(147) August 1, 2020

32 3 0
                                    

Date?

"Morning, pogi," masiglang bati ni Miara at sumakay na sa sasakyan.

Bumaling si Primo sa kaniya na may maliit na ngiti sa labi. "Good morning, Miara ganda."

Katulad kahapon noong tinawag siya ni Primo ng ganoon, sandali na naman siyang natulala. Kagat-labi niyang sinara ang pintuan ng sasakyan bago inayos ang seatbelt.

Tahimik si Primo buong biyahe at paminsan-minsan ay nagnanakaw ng tingin si Miara sa kaniya. Hindi niya na mabilang kung ilang beses niyang tinitigan ang lalaki kahit sigurado siyang alam nito na tumitingin siya rito.

"Ang gwapo mo," napatabon siya ng bibig nang napagtanto ang sinabi.

Halos umiyak si Miara dahil sa hiya pero pinanindigan niya na lang ang sinabi. Kahit sa daan nakatingin ang lalaki, kita pa rin ang maliit na ngiti sa labi nito.

Miara shamelessly stared at him while biting her lips. Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki hanggang sa tuluyan na itong napangiti.

"What?" He asked breathily and glanced at her. "You're excellent at making my insides squirm."

It was Miara's turn to look away and stay silent. Hindi niya inakala na sasabihin iyon ng lalaki. Akala niya ay manunukso ito o 'di kaya'y magpanggap na walang narinig.

Grabe, kumakapal na talaga ang mukha ko! Pag-isip niya.

"Talaga?" Aniya, sinusubukan kung hanggang saan ang kayang sabihin ng lalaki.

He glanced at her again. One hand was on the steering wheel while the other was on the window side. Nakapatong ang kaniyang siko sa pintuan ng sasakyan.

"When you call me pogi, when you smile and laugh wholeheartedly that sometimes you snort," he started. His smile got bigger at the mention of the word snort. Bigla tuloy nahiya si Miara.

"When your stare lasts longer than five seconds and it renders me unable to move. Or when you say something nice and you point at it while looking at me," pagpatuloy niya. "You're doing it again... it's almost twenty seconds now."

Sandaling nag-isip si Miara bago naintindihan ang pinapahiwatig ni Primo. Nang maintindihan iyon, mabilis siyang umiwas ng tingin. Tinuon niya ang pansin sa bintana at doon na pinakawalan ang ngiting kanina niya pa pinipigilan.

"Pinahaba mo pa," aniya nang hindi pa rin tumitingin kay Primo. "Pwede mo lang naman sabihin na kinikilig ka."

"Maybe I am..."

She turned to Primo with a curious look. Mukhang seryoso naman ang lalaki at hindi naman ito ang tipo na magbibiro sa mga ganitong sitwasyon. Iyon lang naman ang sinabi ng lalaki pero kung ano-anong mga ideya na ang pumapasok sa isipan niya.

Is this his confession? Gusto niya ba ako? Like romantically? Is he just saying this to get a reaction? What is he trying to say? May something ba siya sa akin?

Ito ang ayaw niya. Ayaw niyang pinapangunahan niya ang mga sitwasyon ngunit hindi niya rin mapigilan ang sarili. Malakas ang kutob niya na may pinapahiwatig si Primo pero ayaw niya ring mag-assume dahil baka mali ang pagkakaintindi niya. Baka masira pa ang pagkakaibigan nila.

Instead of answering and pushing that conversation further, Miara only smiled and leaned back on her seat. Pinikit niya ang mga mata, sinusubukang matulog pero hindi rin kaya.

Nahihiya siyang matulog dahil ayaw niya namang isipin ng lalaki na ginawa niya na itong personal driver niya. She knows that Primo won't mind if she sleeps but she still has this little shame in her.

"Miara," he called. Hindi siya tulog ngunit akala ng lalaki ay nakatulog siya. "Miara, we're here."

She slowly opened her eyes that immediately widened when she saw Primo's face a few inches away from her. Nagulat din ang lalaki at mabilis na nilayo ang mukha.

Miara's MistakesWhere stories live. Discover now