Chapter 21

173 10 2
                                    


"Oh my.. kung iyong mamarapatin, maari naba akong umalis? Kailangan ko pa kasing mag isip at mag plano kung paano mapapaluhod at mag mamakaawa sa akin ang pumatay sa aking INA" Pagka sabi ko nun ay dinaanan ko nalang sya.

Pero bago pa 'man ako tuluyang malagpasan sya ay nakita ko pa ang pag silay ng takot sa mukha nya.

Ganyan nga.. matakot kayo. Mas lalo lang ako na eexcite sa mga mangyayari. Mas lalo akong ginaganahan ngayon.

Sahalip na mag pahangin ako ay sa iba ang naging tungo ko. Pupuntahan ko sya para takutin. Mamaya ko na muna babalaking pumunta sa Hardin.

Mas maganda na dumiretso muna ako Ama ni Louisiana, lalo na at parang hindi kaagad nakakapag isip ng maayos ang Hari kapag ang Nanay na ni Louisiana ang pinag uusapan.

Wala na akong balak sundin ang dapat na mangyari sa librong binasa ko ukol sa nobelang ito.

Gagawin ko ang WAY ko bilang panibagong LOUISIANA. Ako ang BIDA.

Naka rating din ako sa library nya. Halos palagi syang naka kulong dito.

Binuksan ko ang pinto saka ako pumasok. Walang katok-katok. Naabutan ko syang may isinusulat.

Mabilis nya agad iyon isinara. Nakakapag taka 'man ay hindi ko nalang muna iyon pinansin.

Kita ko ang bahagyang pag iiba ng ng expression nito. Gulat na gulat ito na bahagya pang nataranta.

Alam kong ilang gabi nya na ding nakikita sa kanyang panaginip ang babaeng minahal nya ng sobra at walang iba kundi ang Ina ni Louisiana.

Bahagya akong ngumiti. "Matuto kang kumatok Louisiana. Ako parin ang Hari."Tapang tapangan pa nito.

"Wala akong pakialam." Aniya ko.

"Ano ang pakay mo?" Bahagya itong umiwas ng tingin sa akin.

"Ang tinatago mo." Aniya ko. Natigilan ito. "Sabihin mo sa akin kung anong itinatago mo." Dugtong ko pa.

Hindi ito makatingin sa akin. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Bakit hindi mo masabi? Natatakot ka ba."

*Bogs!

Gusto kong mapa halakhak sa ginawa nyang pag hampas sa lamesa nya.

Tumingin ito sa akin. Mata sa mata kaming nag titigan.

"Binabantaan mo ba ako AMA mo, Louisiana?"





(Third Person POV)

"Anong gagawin ko?" Mariing tanong ni Glorina sa sarili nya. Hindi sya mapakali sa kwarto ng kanyang asawa.

Labis na bumabagabag sa kanya ang mga binitawang salita ni Louisiana.

"Bakit ba kasi na buhay ang babaeng iyon!" Dinampot nito ang isang mamahaling vase at ibinato iyon sa kung saan.

Naikuyumos nito ang kanyang kamao.

Sa isip-isip nya na dapat ay pinatay na nya talaga iyon nung panahong hindi pa nagising si Louisiana.

Pero naging pakampante sya dahil nawalan naman ito ng ala-ala, at ipinag papaliban muna ang muling pag babalak nya na patayin ito.

Pero ang hindi nya inaasahan ay ang pag babago ng ugali ni Louisiana.

Napa kagat si Glorina kanyang hinlalaking daliri dahil sa kaba, takot, at halo-halong emosyon.

"Bakit.. paanong naging ganoon si Louisiana?" Muling tanong nanaman nito sa sarili.

"Hindi kaya nag papaggap lang talaga itong nawalan ng ala-ala?"

"Ina anong ingay iyon?" Napa lingon si Glorina sa nag salita.

Kunot ang noo nitong napa tingin sa basag na vase at muling tumingin sakanya.

"Anong ginagawa mo dito Georgia?" Inayos nya ang postura nya, na isang iglap lang ay nawala ang kaninang emonsyon na ipinapakita nya.

"Naka rinig kasi ako ng ingay Ina kaya napa sugod ako dito. Patawad kung wala akong katok.." Sabay tingin nitong muli sa basag na vase.

"..Paborito ni Ama iyang vase na binasag nyo Ina. Ano po bang nangyayari? May problema ba?" Usisa nito.

"Wala kanang kinalaman sa problema ko Georgia Anak. At iyang vase na iyan ay sinadya kong basagin. Iyan kasi ang unang regalong ibinigay ng Ina ni Louisiana at hindi na kaaya aya sa paningin ko." Malamig nitong tugon.

Napa irap si Georgia. "Tama. Mabuti nga iyan, mag dahilan ka nalang Ina kay Ama kung bakit iyan na basag alam ko namang mas papaboran kana ni Ama dahil matagal nang wala ang Ina ni Louisiana." Matarang na aniya ng kanyang anak. Na ikina ngiti bahagya ni Glorina.

"Aalis na po ako Ina, pupunta ako sa aking kaibigan" Paalam nito sa kanyang Ina.

Tinanguan lamang ito ni Glorina. Nang maka labas ang anak ay doon na sya nag pupuyos sagalit.

"Hindi ako makaka payag na mamatay ako sa mga kamay ni Louisiana ng ganon-ganoon na lamang." Seryosong sabi nito habang naka tanaw sa bintana kung saan nakita nya si Louisiana na mukhang pupuntang Hardin.

Ang Hardin ng Ina ni Louisiana. Napa ngisi sya sa naisip.







(Louisiana Delavan)

Kakarating ko lang dito sa Hardin. Napaka aliwalas talaga dito. Isnag oras din akong nandito. Napa isip nanaman ako sa naganap kanina lang.

"Prinsesa Louisiana, halina po kayo at pagabi na" Napa tango ako kay tanda. Sumunod nalang ako sakanila.

Sahalip na sa kwarto ang diretso namin ay nag pumilit akong sa kusina dumiretso. Nandoon ang ibang katulong na hinahanda na ang makakain... ng lima.

Saglit silang natigilan sa pag pasok ko pero di ko na yun pinansin at dineretso ang cake na una nilang natapos gawin.

"Akin na ito." Anya ko.

"P-pero.. ipina gawa po iyan ni Prinsesa Georgia-"

"Wala akong pakialam kung sya pa ang nag pagawa nito. Gutom ako, kaya walang makaka pigil sakin." Putol ko sa dapat sasabihin sakin ng katulong na ito.

Napa yuko naman ito. Binit-bit ko ang cake saka sinenyasan ang dalawa kong kasama para sundan ako.

Kaarawan ni Tanda ngayon kaya ko kinuha ito. Balak ko naman talaga sana gumawa ng pansariling cake pero dahil nakita ko ito, ito nalang ang ibibigay ko kay tanda.

Gusto ko lang bwisitin si Georgia.

Nang maka rating sa kwarto, inutusan ko silang i lock ang pinto.

At ka malas-malasan nga namang nandito pala sa loob si Georgia.

"Iyan ba ang ipina gawa kong Cake?" Tanong pa nito sa kunot noo.

"Obvious naman nag tatanong kapa. Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong sabi at inilapag sa mesa ko dito sa kwarto itong cake.

"Maupo ka dyan tanda, at ikaw naman babae. kantahan mo sya." Utos ko.

"Hala! Kaarawan mo nga pala ngayon!" Gulat na anas ni Babae.

"Wait, akin-"

"Lumabas kana, hindi ka kasali dito." Taboy ko dito kay Georgia na sinamaan ako ng tingin.

"Akin ang cake na iyan, ibibigay ko iyan kay Ama"

"Mag pagawa ka nalang ulit, alis." Ako na mismo humatak dito at inilabas sya. Mag sasalita pa sana ito ng malakas kong isinara ang pinto.

"Istorbo." Iritableng bulong ko.

'Pero nakakapang hinala na nandito sya.'




#cc_alor

Reincarnated As A Worthless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon