CHAPTER 2

6 0 0
                                    

CHASING SUNSETS

CHAPTER TWO

"Well para sa akin mas gwapo si Tim lalo na kapag lumalabas yung dimples nya." parang nag iilusyon pa si Aliyah habang sinasabi yun.

Nasa tricycle na kami ngayon pabalik ng school dahil may class na ulit kami in 30 minutes. Hindi pa din matigil ang bibig nya kakasalita tungkol dun sa Tim na yun.

"Alam mo ikaw, plastik ka! Pa-kuya kuya ka pa sa kanya kanina pero ngayon na wala na sya, nawala na din yung Kuya!" puna ko sa kanya. Hindi na ako magtataka kung crush nya yung Tim na yun.

"Ihhh kasi naman third year na sya no. Saka yung mga member ng brass band na bago, Kuya talaga ang tawag sa kanya."

"Crush mo?" nanunuyang tanong ko sa kanya.

"Sinong di magkaka crush dun?! Oo naman no." talagang hindi nya tinanggi.

Inilingan ko na lang sya. Well, gwapo naman talaga ang Tim na yun pero hindi sya yung tipo ko. Mas bet ko yung mga medyo bad boy looking, at saka mas madalas din talaga ako magkacrush sa mga dancer na kagaya ni AJ.

Bago kami pumunta sa classroom namin ay dumaan muna ulit kami sa bulletin board. Dahil sa sobrang excited ko kanina nung nakita kong natanggap ako sa dance troupe ay nakalimutan ko nang tingnan yung detalye ng first practice bukas.

"Uy ayos pala girl, same time pratice natin bukas, magkaiba lang ng location." komento ni Aliyah nang makita namin yung schedule ng dance troupe bukas.

Sa dance studio ako bukas malamang, sa first floor ng Main Building. Habang si Aliyah na member ng brass band ay sa first floor naman ng ACD building ang band room. Magkatapat lang ang dalawang building na yun so hindi naman siguro kami mahihirapan ni Aliyah kung gusto namin magmeryenda or maglunch ng magkasama.

"See you tomorrow." napatalon ako dahil sa nagsalita sa likod ko. Mahina lang ang pagkakasabi nun pero dahil dinig na dinig ko yun ay sigurado akong malapit lang sa likod ko ang taong nagsabi nun.

Dahan dahan akong lumingon habang malakas ang kabog ng dibdib ko. Siguradong sigurado ako sa boses na yun.

"Uy." parang tangang sabi ko nang makumpirmang si AJ nga ang nasa likod ko. "Ahh, hehe. Thank you -- ah!" napadaing ako nang maramdaman ang pinong kurot ni Aliyah sa tagiliran ko. Tiningnan ko sya ng masama.

"Anong thank you? Gaga, sabi nya see you tomorrow." ni hindi manlang nya ibinulong, talagang halos isigaw nya sa muka ko.

Nataranta naman ako nang marealize ko ang kagagahan ko sa pagsagot. Hinarap ko ulit si AJ. Pero bago pa ako makapagsalita ay nakita ko na syang tumatawa.

"Don't be late tomorrow. 10 laps sa buong grounds kapag nalalate." nakangiti nyang sabi sa akin. Napapailing pa sya habang umaatras paalis.

"Ahh oo sige. See you tomorrow din, thank you!" sagot ko sa kanya kahit nakatalikod na sya. Tinaaas nya lang ang kanang kamay nya at bahagyang kinaway yun.

Kahit nakatalikod sya ay ang gwapo nya pa din talaga. Ang lapad ng likod at nahuhumiyaw ang muscles na nakabakat sa damit nya. Hindi sya sobrang buff pero nasisiguro kong batak sa muscles ang katawan nya. Shet ang yummy!

Naputol ang pagdaday dream ko nang maramdaman ko na naman ang kurot ni Aliyah sa akin.

"Ali nakakailan ka na ha." inis kong sabi sa kanya.

"Te, halatang halata ka, pabebe ka din minsan uy." dinunggol nya pa ako gamit ang balikat nya.

"Wow ha? Sabi nung halos maihi kanina nung kaharap yung Tim." pang aasar ko din sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing SunsetsWhere stories live. Discover now