chapter 3.

35 7 1
                                    

No! The baby boy is for Tin only! Ang ugly naman nitong si Trista. Halatang malandi!

Walang spark iyong team up. Parang mag-Ate lang.

Ano ba iyan? Wala na bang mas maayos ang aktres para dito sa movie na ito? Sayang naman ang pagod ng bebe ko.

I inhaled a heavy breath as I stopped scrolling the comments on this article about me and Hero. I need to stop doing this to myself. Eh ano naman kung walang spark? Walang sparks sa kanila kasi ibang tao ang gusto nila para sa idolo nila.

Mukhang mag-ate? Hello? I'm only older than him for months. Hindi naman halatang mas matanda ako ng ilang buwan.

Sayang ang pagod? Eh lagi ngang late iyang idol niyo at laging pinapabawasan ang lines niya dahil parang laging may hangover?!

I hate working with him! Sobrang galing lang talaga ng publicity stunt ng team niya kaya ganyan siya kasikat at walang naglalabas ng totoong attitude niya sa work.

"Trista, last taping day na bukas. Labas tayo?" tanong ni Hero nang pinagbreak kami ni Direk.

I looked at him and smiled. "I don't know. I have to check my schedule muna."

"Come on! Ngayon na nga lang tayo lalabas, eh." Parang batang magtatampo kapag hindi ako pumayag. See? Immature pa ang idol niyo.

"Bukas din lalabas? Hindi pa ba tayo pagod no'n?"

"Hindi iyan! Nagpareserve na kami nina Terrence sa XYLO. We rented a VIP lounge enough for all of us na sasama."

I feel like he won't stop if I kept on saying no. "Sige. Anong oras ba?"

"Our shoot ends at 5 or 6 PM. How about we meet at the club at 10?"

I nodded. "Sounds good to me," I replied before going back to reading my script.

"Yes! See you there, Trista!" He sounded so excited as he walked to the guys na naglalaro sa mga phones nila.

I prayed for time to go faster para matapos na ang shoot para sa movie na ito. Ni hindi ko maitago ang saya ko nang marinig kong isigaw ni Direk ang "cut!".

Finally! Shooting this movie is such a challenge. Not because of the storyline, or the people I work with, but because of Hero. Sobrang nakaka-imbyerna siyang katrabaho. Dapat lang itong ibalik sa ka-loveteam niya para wala na siyang ibang mahassle na ibang tao.

"Hey, Tris! 10 PM ha? Bawal malate!" he told me while I was fixing my stuff.

"I know. I am never late, Hero." Umikot ang mata ko dahil alam kong alam niyang pinapatamaan ko siya.

He chuckled like the insult was nothing. "Oh, don't worry. Never akong nalate sa night out."

Tumaas ang kilay ko. "You obviously need to set your priorities straight," I uttered and he laughed even louder.

"Come on, Tris. Loosen up ka naman. Baka tumanda kang dalaga niyan," tukso niya.

I really don't mind. After seeing all the men cheating online or the people being abusive to their partners, I stopped imagining myself in a relationship. Hindi naman siguro kawalan kung hindi ako magkaboyfriend o kung tumandang dalaga na lang. I'd rather be alone than risk my heart. It's just too much hassle on my part.

"There's nothing wrong with it," sagot ko bago isarado ang zipper ng bag ko. "Other than wasting my time with people na hindi naman magtatagal sa buhay ko."

Hero chuckled and shook his head. "Hindi naman siguro masama ang sumubok," aniya. "What if you missed the one for you because of that mindset?"

Nilingon ko siya. "If that's the case then, hindi siya ang para sa akin. Kasi bakit siya mawawala?"

untamed seduction (fil.)Where stories live. Discover now