Chapter 4

801 12 5
                                    


Masama ang pakiramdam ko kaya hindi ako bumangon kaagad at nanatiling naka higa sa kama

"Riri!, bumangon kana jan tanghali na!" Sigaw ni Ian mula sa kusina

Hindi ako sumagot at hindi ko nalang ito pinansin, bumalik ako sa pagka idlip, maya maya lang ay biglang bumukas ang pinto kaya naman ay napilitan akong tumayo, pagka tayo ko ay bumungad sakin si Ian at George na galit ang mukha

"Diba sabi ko tumayo kana jan, bakit nag tutulug-tulugan kapa" Malakas na sabi sakin ni Ian, sabay piningot ang tenga ko, habang hawak nito ang tenga ko ay hinihila naman ako ni George pababa

.....

Bakit kailangan pa nila ako saktan?
Bakit parang mas madilim pa ang mundo ko dito kesa Noong kasama ko sila Teahyung

Naguguluhan ako Bakit bigla sila nag bago, hindi naman sila ganyan dati eh

Ngayon si Axelle nalang ang kakampi ko, kapag nandito siya ay pinagtatanggol niya ako sa mga pananakit nila George

Pero nga dahil kaylangan niya umalis ako lang ang natitira sa bahay kasama ko sila George

_________________________________________

Masaya silang nanonood ng marathon habang kumakain ng niluto kong pop corn

Habang pinapanood ko sila mula sa hagdan ay naalala ko ang mga oras na kasama ko silang nanonood ng marathon, sobrang saya pa namin noon bawal tawanan namin ay hindi mo matansya pero ngayon, andito ako nag iisa pinapanood silang nag tatawanan, hanggang kailan paba to, hanggang kailan pa ba ako mag hihirap

_________________________________________

Bago ako matulog naalala ko yung picture frame na nakita ko sa kwarto ni George

Hindi kaya kapatid niya yun, o baka gf niya

Ewan ko ba pero alam kong may pinagsamahan kami ng babaeng yun, hindi ko nga lang matandaan pati yung pangalan ng babae hindi ko rin matandaan

Ano ba nangyayari sakin??
Okay pa ba ako??

.....

Kinabukasan ay agad akong bumangon, madaling araw pa lamang ay bumangon na ako at nag ayos dahil gusto ko magpa check up, palagi na rin kasi ako nakaka ramdam ng mga sakit sa katawan, pagka Hilo at napapadalas din ang pagsakit ng puso ko


"Doc, ano pong resulta?" Nag aalala kong tanong dito, sinagot naman niya kaagad ang tanong ko subalit mukhang hindi maganda ang sasabihin niya

"May sakit ka sa puso iha"

Laking gulat ko ng marinig ko ang sinabi niya

Ako? May sakit sa puso?? Hindi maari gusto ko pa mabuhay ng matagal, gusto ko pang makasama sila Axelle at sila George ng hindi ako sinasaktan, umaasa pakong maayos ang lahat

___________________________________________

Umuwi ako sa bahay, at hindi na bago sakin ang pagbuhatan ng kamay at pagsabihan ng masasakit na salita, palagi naman eh

"San ka nanaman galing?" Bungad na sigaw ni George sakin

"A-ah, may pinuntahan lang ako, bawal ba?" Utal utal kong sabi sakanya

At sympre sinagot ko siya kailangan ko ng maghanda para sa suntok niya

____________________________

Sasapakiin niya na sana ako ng pigilan siya ni Axelle

"George ano ba?, palagi mo nalang sinasaktan si Riri" sigaw nito kay George, habang ako naka tingin lang sakanilang dalawa

......

"Diba Axelle ayos pa tayo?, diba hindi mo rin ako sasaktan" malungkot kong sabi sakanya habang naka sandal sa balikat nya

"Hindi kita papabayaan Riri, sorry huh kung palagi kang inaabuso nila George" malungkot na tugon naman nito sa akin

"Bakit ba nila ako sinasaktan Axe"
Paiyak kong tanong sakanya, hanggang sa hindi kona napigilan ang iyak ko

"Tahan na, hindi ko rin kasi alam kung bakit eh, wag kana umiyak huh, babantayan kita promise" naka ngiting sabi nito sakin, nginitian ko rin siya pabalik

"Tara na matulog na tayo" pag aaya niya sakin, at pumasok na kami sa loob ng bahay

Hinatid niya ako sa kwarto ko, at dumeretso na rin sya sa kwarto niya

_______________________________________

Pag gising ko ay nakita kong naka upo sa tabi ko si Axelle

"B-bakit ka n-nandito?" Matamlay kong tanong sakanya

"Nilalagnat ka nanaman eh, kinuhaan na kita ng pagkain, kumain kana para lumakas ka" sambit nito na may pag aalala

.....

Lumabas si Axe para bumili sa grocery habang ako ay naiwang sa loob ng kwarto ko, mataas parin ang lagnat ko kaya hindi ako lumabas

Matutulog na sana ulit ako ng biglang sumikip ang dibdib ko, at hindi ako maka hinga

"Ahhhhhhhhhh..." deretsong sigaw ko habang nag hahabol ng hininga, alam kong nasa baba sila Ian kaya sinubukan ko humingi ng tulong sakanila "t-tulong..." pahina na pahina ang boses ko hanggang sa mawalan ako ng malay

Hindi kona alam ang mga sumunod na nangyari, nagising ako na nasa hospital at katabi si Axelle

"Sa wakas riri, ano ba nangyari huh, bakit hindi ka naman humihinga kanina, akala ko tuloy wala kana, wag mo akong iiwan riri, please lang hindi ko kakayanin kapag nawala ka"
Sambit ni Axelle habang umiiyak hindi ko rin napigilan na tumulo ang luha ko

"may sakit ako sa puso Axelle, at nahihirapan akong huminga" mangiyak iyak kong sabi sakanya at hinawakan naman niya ang kamay ko

"Riri, lalaban ka huh, wag mo akong iiwan" sambit nito habang hawak ang mga kamay ko at naka tingin ng deretso sa mga mata ko, kitang kita ko ang bawat pag patak ng mga luha niya mula saknyang mata

Naaawa ako sa sarili ko pero ma's naaawa ako ngayon kay Axelle, na umaasang tatagal pako sa mundong ito.

.....

"Magpapahinga muna ako, uuwi na rin naman tayo mamaya" nanghihina kong sambit sakanya at tumango lamang ito at bumalik sa sofa kung saan sya naka upo

Bumalik nako sa pagtulog at nagpahinga


I Love you guys, But I need to [second option]Where stories live. Discover now