Prologue

1 0 0
                                    

"Malapit na ang exam ninyo para sa second sem, sa ngayon, wala pang sinasabi kung kailan kaya kailangan ni'yong pag-handaan." Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang nag sasalita si Sir Felipe sa harap. Kanina pa kase tumatawag si Daddy at hindi ko ito masagot dahil nasa klase pa ako.

Tumingin sa akin ang katabi kong si Natasha nang makitang namumula ako. Minsan lang kaseng tumawag si Daddy sa akin, karamihan pa sa mga tawag niya ay kung galit siya o kung may emergency sa bahay.

Napatingin ako sa selpon ko at muling tumingin sa harap. Nag mag dismiss si Sir ay agad ko namang kinuha ang telepono at lumabas para sagutin ang tawag, pang apat na 'to, baka magalit pa sa akin ang lalaki kung hindi ko pa sagutin.

"Dad?" Saad ko nang masagot ang tawag. Tinignan ko pa ang telepono para siguraduhing nasagot ko nga ito bago muling ibalik ito sa tenga ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang kakawala na ito sa aking dibdib. Kung hindi ba naman kase bawal ang pag sagot man lang ng telepono kung may nagsasalita sa harap ay baka naibsan ang kaba ko. Lintek na patakaran 'yan.

"Azi, where are you?" Baritonong boses ang sumalubong sa aking tenga nang ibinalik ko ang aking telepono sa tenga ko.

"School, Dad. Bakit ka po napa-tawag?" Nilingon ko ang mga kaklase kong nagsisilabasan na sa room. Lunch break na namin at two and a half hours ang vacant namin ngayon.

"You should go home early after your class. We will be talking about serious matters so don't be late. 6 PM sharp." Seryosong saad niya.

Napatingala ako at tinignan ang relo ko. Alam kong ayaw na ayaw ni Daddy ang nalelate kapag ganitong usapan, ang kaso ay may meeting pa akong kailangan attendan mamaya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Yes, Dad." Sagot ko at bumuntong-hininga bago ko ibinaba ang tawag. Napatingin akong muli sa room nang lumabas doon si natasha bitbit ang bag ko. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay.

"Sa'n ka kakain?" Tanong niya at iniabot ang bag ko. Kinuha ko naman iyon at isinukbit sa aking balikat bago kami magsimulang mag lakad.

"Sa canteen. Kailangan kong ianounce na mapapalitan ang schedule ng meeting ng SSG officers, iniisip ko na ngayong lunch sana dahil mahaba naman ang vacant natin."

Tumango siya at tumungo naman kami sa canteen. Some students are turning their heads on our way when we entered the cafeteria. Hindi ko alam kung dahil ba sa may naiintimidate sila, o 'di kaya'y dahil famous ang katabi ko.

Karamihan sa mga natatakot sa akin ay ang mga Juniors. Kumakalat kase sa buong campus na walang tapal ang bibig ko at iyon ang isa sa kinakatakutan nila sa akin.

I looked at the table where someone shouted "Pres". Kumakaway ang mga SSG officers sa akin kaya nagpaalam ako kay Natasha na pupuntahan ko muna ang mga officer doon. Close na talaga sila at naging circle of friends pa ang student council, ako na lang siguro ang kulang.

"I'll be changing our schedule, is that fine? Meron akong kailangan puntahan mamaya at kung pwede sana ay mamayang ala-una ang meeting natin." Tinignan ko sila isa-isa at napansin kong kulang sila ng dalawa. Napailing ako dahil doon.

"Okay lang, Pres. Wala rin naman kaming gagawin ngayong lunch break, ang haba kase ng time." Natawang saad ng PIO namin. Napangiti ako at tumango sa kanila bago magpaalam na pupuntahan ang kaibigan ko.

Nag makaupo sa tabi niya ay biglang natuon ang atensyon ko sa entrance ng cafeteria. May tatlong lalaki at dalawang guro kase na pumasok doon. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa college na ang mga ito dahil hindi naman pinapapasok ng skwelahan ang mga hindi naka uniform. Isa pa, iba ang ID lace nila.

Wind's Whisper Where stories live. Discover now