CHAPTER 4

0 0 0
                                    

MAAGA akong ginising ni tiya isabela sapagkat dadalo kami sa paglilibut sa karagatan kay berhen Maria.

Hindi na nag abala sina tiya isabela na magluto nang makakain sapagakat ang simbahan na raw ang mag papakain.

Nang makarating kami sa daungan nang mga bangka halos kalahati lang ng bayan ang dumalo sapagkat ay ang iba ay walang bangkang gagamitin at ang ibang dadalo ay halos mga importanteng bisita.

Ngunit sa kasamaang palad ay nasira na naman ang araw ko. Hindi dahil sa pamimikon ni Manuel dahil sa. Sa lahat nang babaeng inaalalayan nya para makaupo sa bangka ay halos lahat ngini-ngitian nya at pag pag dating saking parang may hanging dumaan at agad na nawala ang ngiti nito sa mga labi.

Sa kakaisip ko ay nagulat nalang ako nang maramdaman ko ang mahinang hampas saakin ni Elisa.

"Ate Veronica kanina pa kita kinakusap." Bulong na saad nito.

Tinitigan ko lang ito at hinintay na mag salita ulit.

"Ang sabi ko bat kanina pa lulipad yang utak mo?" Saad nito. "Tungkol bato kay kuya Manuel." Nakangisi nitong saad. "Selos ka no?" Nakangsi parin nitong saad.

Umirap nalang ako sa hangin at hindi nalang ito pinansin.

Ang pino-problema ko ngayon ay ano ang mangyayari saakin kapag umusad natong sinasakyan namin na bangka.

Sanay naman ako maglakbay sa karagatan ngunit ang kinakatakotan ko ay yong sakit baka sumakit na naman dahil sa pagka-alog at baka abutin na naman ng isang buwan bago pansamantalang di na ulit sumakit.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at  maingat na hindi makatama ang ulo ko sa bubong ng bangka.

Ngunit bigo ako at pag-kababa ko ng bangka ay agad akong napahawak ng ulo ko at agad na ng hina. Dumaong muna rito kami sa kabilang bayan makapag inom at babas-basan ran ng kura ang simbahan nila rito.

Habang naghihintay na matapos ang pag babas-bas ng kura ay hindi ko parin inaalis ang kamay ko sa ulo ko. Ramdam ko rin ang tingin ng mga tao saakin palagi ring sinusubukan nina Elisa na tanungin ako ngunit iniiwas ko ang mga tanong nila.

Nung pabalik na kami sa bayan ay mas sumakit ang ulo ko. At pagkababa ko palang ay hinang-hina na ako tinanong pa ako ning Manuel kong ayos lang ako ngunit di ko sya pinansin at patuloy na nag lakad kahit ang sakit na at hinang-hina na ako.

Nang hindi ko na kaya ay napaluhod nalang ako sa buhangin medjo may kalayuan na iyon sa daungan ngunit alam kong rinig parin ron ang sigaw ko at iyak habang nakaluhod.

"Ayoko na!!! Tama na!! Pakiusap lubayan mo na ako!!!" Sigaw ko habang umiiyak at pinagsasampal ang ulo ko.

Patuloy lang ako sa pagsisigaw, pagiiyak, at paghahampas sa ulo ko ng naramdaman ko nalang ang bisig na pumipigil saaking paghahampas sa sarili.

"Ano ba Veronica!!! Mas sinasaktan mo ang sarili mo sa mga pinag-gagawa mo!!!" Rinig kong saad nito na may pag-alala ni Manuel.

"Ayoko na!! Pakiusap tulongan mo akong alisin ito! Ano bang ginawa ko at para parusahan ng ganito!!" Umiiyak at sigaw na saad ko at patuloy parin sa pag-pupumiglas sa bisig nya para mahampas ko ang ulo ko.

"Maari ba Veronica! Tigilan mo na ang iyon kahibangan! Kahit kailan hindi masusulosyonan ang iyong problema kong sinasaktan mo lang ang sarili mo!!!!" Saad naman nito.

Itinigil ko na ang pag-pupumiglas habang naman sya ay hawak parin niya ako mula sa likuran ko.

Hindi na malayan na nawalan na pala ako ng malay.



ANO BA VERONICA gumising kana paki usap pinag-aalala muna kami nang malala. Mag dadalawang linggo kanang tulog kailan ka ba magigising. Gumising kana oh gusto na kitang pikonin.

Saad ko habang nakamasid parin sa magandang mukha ni Veronica.

"Kuya Manuel kakain na raw sabi ni ina." Saad ni Anna habang nakasilip sa pinto ng silid ni Veronica.

"Sige susunod na lang ako." Saad rito.

Pagkaalis ni Anna ay agad ako tumayo at tinitigan ko muna si Veronica bago lumabas ng silid nito.

NANDITO kami sa taniman namin ng mga gulay malapit sa palayan namin. Nag-aani na kami ngayon ng bunga ng mga ito at sa Enero naman ay pag-aani naman ng mga palay.

"Ang swerte nyo talaga mareng isabel at nabiyayaan kayo ng mga anak ang sisipag." Saad ni aling Rosita.

"Ah naka-depende yan sa pag papalaki sa mga anak nyo sadyang ganon kaming mag asawa." Natatawang saad ng ina ko.

"Kahit na swerte nyo parin." Giit ni aling Rosita. "Maiba ako kamusta na si Veronica nagising naba sya?" Tanong nito.

"Ayun di parin nagigising." Malungkot na saad ng ina ko.

"Kawawang bata may sakit na nga ngunit nagawa pang itakwil ng mga magulang." Saad ni aling Rosita.

Ito ang mga sinasabi ng ina ko sa iba kapag tinatanong sya kong bakit napad-pad rito si Veronica. Na kesyo tinakwil ng mga magulang ni Veronica na kaibigan naman ng ina ko. Totoong kaibigan ng ina ko ang mga magulang nito ang kasinungalingan lamang ron ay ay itinakwil si Veronica.

Mag-aapat na buwan na ngunit di parin nagigising si Veronica malapit na ang desyembre ngunit di parin sya gising.

Itinuon ko na lamang ang sarili ko sa pag aani. Hindi nagtagal ay narinig ko ang sigaw ni Anna sya kasi ang nag-babantay kay Veronica kaya wala sya rito.

"Ina!! Kuya Manuel!!!" Sigaw nito habang tumatakbo.

Nang makarating sya sa kinaroroonan namin ay huminga mo na sya dahil hingal na hingal na sya. Nang makabawi ay agad na itong nag salita.

"Ina, kuya..." Lahat kami ay hinihintay ang sasabihin nito. "Gising na si ate Veronica!"

Sa subrang gulat ko ay di na ako nag tanong para ikumperma at agad akong tamakbo patungong bahay namin.

Nang makarating ako sa bahay ay nadatnan kong nasa balkonahe sya nakatayo malapit sa harden namin. Walang pag-aatubiling niyakap sya mula sa likuran nya ramdam ko ang pag-kagulat nya ng humarap sya saakin ay agad ko ito niyakap.

Tumagal iyon ng isa minuto.

"Oo na, alisin mo iyong yakap mo ata baka maabutan tayo rito ni Elisa mga marites panaman yon." Saad nito. "Atsaka alam ko namang nalungkot ka dahil di muna ako napipikon na lalaki ka." Saad nito ulit.

Natawa na lang ako at umali. Pagka-alis ng pag-kaalis ko sa yakap ay agad na mang pumasok sina ina at niyakap si Veronica. Buti nalang di nila kami nakita.

"Jusmiyo bata ka buti at gumising kana pinag-alala mo kami." Saad ni ina ng makabawi sa yakap.

"Pasensya po tiya ganito talaga po ako kapag sumasakit ng malala ang ulo ko." Saad nito mukhang di na bago sa kanya at siguro sinabi na ni Anna kong ilang buwan na syang tulog.

"Oh sya kumain kana muna para mag-karoon ng laman ang iyong tiyan." Saad ni ina.

At simula noon ay bumalik na sa normal ang lahat nag pipikonan na naman kami ni Veronica pero nag-iingat parin ako kahit mukhang ayos na naman sya. Baka kasi sumakit na naman ang ulo nya at baka matulog na naman sya ng hight pa sa tatlong buwan:)


























NO ONE CAN STOP US MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon