iii

15 0 0
                                    

04-01-24

nilalagnat ako ngayon but papasok pa rin ako sa school, ayokong magkaroon ng absent.

chineck ko yung account mo kanina and bumungad sa'kin yung nagpamensahe sa'yo. i dunno what to feel. hindi naman ako nagseselos or what since hindi ko rin sila mapipigilan na hindi magkagusto sa'yo.

this is probably the last time i will check your account just to know if you are okay or not. ayoko nang may malaman o makita.

hindi ko alam kung bakit ko pa ba ’to sinusulat, siguro para ilabas yung nararamdaman ko? hindi ko alam kung paano ko sisimulan at hindi ko rin alam kung nababasa mo ba ’to.

tama. hindi ko alam.

masakit. hanggang ngayon masakit. akala ko maayos na ako, akala ko kaya ko na, pero hindi. masakit pa rin pala.

gustong gusto ko dati kapag nagpapakita ka sa panaginip ko, ngayon hindi na. palagi na lang masakit kapag gumigising ako. nababaliw lang utak ko at hindi makapag focus kasi naalala na naman kita, masakit na naman. tangina.
hindi na ako masaya kapag naaalala ka, nasasaktan lang ako.

nahihiya na ako sa kaibigan ko, na baka napapagod na siyang palagi akong umiiyak sa kanya.

kahit masakit, kahit nakakabaliw gusto ko pa rin maging maayos ka. i went to church yesterday, i prayed for you.

ganito na ba kasakit kaya kinailangan kong pumunta sa simbahan at magmakaawa na sana paggising ko hindi na kita mahal? pinagdasal kong sana maging maayos ka, sana bukas hindi na kita mahal.

sana proud na proud ka sa’kin HAHAHAHAHAHAHA natupad ko yung promise ko sa'yong magiging with high honor ako. ito na lang yung promise na kaya ko pang tuparin, nagawa ko diba?

aalagaan ko na yung sarili ko. kaya ko ’to, naniniwala ka sa’kin na kaya ko, diba? baka next year hindi na kita mahal HAHAHAHAHAHAHAHAHA nagiging dramatic talaga ako pag nilalagnat.

totoo na ’to, mag momove on na ako. bosit ka, ba’t ba kasi nakita ko pa account mo sa profile views ko sa TikTok HAHAHAHAHAHA baka mamaya nakita mo mga reposts kong miss na kita, edi tinatawanan mo ako noon or iniisip mong baliw ako.

ingatan mo sarili mo, ha? warm water  ang ipaligo mo kapag nabasa ka ng ulan tapos magpalit ka agad ng damit para hindi ka lagnatin. ganiyan din gawin mo kapag masama pakiramdam mo or nilalagnat ka, para maging comfy rin pakiramdam mo.

manood ka lang ng sunset kapag namimiss mo ako hehehe. favorite ko pa naman ’yon. alam kong hindi mo naman tinatanong pero mahilig akong pumunta sa beach tapos nanonood ng sunset kapag hindi ako okay, kapag nasasaktan ako. perfect combination ’yon hehe. pero ’wag mo nang gagayahin, ha? ako na yung nauna e, ’wag kang gaya-gaya.

mag fofocus na ako sa sarili ko. hindi ko na i-stalk yung account mo, ayokong may makita.

i’ll make sure na moved on na ako kapag may iba ka na, para tanggap ko na.

itatabi ko na lang yung couple bracelet na binili ko last year, yung sinabi kong ibibigay ko sa'yo kapag nagkita tayo.

Architecture pa rin talaga ang kukunin ko, hindi Law. baka 15 years from now kilala na akong Architect, hindi lang dito sa Pilipinas.

kailangan ko nang kalimutan ka, hanggat mahal pa kita mas lalo lang akong nasasaktan. masakit kang mahalin.

sa susunod na maaalala kita, wala na akong pagmamahal na mararamdaman sa’yo.

i guess this is good bye? wishing for your success. i’ll be your biggest fan. i love you for the last time.

words on my mind that i need to get out through writingWhere stories live. Discover now