Prologue

80 9 1
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyong ito. Isang mariing lunok ang ginawa ko bago ginala ang paningin sa lugar kung nasaan ako. Dama ko ang higpit na pagkakagapos sa akin ng lubid sa bakal na upuang kinauupuan ko.

Ang alam ko, nagising na lang ako sa kwartong hindi pamilyar sa akin. Malakas na dumagundong ang dibdib ko sa kaba. Kalat ang pulang dim light sa buong silid na nagbibigay sa akin ng nakatatakot na atmosphere.

Nagitla ako nang bumukas ang pinto ng naturang kwarto. Doon ay may pumasok na malaki ang built ng katawan na pigura. Mas lumakas ang pagrigudon ng puso ko nang mapagsino ang nakita sa bungad ng pintuan. Isang ngisi ang pumaskil sa labi niya nang magtagpo ang mga mata namin.

"Gising ka na pala, Cailen," siya sa sensual na boses. Isang kakaibang pakiramdam ang lumukob sa akin na agad kong iwinaksi. Agarang bumuo ang galit na ekspresiyon sa mukha ko. Halos tumunog ang mga ngipin ko sa pagngingitngit.

"Anong plano mo sa akin? Why the fúck did you kidnap me, dude? Anong ginawa ko sa 'yo?" tanong ko sa nagpipigil na tono. Dumilim ang mata niya saka pinagpantay ang mga mukha namin.

"It's your fault. Masyado ka kasing lapitin ng mga babae at lalaki." Sa pagkakataon na 'yon ay nagbuhol ang aking kilay. He gripped my jaw harshly. "Hindi ko gustong may ibang lumalapit at nakikipag-usap sa 'yo bukod sa akin. Dapat akin ka lang."

"What the fúck?" bulalas ko.

Lumawak ang ngisi niya at mas lalong dumilim ang mata. "You're more hotter when cussing, Cailen. Ano pa kaya kung umuungol ka na?" Dumila siya sa ibabang labi saka kinagat iyon.

Pumaskil ang pang-aakit sa mata niya na ni minsan ay hindi niya pa pinakita sa kung sinong babae. Seryoso lang kasi ang karaniwan niyang ekspresyon. Hindi naman ako lumaking walang muwang kaya agad kong nabatid ang mga pinakikita niya.

"You are my friend, dude. Pareho tayong lalaki. Anong pinagsasabi mo? Mali 'tong ginagawa mo."

Nawala ang ngisi niya. Dumaan ang galit sa mata, halatang hindi nagustuhan ang narinig. "Pwes, ipararamdam ko sa 'yong pwede gawing tama ang mali."

Matapos niyang sabihin iyon ay pumikit siya saka sinunggaban ako ng halik sa labi. Namilog ang mga mata ko sa ginawa niya. Tila dinaanan ako ng elektrisidad sa katawan. Hindi pa nakatulong na unti-unting may nabuhay sa akin. Nang galugadin ng dila niya ang loob ng bibig ko ay hindi sadyang kumawala ang ungol ko.

Nang pakawalan niya ang labi ko ay tagumpay siyang ngumisi. Ang dibdib ko ay bahagyang tumaas at baba para maghabol ng hininga. Sandali lang iyon ngunit parang kinapusan na ako. Animong may humabol sa akin at tumakbo ako ng pagkalayo-layo.

"Wala ka nang kawala sa akin ngayon, Cailen. Aminin mo man o hindi, pati buong pagkatao mo ay nakuha ko na rin. Hintayin mo, pati puso mo'y aangkinin ko. Hindi maaari at hindi patas na ako lang ang baliw para sa 'yo."

Fúck! I won't let that happen.

©Lethal_Arian.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Obsessing Over HimWhere stories live. Discover now