Kabanata 1

46 1 0
                                    

Tinapunan ni Cloud ng huling tingin ang kwarto kung saan sila namamalagi ng kaniyang yumaong asawa. Sa kalapit na lamesa ay wala na ang mga larawan nila. Kasama niya iyong itinapon noong inilibing ang dati niyang asawa. Naroon pa rin ang mga ala-alang ayaw niyang balikan, ngunit madalas ay sinusubok ang kaniyang kamalayan.

Naroon pa rin ang sakit at mga sana.

Napabuga ng hangin si Cloud. Muli siyang umupo sa dati nilang kama at pinagmasdan ang dalawang maleta na nakabalandra sa gilid ng pintuan.

Sa mata ng lahat, sayang ang labin-lima nilang pinagsamahan ng kaniyang yumaong asawa. Ngunit para sa kaniya, ilang taon 'yong pagtitiis. Sariwa pa rin sa kaniya ang mga nangyari noon, maging ang rason kung bakit sila nagpakasal ni Vincent.

Pagkatuntong ni Cloud ng hayskul, namasukan na ang kaniyang ina sa mga Javier. Ulila na siya sa ama at tanging sila lamang mag-ina ang magkaagapay gawa nang itinakwil na rin ang kaniyang ina sa kinikilalang pamilya nito.

Mababait naman ang mag-asawang Javier. Palagi pa ngang nabibigyan si Cloud ng baon sa eskwela dahil stay-in ang kaniyang ina. Hanggang sa pareho na silang pinatira sa bahay ng mga 'to dahil nagmagandang-loob ang mag-asawang doon na sila manuluyan sa mansiyon. Hindi naman nila binigo ang mag-asawa dahil masipag magtrabaho ang kaniyang ina. Siya rin ay tumutulong dito bago at matapos ang eskwela, at tuwing walang pasok.

May nag-iisang anak ang mga Javier ngunit pumanaw noong otso anyos pa lamang. May isang anak na bastardo si Mister Richard sa ibang babae. Gayunpaman, batid ni Cloud na tanggap naman ito ni Misis Porshia. Minsan na rin 'tong nakita ni Cloud noong nagbakasyon ang lalake sa Dumaguete. Sampung taon ang agwat nila. Madalas na walang imik ang binata sa kaniya at laging nakakunot-noo ito. Bibihira lamang din niyang makita ang simpatikong anak ni Mister Richard dahil sa Pangasinan daw 'to nag-aaral ng abogasya.

Noong nakapagtapos na ng hayskul si Cloud, siyang pagkasira ng kalusugan ni Misis Porshia. Agad itong binawian ng buhay eksaktong anibersaryo ng mag-asawa dahil sa lupus.

At sa taon ding iyon, unti-unting nag-iba ang trato ni Mister Richard sa kanilang mag-ina. Madalas na itong pasigaw kung mag-utos. Isang beses pa nga ay aksidenteng nakita ni Cloud ang pagsampal ni Mister Richard sa kaniyang ina.

My Bestfriend's StepsonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon