Chapter Ten

1.3K 38 1
                                    


NANGHIHINANG napaupo si Devie sa inidoro matapos magduduwal. Tuwing umaga paggising niya ay bumabaliktad ang sikmura niya. Suka lang naman siya ng suka pero walang lumalabas sa bibig niya kundi mapait na laway. Nagsimula na siyang maglihi at sobra siyang nahihirapan. Idagdag pa ang sama ng loob na nadarama niya sa ginawa ni Ivo. Kahit galit siya sa asawa ay hindi niya maintindihan ang kagustuhang makita ito kaya naiinis siya sa kanyang sarili.

Nang makita niya ang asawa na kahalikan si Moira ay parang hiniwa ang dibdib niya. Pinanghinaan siya ng tuhod at hindi halos makakilos. Kaya naman ni hindi niya napansin ang pagsulpot ni Victor mula sa kanyang likuran.

Pag-alis niya sa resthouse ng mga Ortega ay dumiretso na siya sa bahay nila sa San Juan. Nagulat man ang kanyang ina sa biglaan niyang pagdating na hindi kasama ang asawa ay ni hindi na niya ito pinagpaliwanagan. Hindi na rin naman ito nagpilit na mag-usisa. Marahil ay nahimigan na rin nito na nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan.

Sa loob ng dalawang araw mula ng dumating siya ay nagkukulong lang siya sa kanyang silid. Hinahatiran na lamang siya ng ina ng pagkain pero ni hindi naman din niya iyon nagagalaw. Bukod kasi sa wala siyang gana ay lagi pang masama ang pakiramdam niya. Kung sana ay nandito si Ivo para damayan siya sa hirap na pinagdadaanan niya. Pero dalawang araw na ang lumilipas ay hindi pa rin siya nito sinusundan.

Inaasahan niyang kakausapin siya ng asawa at susuyuin noon sa resthouse pero hindi nito iyon ginawa. Hinayaan lang siya nitong umalis. Hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan pero kung itatanggi nitong may relasyon ito kay Moira ay malamang na paniwalaan niya ito.

Kaya pala iba ang pakiramdam niya nang makita niya ang mga ito sa opisina ng restaurant dahil talaga palang may itinatago ang mga ito sa kanya. At noong party ng Kuya nito. Kaya pala nagalit ito noong ianunsiyo ni Victor ang engagement nito at ni Moira dahil nagseselos ito. At kaya siguro siya nito agad inalok ng kasal para pasakitan si Moira. Hindi siya makapaniwalang nagawa siyang gamitin ni Ivo. Pero kasalanan din niya dahil agad siyang nagpabola. Parang totoo naman kasi lahat ng sinasabi at ipinapakita nitong pagmamahal sa kanya. Pero pagkukunwari lang palang lahat iyon. He's a master in pretending maybe. Well, lagi na siguro iyong ginagawa ni Ivo dahil pati nga siya'y pinagpanggap nitong nobya nito.

Natigil sa pagninilay si Devie ng makarinig ng katok sa pinto. Marahil ay dadalhan na naman siya ng Ina ng almusal.

"Ayoko pong kumain, Nay!," malakas niyang sigaw pero hindi pa rin ito tumigil sa pagkatok kaya napilitan na siyang tumayo. Baka hindi siya nito naririnig.

Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon. "Nay, hindi po ako nagu--" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng mabungaran ang biyenang babae.

Agad bumadha ang pag-aalala sa anyo nito ng mabistahan ang itsura niya. Magulo ang kanyang buhok na hindi pa niya nasuklay at alam niyang namumutla siya dahil nakita niya iyon kanina sa salamin. Sa kabila niyon ay nakaramdam siya ng galak na baka kasama ng byenan ang asawa niya.

"Are you okey, Iha?"

Napayuko siya. Hindi niya alam kuna ano ang isasagot dito.

Hinaplos ng matanda ang braso niya kapagkuwan. "Maaari ba kitang makausap, Iha?"

"Sige po. Pasok po kayo." Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto. Pumasok ang matandang babae. "Have a seat, Ma." Iminuwestra niya ang kama dahil wala namang upuan sa loob ng kwarto niya. Nakaramdam siya ng hiya ng masulyapan ang lukot na bedsheet at ang nakasabog na mga unan at kumot na halos malaglag na sa sahig. Umupo ang matanda at siya naman ay nanatili lang nakatayo sa harap nito. Hinawakan nito ang mga kamay niya. "More or less ay alam mo na siguro kung bakit ako nandito." Hinila siya ng byenan para maupo sa tabi nito. "Iha, alam kung masakit ang nakita mo pero nakikiusap ako sayo. Balikan mo ang anak ko. Mahal na mahal ka niya. Wala na silang relasyon ni Moira. Nagpipilit lamang ang babaeng iyon na bumalik sa anak ko. Pero noon pa mang bago siya umalis sa amin ay tahasan na niyang sinabi kay Moira na hindi na niya ito mahal. Narinig ko mismo iyon. Please, don't let my son think that he is being judged again," samo nito.

IVO-My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon