mga katabing establisimyento. Nagpaalam si Caleb sakanya na iiwan siya sandali. Napasimangot siya , kung kailan gumaganda ang takbo ng pagu-usap nila ay tsaka pa nagkaron ng aberya.

CTLS: A Cinderella Story (1st story) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon