Chapter Eighteen :)

1.5K 90 20
                                    

Clara: (Nagulat nang biglang lumapit si Shami sa kanila) S-shami...

Nicka: (Di pa rin maalis ang tingin sa batang tumawag ng 'Mommy' kay Clara) Sino sya??

Clara: (Napalunok muna bago nagsalita) Uhh... S-sissy.... Uhh... A-anak ko...

Nicka: (At doon sya napatingin kay Clara) Ano?! Anong anak mo???

Clara: (Agad na nilapitan si Nicka at tinakpan ang bibig) Tsaka ko na ipapaliwanag sa'yo, Sissy. Please??

Nicka: Anong-----

Shami: (Nagtataka sa ikinikilos nila Clara at sa kausap nito) Mom? Who is she?

Clara: (nalipat ang tingin kay Shami) She's my... Sister. She's your Tita.

Nicka: (Tinaasan ng kilay si Clara)

Clara: (pinisil ang kamay ni Nicka)

Shami: (Ngumiti) Hi Tita! (At agad na niyakap si Nicka)

Nicka: (Nagulat naman sya sa pagyakap ng bata sakanya)

***

*Pumunta muna si Clara at Shami kasama si Nicka sa Bahay nilang magkapatid*

**Sa Bahay nila Nicka at Clara**

*Habang naglalaro si Shami ng iPad nya ay kumuha ng pagkakataon si Clara na ipaliwanag sa Kapatid nya ang lahat*

Nicka: Akala ko ba pinag-usapan na 'tin 'to 'diba? Di mo papasukin ang trabahong ito.

Clara: Alam ko. Pero kailangan lang talaga Sissy eh... (sabi nya habang nagkakamot ng ulo)

Nicka: (Naguluhan) Paanong kaila---- (Natigilan at binatukan si Clara) H'wag mong sabihing s'ya ang dahilan kaya tayo nakabayad kay Mrs.Ching???

Clara: Aray naman!

Nicka: Ano nga???

Clara: Oo nga! Ehh.... Sorry na!

Nicka: (Nagtaas ng kilay) Anong "Sorry na" ?! Ang laki ng hiningi mo!

Clara: Anong hiningi?? Hindi ko hiningi yon. Pinagta-trabahuhan ko yon.

Nicka: Niloloko nyo yung bata!

Clara: (Tinakpan ang bibig ni Nicka) Shhhh! Marinig ka ni Shami, Tsaka di naman magtatagal eh.

Nicka: (Inalis ang kamay ni Clara sa bibig nya) Ano ba?! Totoo naman eh! Tsaka kahit na, bakit sa palagay mo ba?? Hindi masasaktan yang bata pag sinabi nyo ang totoo??

Clara: (natahimik)

Nicka: Ihinto mo na yan, Clara.

Clara: M-may kontrata kami...

Nicka: anak ng-----!

Clara: (Hinawakan ang kamay ni Nicka) Shhhh... Trust me. Magagawan ko ng paraan yan. Kasi talagang gusto ako ng bata. Kamukha ko daw Mommy nya.... (pinisil ang kamay ni Nicka) 'diba? Partners-in-crime tayo? Pagkakatiwalaan mo ko 'diba? Partner 'diba??

Nicka: (Napailing na lang) Hindi ko na maintindihan sa'yo, Clara.. Basta't binalaan kita.

Clara: (She nods) Oo naman. Pero pagkatiwalaan mo ko ha?

Nicka: (Sighed) Okay.

Clara: (Napangiti at niyakap si Nicka) Thanks Sissy!

Shami: (Pumunta sa kanila) Mom! Tita! Look! (at pinakita ang ipad nya)

MY REEL SPOUSE  (CharDawn Version) *Slow update*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon