Chapter 8 - Arcade

38 4 0
                                    

Mara POV

Hay naku! Makikita ko na naman si mokong >_____________<

Bakit ba kasi nag exist pa yan dito sa planetang Earth? Siya lang ang taga sira ng araw ko lagi. And speaking of mokong, ayan na siya, naglalakad patungo sakin… patungo sakin… uupo na siya… uupo na siya… ba’t ba kasi nandito to? Kainis talaga, hindi ba pwedeng babae sa babae nalang ang magkatabi? Sino ba kasi ang nagpauso na dapat magkatabi ang babae at lalaki? Mamatay na nag imbento nun :P

“Hoy! Ikaw babae! Asan na yung polo ko?”

“May polo ka bas akin? Kelan? Wait lang, alalahanin ko muna. Wala talaga akong maalala eh pasensya na ha?” sarcastic kong sabi

“Nang iinis ka ba? O baka naman gusto mong mapahiya?”

“At bakit naman ako mapapahiya?”

“Hindi ka talaga natatakot?”

“Hindi! Bakit naman ako matatakot sayo aber?” hmpf sinong takot niya? *smirk

“Ito lang naman oh” sabay pakita sakin ng cellphone niya

“Hoy! Bakit meron ka niyan? Saan mo nakuha yan? Burahin mo nga yan!” inaagaw ko sa kanya yung cellphone niya

“Ibalik mo muna yung polo kong minatsahan mo kung ayaw mong mag trending to sa school”*smirk

“Mayaman ka naman ah? Bakit pa gustong makuha yun?”

“Pake mo? Pera ng mga gulang ko yun at hindi mo pera yun so ibalik mo”

Sabagay hindi ko nga pera yun eh kahit na mayaman naman siya kaya niya namang bumili higit pa sa isa eh. Yabang talaga. Kainis!

“Oo na, ibabalik ko na bukas… bukas na bukas… (isaksak mo sa baga mo)”

“May sinasabi ka ba?”

“Ha? Wala ah? May sinabi ba ako? Wala akong matandaan eh”

Biglang dumating yung teacher naming sa Social Studies. Bwisit talaga tong mokong na to, bakit ka pa kasi nag exist?

Nagdiscuss lang si ma’am ng kaunti then nagquiz about sa diniscuss niya. Next subject naman ang T.H.E buti nalang culinary kami ngayon nakakasawa na kasi yung dress making chuchu eh ayoko naman maging mananahi paglaki ko na wala kasi akong hilig sa fashion designing. Umakyat na kami nila Jenny at Rossell buti nalang ka grupo ko ang mga to hehehehehe.

At ayun nagbake na naman kami ng tentenenen PINEAPPLE UPSIDE DOWN ^______________^ matapos yun ay Mapeh na, na naman? @_______________@

Ang pinaka hate kong subject lalo na ang P.E o Physical Education. Pwede naman kasing music or arts nalang bakit kailangan pang isama ang P.E?

At dahil sa lintek na P.E yan, sasayaw lang naman kami. At kinamalas-malasan nga naman, ang kapartner ko lang naman ay no other than mr. Mokong (palakpak naman dyan! *saboy confetti) Ito na at naka arrange na kami according sa group at partners namin.

Nagwarm up muna kami bago namin gagawin yung sayaw. Nakalimutan ko yung isasayaw namin ngayon basta sayaw siya >______________< Hawak ko ngayon ang ni mokong pero infairness ang lambot ng kamay niya *W* para bang sanay kung maglaba siya XD at ang bango-bango pa niya, amoy na amoy ko ang imported niyang pabango, para tuloy gusto ko siyang yakapin.

“Hoy Mara! Nababaliw ka na ba?”

“Ha? Bakit? Anong meron? May sunog ba?”

“Baliw na nga”

“Ha? May sinasabi ka ba?

“Ha? Ako? Wala kaya”

“Sapukin kita diyan eh makita mo”

Hans POV

“Langcay at Lazaro then Masangkay at Mendez”

Tama ba pagkakarining ko? Langcay at Lazaro? Pambihirang buhay naman to oh bakit yung babae pang yun? Pagkaminamalas ka nga naman ngayon oh.

Nagsimula na kaming magprepare para magwarm up. Hawak ko ngayon ang mga kamay ni Mara, teka? bakit  pangalan nalang niya ang binibanggit ko? dapat Lazaro ay hindi mas bagay sa kanya ang pangit.

Ang lambot ng kamay niya siguro ito ang labandera sa kanila? Hahahahahaha! Teka? anong nagyayari sa babaeng to?

“Hoy Mara! Nababaliw ka na ba?”paano ba naman kasi nakatulala ang pangit konti nalang tutulo na yung laway nito eh hahahahahaha!!!

“Ha? Bakit? Anong meron? May sunog ba?” (<.< ) (>.>)

“Baliw na nga”

“Ha? May sinasabi ka ba?

“Ha? Ako? Wala kaya”

“Sapukin kita diyan eh makita mo” hahahahaha! asar talo talaga tong pangit na to ^_____________^

Nagsimula na kaming sumayaw. Anong bang klaseng sayaw to? Hindi na nga ata uso to sa Pilipinas eh. Bakit pa kasi kailangan pag aralin at isayaw ang mga folk dance?

Jenny POV

Heto tapos na ang school day namin ngayong araw at syempre maglalakwatsa kami ano pa ba? Ayaw naman namin tumambay sa mga bahay-bahay mas ok na sa mall dahil maraming mga college students na gwapo ♥.♥ Papunta na kami ng SM Manila para mag arcade, kakatamad kasi umuwi ng bahay pag maaga ang uwi niyo diba? Hala ang dalawa naglaro na hindi manlang ako inaya.

“Hoy! Ang daya niyong dalawa” sabay pout ko sa kanila, cute ko kaya :D

“Ikaw kasi kung anu-anong iniisip mo dyan” si Mara na hindi manlang ako tinignan saglit patuloy pa rin siya sa paglalaro

“Onga naman, ano ba kasing iniisip mo?” ganun din si Rossell

“Ha? Wala naman”

Dahil sila lang ang nagsasaya pumunta muna ako ng Mcdo, kakagutom kaya na panoorin sila.

“Oy mga bakla punta lang ako Mcdo”

“Sige lang, bilhan mo na rin kami ah?” galing din neto ni Mara eh noh

“Pera niyo?” sabay abot ko sa kanila ng palad ko

Aba wala akong pera pang libre sa kanila noh, sila nga tong naglalaro tapos walang ipambili ng pagkain? Hay naku naman.

“Pautang muna… tae ka Rossell bakit inunahan mo ko”

“Wala akong pera try mo kay Rossell”

“Ang ingay mo kasi” si Rossell na concentrate pa rin sa paglalaro niya

“Pautang nga muna dyan Sell, kakagutom eh”

Bumunot naman si Rossell ng Php 100.00, yaman talaga -_________________- Pagkabigay ni Rossell ng pera agad na dumiretso ako sa Mcdo. Habang naglalakad ako, may naka-untugan akong lalaki. Ang laki laki na nga ng daanan tatanga tanga pa siya >____________________<

“Aray!” sabay naming sabi

“Ayos ka lang miss---? Ikaw pala yan Jenny” sabi nung lalaki habang hinihimas ko yung ulo kong nabunggo niya.

Accidentally In Love (ON GOING)Where stories live. Discover now