Kandila (one-shot story)

51.4K 1.4K 472
                                    

Author's Note: Hello! New story here! hehhe. This story is in line with the Lenten Season kaya naging ganyan ang setting (wala akong maisip eh.) xD Tsaka napag-isipan ko lang gawin ito nung nagdedaydream ako sa pagprusisyon, kaya ayan. And oh! HINDI PO ITO HORROR STORY okeh? Romance/short story po ito.  ahihihi xD 

Enjoy reading! ♥


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Kandila

written by stainless_pen ♥



“Amiya Flerido, I give you this ring as a sign of my love. I choose you to be my wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part.”

 

 

Now it’s my turn.

Hinarap ko na siya. Hindi ko akalaing hanggang dito pala ay magkasama parin kami. Pwede palang isang kandila lang ang makapagpabago sa buhay ng dalawang tao.

Tandang tanda ko pa nung nagprusisyon kami.

**

“Ate, pwede po pasindi?”

 

Sinindihan ko na yung kandila ko at nagstart nang maglakad. Syempre, todo bantay dahil baka mamatay nanaman ang ilaw nito.

Nasa kalagitnaan na ng prusisyon nun nang may batang lalaki ang bumunggo sa akin. Mga 4 years old pa siguro siya kaya napalingon ako sa likod ko.

“oh, bata, mag-ingat sa paglalakad ah? Ang dami pa namang kandila. Baka mamaya matulu-an ka pa.” Sabi ko dun sa bata at maya-maya pa ay may humabol sa kanyang binata. Oh well, gwapong binata.

“Jezy, halika! Wag kang lumayo sa akin. Mawala ka pa dyan.” atsaka niya kinuha yung bata.

Balik naman ako sa paglalakad.

Maya-maya, may mga lalaking magbarkada na tumabi sa akin at sumabay sa paglalakad. Hala, baka mga magnanakaw to. Minadali ko na ang paglalakad ko pero di naman yung halata na nagmamadali. Hanggang…

*woooosh!*

“hoy! Langya ka! bat mo pinatay yung kandila ko?!”

nakooooo! todo alaga pa naman ako sa kandila ko!

“ayeeeee! nakz! Kaw Chance ha! naka-score kana!”

 

“galing mo naman Chance!”

Kandila (one-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon