Chapter 1

6 0 0
                                    

"Ms. Castro, I suggest that you should double your effort in my subject. Kung attendance at behavior ang pag-uusapan, wala tayong problema dun. Pero hindi yun sapat para maipasa mo ang subject ko. Malapit na ang finals natin at kailangan mong makapasa sa mga natitirang quiz at lalo na sa final exam. Kung hindi, I'm sorry pero hindi ka makakagraduate."

Paglabas ko ng office ni Sir Ace, physics teacher ko, naisipan kong dumeretso agadsa library.

Physics. Physics. Physics.

Sinubukan kong basahin ang lesson namin kanina. Pero hindi ko maabsorb ang binabasa ko.

"UGH! I HATE PHYSICS!!!

"Sshhhh!", librarian.

"Ang hirap. Fuck science!" pabulong na sabi ko. I feel so hopeless. Hindi ko naman ka-close yung mga kaklase kong magaling sa physics. Wala naman din akong  pera para magpa-tutor.

"Ate, may ballpen ka ba?" bulong ng lalaking lumapit sakin.

"Meron."

"Pwedeng pahiram saglit?"

"Okay. Balik mo ah?"

Tumango siya at bumalik sa upuan niya. Pinagmasdan ko siya habang hinihintay kong ibalik niya ang ballpen ko.

"Ate, ayaw naman sumulat eh."

"Ha? Kakabili ko lang niyan ah?"

"Walang tinta eh. Try mo nga... sulat mo yung cellphone number mo." Sabay abot ng ballpen ko at maliit na papel.

Natulala ako sa sinabi niya. Seryoso ba 'tong lokong 'to o trip niya lang ako?

"Ah sorry. Hindi ako nagbibigay ng number ko sa stranger."

"Okay. I'm Carlo and you are?"

"I'm Anne."

"So I guess we're not strangers anymore. Can I have your number?"

"No."

Ngumiti siya at may sinulat sa maliit na papel. Kinuha niya ang notebook ko at inipit niya ang papel dun sabay umalis. Niligpit kona din ang mga gamit ko at umuwi.

Habang nagpapahinga ako, naisip ko bigla yung weird na lalaking lumapit kanina sakin sa library. Ang weird niyatalaga. Naalala ko yung papel nainipit niya sa notebook ko kaya dali dali kong kinuha ito.

"09067654321 TEXT ME IF YOU NEED HELP -CARLO"

Help? Oo! Kailangangkailanganko ng tulong. Mukhang may sagot na sa problema ko. Thank you Lord!

Tinext ko agad siya.

To: 09067654321

Magaling ka ba sa physics?


From: 09067654321

Hindi. Sino 'to?

Jusme. Akala ko siya na.Tss. Wala talaga sigurong ibang tutulong sakin kundi sarili ko lang. Babasahin ko na nga lang ulit yung lesson namin kanina.

From: 09067654321

Sino 'to?

Nagtext ulit. Hayaan na. Hindi niya naman pala ako matutulungan may paganun ganun pa siya. Ano yun nagpacute lang? Baka nga. Pero hindi naman siya cute! Hindi talaga! Pero mukha namang mabait.

Calling...

09067654321

Tsk. Angkulit.

"Hello? Sino 'to?"

"Ikaw ang tumawag bakit ikaw ang nagtatanong?"

"Ikaw kaya ang unang nagtext."

"Wrong send lang ako."

"Parang hindi naman. Pamilyar yung boses mo eh."

"Assuming."

"Ikaw ba si Anne?"

Aba, tanda ng lokong to ang pangalan ko.

"Ikaw si Anne no? Yung nakilala ko sa library kanina?"

"Oona. Sige na ba-bye."

"Teka la—"

I don't like long conversations. Isa sigurong dahilan kung bakit wala akong kaibigan sa school. Ewan ko. Nabobored ako sa ganun. Mas gusto kong mag-isa. O siguro nasanay lang ako. Yung parents ko nasa probinsya, tumira ako sa bahay ng kuya ko dito sa Laguna at siya din ang nagpapaaral sakin. Siya ang sagot sa tuition ko pero ako ang bahala sa allowance ko. Kaya may online job ako.

From: 09067654321

Sungit. :)

Ang kulit talaga! Dapat hindi ko nalang 'to tinext eh.


To: 09067654321

Wag mo na akongitext.


Calling... 09067654321

"Ano na naman?

"Sabi mo wag na kitang itext edi tatawagan nalang kita."

"Pilosopo."

"Bakit ba ang sungit mo?"

"Dagdag ka lang kasi sa problema ko eh."

"Ano ba yon? Malay mo makatulong ako."

"Physics."

"Yun lang pala eh."

"YUN LANG?! DUN NAKASALALAY ANG PAG GRADUATE KO!!! AT ISA PA HINDI KA NAMAN MAGALING SA PHYSICS KAYA WAG MONG MA-YUN LANG YUN LANG ANG PROBLEMA KO!!!"

"Kalma. Ang ganda ganda mo pero ang wild mo. Hahaha"

"Tss."

Call ended.


From: 09067654321

Hindi ako magaling sa physics pero pwede naman kitang turuan. :)

Ayaw niya talagang tumigil sa pagpapacute niya. Di naman bagay.


From: 09067654321

Meet me tomorrow. Sa Tarvax 5pm. Turuan kita. :)

Pupuntahan ko ba? Bahala na.Wala naman sigurong mawawala. Pwera nalang kung magpalibre siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Missing SparkWhere stories live. Discover now