Chapter 2: Genie of love

24 0 0
                                    

SA TUWING BUMIBISITA kami sa bahay ng lolo at lola ko, nagsasagawa sila ng selebrasyon bilang pasasalamat sa muling pagsasama-sama ng buong pamilya.

Maaga pa lang, abala na ang lahat.

Sina Lolo Ernesto, Papa Dante, Miguel, at Alejandro ay magkakasamang nagtungo sa lawa upang manghuli ng isda.

Sina Lola Cecilia, Tiyo Alvaro, at Mama Elena ang magkakasama sa hardin upang mamitas ng tanim na mga gulay at prutas.

Samantala, ako at si Tiya Isabela naman ang magkasama, na nagtungo sa plaza upang mamili ng iba pang kakailanganin para sa gaganapin na selebrasyon.

"Anak, may nobyo ka na ba?" ang walang pakundangang tanong sa akin ni Tiya Isabela habang magkasabay na naglalakad sa plaza.

Hindi man ako uminom ng tubig, pero ramdam kong nasamid ako ng mga sandaling iyon.

"Nakakabigla naman po kayo, Tiya" ang matawa-tawa kong sabi na sinundan ng, "Bakit niyo po naitanong?."

Napangiti naman si Tiya Isabela, "May gusto sana akong ipakilala sa 'yo" at saka kumindat sa akin na parang may ipinapahiwatig.

May isang tao na gustong-gusto ko sa buong buhay ko.

Kahit ba may ilang tao na ang nagpakita sa akin ng motibo, siya pa rin ang hinahanap-hanap ko.

Alam kong suntok sa buwan na magustuhan niya ang isang tulad ko, pero...

Nagbabaka-sakali pa rin ako, na isang araw, magkaroon na lang bigla ng himala.

"Sana... magustuhan niya ako!" ang pasigaw kong hiling kasabay nang paghulog ng barya sa isang water fountain.

Kilala sa buong isla ang water fountain na ito, na matatagpuan sa gitnang bahagi ng plaza.

Dinudumog ito, hindi lang ng mga tao sa isla, kundi maging ng mga dayuhan o turista.

Maraming tao ang naniniwala na tumutupad ito ng anumang kahilingan, lalo na kung ang kahilingan ay tungkol sa pag-ibig.

Kaya tinatawag din itong "genie of love."

"Hindi matutupad 'yan" ang rinig kong bulong na pagkakasabi ng isang tao sa paligid ko.

Nakahanda ang naiirita kong mukha na akmang pagsusungitan ang taong nagsalita, pero...

Sa halip, natigilan ako.

E, kasi naman...

Tumambad sa paningin ko ang isang napaka-guwapong binata.

Na mistulang magiting na prinsipe sa isang pelikula ng Walt Disney.

O, isang iskultura sa museyo na hinulma upang magkatawang-tao.

Nakakabighani.

Sa palagay ko, maging ang mga mahuhusay na pintor sa kasaysayan ay mahihirapang ipinta ang hitsura nito.

"Huh?" ang gulantang ko nang mapagtantong ilang segundong nawala sa sarili.

Napatingin naman sa akin ang binata, ngumiti nang may pagkanahihiya. "Ah, kasi... kapag malakas mo raw na binanggit ang kahilingan mo, hindi raw matutupad 'yon."

"Ah, ganoon ba?" ang tango ko na lang at saka muling binaling ang tingin sa water fountain.

Marami na akong nakakasalamuhang tao na may taglay na pambihirang kaguwapuhan, pero...

Masasabi kong kakaiba at malakas ang aura ng binatang ito.

Para sa isang tao na ang suot lang ay t-shirt, loose pants, at slippers, bibihira ang nagmumukhang elegante.

Nangangamoy pa ang pabango nito na nagkalat sa paligid.

Na halatang cheap, pero hindi mo maiisip kung malalaman mong nagmumula sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Last SummerWhere stories live. Discover now