3. OFFICIAL

25 1 4
                                    

Loren's POV....



Kaka uwi lang namin, kaka hiwalay lang namin ni Irene nang direction pag uwi.

Pagka labas ko sa may gate. Nakita ko si Lito, naka abang sa akin.

"Oh? Hinintay mo talaga ako?" Tanong ko naman sa kanya.

"Syempre naman, baka ireto ka pa nila sa iba." Sagot pa nya habang natatawa.

"Hahaha seselos naman langga ko." Sabi ko naman kay Lito.

"Hahaha hindi ako nag seselos ano ka ba naman." Sagot pa nya sa akin. Yumakap pa sya sa akin. "Ayaw kaya sa akin ni tiyong Antonio?" Tanong pa ni Lito sa akin.

"Shh, hindi sya magagalit. Kung sincere ka sa akin sa at kanila." Sabi ko naman kay Lito.

Ang kinakatakot nya siguro yung age gap namin.
Five years din kasi yung agwat namin eh.

"Paano kung ilayo ka nya sa akin?" Tanong pa ni Lito.

"Alam ni papa na mahal mo ako." Sagot ko naman sa kanya.

"Basta kahit anong mangyari. Nandito lang ako, hinding hindi kita iiwan." Sabi pa nya sa akin.

"shhh, alam ko naman ano ka ba naman. Tara na nga lang." Sabi ko naman.

Sabay hila sa sasakyan nya.
Alam kong masyado pa akong bata, para sa ganitong paraan.

"Itanan na lang kaya kita??" Tanong pa nya sa akin.

"Pero hindi maaari yun." Lalong magagalit si papa sa atin.

"Pero Loren, mahal na mahal na mahal kita." Sabi pa sa akin ni Lito.

"Alam ko yun langga. Pero mas lalo natin pag lalayuin ang isa't isa kung gagawin natin yun." Sambit ko pa sa kanya.

Alam ko naman na alam nya, na sisirain lang namin mga buhay namin. Pag ginawa namin ang bagay na ipinag babawal ni papa.

"Sige na Loren, gagawi ko lahat." Sabi pa nya sa akin. "Tutulungan kitang pag- aaralin kita Loren." Sabi pa nya sa akin ulit.

Alam ko ang mga pino point out nya. Na baka dumating yung oras na pag hindi ako kinausap nang papa. Sya ang bahala sa akin.

"Pero baka hindi natin kayanin. Ilang taon lang ako Lito. Hindi ko pa alam anong buhay magkaka roon tayo." Sambit ko pa sa kanya.

"Kaya nga nandito ako eh. Kakayanin kong buhayin ka langga. Mag tiwala ka lang sa akin." Sabi pa nya sa akin.

Na patuloy na nag mamaneho. Pero bakit parang hindi kami pauwi sa amin.

Parang papunta itong Manila Bay.
Alam nya pa rin anong gusto ko.

"Ayaw kong iwan sila papa. Ayaw din kitang iwan." Sabi pa nya sa akin.

"Loren please, nagmamaka awa ako Loren." Sabi pa nya. Habang pumapatak mga luha nya.

"Huwag ka na umiyak. Ipapakilala na kita kela papa pag uwi natin." Sabi ko na lang sa kanya.

Bahala na kung anong mangyari. Bahala na kung itakwil ako nang mama at papa.

"Diba sabi mo, baka itakwil ka." Sabi pa nya. Habang itinabi ang sasakyan.

Dahil nandito na kami sa may Manila Bay.

"Handa na ako sa sasabihin nila sa atin." Sabi ko naman sa kanya.

"Pangako ko sa'yo ipag lalaban kita." Sagot ko naman.

"Pero may pangarap ka rin." Sabi ko naman.

"Shh! wag mong intindihin yun. Kaya kong tuparin ulit ang mga pangarap ko." Sabi pa nya sa akin.

Love Under The SunsetWhere stories live. Discover now