Chapter 3

7 3 5
                                    

Alexander Perer Mortel

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Tanong ko sa lalaking humila sa akin, na hanggang ngayon ay di nagsasalita. Tuloy lang ang paghakbang nito kaya ang paa ko ay napapasabay sa kaniya dahil nga, hawak nito ang aking baraso.

"Malapit na tayo Ginoo."

Di na lang ako nagsalita sa sinabi nito at hinayaan na lang siya.

Ilang minuto pa ay narating na namin ang lugar na pinagdalhan sa akin ni Prinsipe Tukmol. Nandito kami ngayon sa likod ng palasyo. Dito pala nakaantabay ang mga kabayo at karwahe, sa nakikita ko madami pa naman ito. Pero base sa Manang na nakausap ko kanina ay wala na raw ang mga karwahe. Niluluko niya ba ako?

"Sasakay ka ba o magpapaiwan ka na lamang? " tanong ni tukmol.

"Ano ba sa tingin mo? " sagot ko sa kaniya.

Sumakay na ako nang karwahe.

Bakit pakiramdam ko, pang-isahang tao lang itong karwahe na ito.

"Pwede ba umurong ka dikit na dikit kana sa akin. " ang inis na sabi ko sa tukmol na ito.

Di siya sumagot nakatingin lang siya sa harap. Kanina ang kulit-kulit ngayon naman bingi-bingihan? Anong trip ng Prinsipe nato?

"Mahal na Prinsipe, baka pwede umurong ka dahil siksik na siksik na ako dito sa gilid."

"Di maari Ginoo. " walang expression sa muka nito at di man lang nag-abala na tingin man lang ako.

Tsk!

"At bakit hindi?"

"Sapagka't kaunti na lang ay mahuhulog na ako dito."

"Bakit kasi sa dami ng karwahe dun sa palasyo ito pa ang naisipan mo na dalhin." singhal ko pa sa kaniya.

"Ginoo kung ayaw mo dito malaya kang bumaba. " naaninag ko na nag smirk ito.

"Kung ayaw ko, may magagawa ka ba? " halos pabulyaw na sabi ko sa kaniya.

"Pwede ba huwag ka maingay Ginoo pagka't kai sakit sa aking pandinig ang iyong tinig."

Nakatingin na ito saakin. Pinantayan ko ang tingin nito.

"Bakit ba kasi sumama ka pa dito?"

"Sasamahan kita sa iyong paroroonan, di mo ba batid na kailubha ang pagpunta sa ilog kung saan naroroon ang mga katiwala."

"Prinsipe, baka nakakalimutan mo lalaki pa rin ako. Tingnan mo? "

Tinaas ko yung braso ko at nag flex ng katawan.

"Di mo ba nakikita ang laki ng mga muscle ko. I mean nang aking katawan. Tingnan mo maigi? "

Nilapit ko pa sa muka niya ang braso ko na naka flex.

"Hindi ba't kaya nito magpatumba ng sampung tao sa loob ng animnapung segundo."

Proud na proud kung paliwanag dito.

Tumawa naman ito at hinawi ang braso ko na naka flex sa harap niya.

"Ginoo, ngayon ko lang na laman, ikaw pala ay isang lalaki." ang kaninang mahinang pagtawa nito ngayon ay mas malakas na.

Gago pala itong Prinsipe na to. Ano akala niya saakin?

"Huwag mo akong pagtripan, ibig ko sabihin gawing katuwaan. Tinatawag mo pa nga akong Ginoo. Tsk! " ang sabi ko dito.

Masama na din ang tingin ko sa Prinsipe na sa pakiramdam ko ano mang oras maitutulak ko na siya sa bangin.

Di pa din siya tumitigil sa pagtawa. Sa inis ko hinawakan ko ang tainga nito at marahang hinigit.

Be My Prince: A Tale of Love Found Within the Pages"Where stories live. Discover now