Manipulated by the Green Leaves in the Garden

3 1 0
                                    

Hi! Ako nga pala si Kristina Madrigal at mayroon akong fiance na nagngangalang Warren Quinto.

We've been together for 7 years. At sa loob ng pitong taon na iyon ay walang naging problema. Nag-aaway kami pero lagi rin namin nareresolba dahil may pinangakuan kaming bawal matulog nang hindi nagkakasundo.

Sobrang saya namin. Healthy na kung healthy basta ang alam ko ay napakaperpekto ng relasyon namin.

Tuwing monthsarry namin ay pupunta kami sa lugar na hindi pa namin napupuntahan. Tuwing anniversary ay lilipad kami patungong ibang bansa para roon magsaya.

We are both financially stable. Pilot siya habang ako naman ay Architect. Nakatira na kami sa iisang bahay na kami mismo ang pumundar at naghirap. Ako pa mismo ang dumisenyo nito.

Habang siya ay nasa flight niya, gumagawa naman ako ng mga design na pinapagawa ng mga clients ko. Sa isang buwan ay madalang lang ang pagkikita namin. Pero gumagawa kami ng paraan para mas magkasama ng matagal. Balak naming mag-ipon para sa kasal namin.

Ang kasal namin ay magaganap sa buwan ng Desyembre. Dahil ang honeymoon at christmas namin ay sa ibang bansa namin ic-celebrate. Ganoon ang plano namin.

Maayos naman kami. Pero ngayon, ay ik-kwento ko sainyo ang mapait na sinapit ng aming relasyon.

March 12, 2021.

Buwan ng marso nang magkaroon ng lamat ang relasyon naming puno ng pagmamahalan.

Katatapos lang namin mag make love dahil ito na ang ikapito't dalawang buwan na aming anibersaryo.

Dumiretso sa banyo ang nobyo kong si Warren para kumuha ng pampalinis sa akin.

Hinalikan niya muna ako sa noo at nag-iwan ng matatamis na salita bago tuluyang bumangon at pumunta sa banyo. Ang sabi niya ay lilinisan niya muna ang sarili niya bago ako.

Sinandal ko ang aking ulo sa headboard ng kama at pinikit ang mga mata. Kailangan kong sulitin ang oras na ito dahil sa pagtaas ng araw ay mawawalan na naman kami ng oras sa isa't isa. Aalis na naman siya para sa flight niya at magtatrabaho na naman ako.

Napalingon ako sa bedside table ng umilaw ang cellphone niya. Sign na mayroong notification na dumating.

Kahit na nahihirapan ay pilit ko itong inabot. Napangiti nalang ako ng makita ang larawan naming dalawa sa kaniyang lockscreen. Tinype ko ang password na alam ko at bumukas naman ito. Ganoon na lamang ang pagpula ng aking pisngi ng makitang ang kaniyang wallpaper ay ako na natutulog habang kumot lang ang nakatakip sa katawan.

Pumunta ako sa messages niya at okay naman. Wala namang kung ano-ano. Sa telegram ay wala ring mensahe kaya pumunta ako sa messenger at wala rin. Pero nang pindutin ko ang instagram app ay doon na lamang gumuho ang mundo ko. Ang dami niyang notification.

Napawi ang pag-aalala ko at napalitan ng ngiti nang makitang puro larawan ko at larawan niya ang mga posts at highlights. Ang messages din ay wala ring laman bukod sa mga Business inquiries.

Pero ang isa ang nakapukaw sa aking atensyon, ang babaeng panay comment sa mga posts niya na nirereplayan niya ng 'thank you' keneme keneme.

Inistalk ko ang babae at ganoon nalang ang kabanh nararamdaman ko ng malaman na isa itong flight attendant. At parehas pa sila ng Airlines na pinagtatrabahuan.

Tell Me I'm Wrong (One Shot)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant