Chapter Four

8 0 0
                                    

Chapter Four

Naging closer kami ni Chris the following months. But with this, a strange feeling struck me. The closer we’ve been, the more mysterious he gets. Napapaisip ako kung bakit parang ang bait naman niya sakin kahit na iba ang pinipilit niyang ipakitang personality. Pakiramdam ko nga e parang may ibang taong nasa loob niya—kung sino yun, yung ang di ko alam. Tingin ko nagbabalat-kayo lang siya bilang masungit at maangas. Tingin ko mabait naman talaga siya e. O baka naman may history siya ng Bipolarism.   -_-

Nagtext si Chris na magkita daw kami sa isang fastfood restaurant. Treat niya raw.

Pagdating ko sa restaurant e pinalipas ko muna ang isang oras bago ako nag-open up sa bumabagabag sa isipan ko.

“Chris, sino ka nga bang talaga?,” ako na poker face.

“Ha? Ano ba yang pinagtatanong mo? Ako yun, classmate mo—yung mahal mo...,” na halatang pinipilit lang maging kalmado pero may bakas ng pagkagulantang sa tanong ko.

“Sino ba talaga si Chris Sandoval?!” na sa pagkakataong ‘to medyo galit na ang tono ko.

Lumapit si Chris sakin na akmang iko-comfort ako.

“Remember Section 3 of our conditions? Keep your distance to me!!!” pero di niya ako pinakinggan at niyakap niya ako. Napaiyak na lang ako sa kanyang bisig.

“Alam kong may pagdududa ka sa akin ngayon, di maiiwasan yun. Pero hinihingi ko ang tiwala mo. At lubos mo sanang panghawakan at isabuhay ang Section 4...” si Chris.

Parang computer na nag-refresh ang utak ko. Section 3 says, “Just believe in what I say.

“Tara hatid na kita sa inyo,” si Chris.

Hanggang pag-uwi ng bahay ay napapaisip ako. Gusto kong ungkatin ang nakaraan. Pero may sinusunod akong kondisyon. Pero paano naman ako, maiiwang uhaw sa mga kasagutang hanap ko.

Pinagtatagpi-tagpi ko ang mga pirapirasong alaalang mayroon ako kay Chris; kung paano at kailan kami nagsimula hanggang sa kasalukuyan. Sino nga ba ang boyfriend ko? Siya yung estrangherong pinagkamalan kong magnanakaw at rapist. Yung taong walang modong bumangga sa akin sa school at di man lang ako tinulungan. Yung taong pumayag na magpanggap bilang kami na.  And of all, the person that I love most in present and the person I can’t afford to lose. Sa tingin ko kilala ko na siya, pero one side ng utak ko nagdududa.

Just believe in what I say.” Nakatatak yan sa isip ko. At naniniwala ako.

Lumipas ang mga araw at nakalimutan ko na yung pagdududa ko.

Nasa may elevator ako on the way to the mall’s third floor nang may pumasok na lalaki galing second floor.

“Melissa, how are you?” si Mac.

“Fine.”

”Nasaan BF mo?”

“Nasa bahay nila. Ako lang mag-isa ngayon...”

“Tara mag-date na lang tayo, ano game ka?”

“Mac, may BF na ako. Just let me go.”

Sabay pagbukas ng pinto ng elevator.   

Akmang aalis na ako nang may pahabol siyang mga salitang sumundot na naman sa aking pagdududa.

“Mag-ingat ka sa mga di mo kilala. Mag-ingat ka sa BF mo...” sabay halakhak.

Napaisip ako kung analogy ba yun na ang combined meaning ay mag-ingat ako sa BF ko dahil di ko siya kilala o warning niya lang yung sa mga makikilala ko na wag basta magtiwala o baka isa na naman sa mga paraan niya para mapabalik ako sa sa kanya. Di ko alam, hirap na hirap na ako.

Missing YouWhere stories live. Discover now