Alamat ng Maharlika

44 5 2
                                    

The Day I Got Struck By Lightning Mythology

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The Day I Got Struck By Lightning Mythology

Noong unang panahon, ang panahon na bata pa ang mundo, ang pinakaunang diyos na nagising ay si Bathala. Siya ang nagpakawala ng liwanag sa buong mundo.

Mula sa liwanag nagising ang magkapatid na sina Apolaki at Mayari. Si Apolaki ang nagdala ng araw na nagbigay init at apoy. Ang buwan at mga bituwin naman ang bitbit ni Mayari.

Sa pag-ikot ni Bathala sa mundo, nagising sa malakas na yabag ng mga paa si Dumakulem. Siya ang naglatag ng lupa at mga bato upang patuloy na makapaglakad si Bathala.

Napagod si Bathala at huminga ng malalim. Ang hiningang binuga ang nagpagising kay Anitun Tabu na nagdala ng hangin sa mundo.

Napaiyak sa tuwa si Bathala nang makita niya na malapit nang makumpleto ang mundo. Sa mga luha niya nagising si Amanikabli na siyang nagpakawala ng tubig.

Sinabi ni Bathala na kulang na lang ng kulay ang mundo. Si Lakapati ay nagising. At sa kanyang pagtayo ay sumabay ang pagtubo ng mga puno at halaman. Sa wakas tunay nang buo ang mundo.

Mula sa putik ay bumuo ng mga iba't-ibang hugis si Dumakulem. Sa pagpapala ni Bathala, nagkaroon ng buhay ang mga ito at naging mga nilalang at hayop sa kalupaan, himpapawid at karagatan.

May tambuhalang kawayan ang tumubo sa kung saan hinulma at nabigyang buhay ang mga nilalang at hayop. Isang araw, biglang may kumakatok sa loob ng katawan ng kawayan. Ito ay narinig ng isang manok na may makukulay na pakpak at balahibo. Ito ay si Sarimanok. Paulit-ulit na tinuka ni Sarimanok ang kawayan hanggang sa nahati sa gitna ang katawan nito. Lumabas mula dito ay dalawang nilalang na kawangis ng mga diyos at diyosa. Lubos ang tuwa ni Bathala dahil sa pagkakasilang ng unang mga tao sa mundo. Pinangalanan niya ang lalaki na Malakas at ang babae na Maganda.

Ang mundo ay patuloy na gumanda at napuno ng buhay pero hindi napansin ni Bathala na may ilang parte pala ng mundo na hindi naabutan ng kanyang liwanag. Nagtagal ang dilim dito at hindi nabiyayan ng buhay. Dito nagising si Sitan na siyang naghasik ng lagim at kaguluhan sa mundo.

Sa pamumuno ni Bathala, katulong ang mga diyos at diyosa, nakipaglaban sila kay Sitan. Naging mahaba ang digmaan at hindi maiiwasan na naapektuhan ng kaguluhan ang mga tao. Dahil na din sa impluwensya ni Sitan, nagkaroon ng mga masasamang kamalayan ang mga tao tulad ng kayabangan, pagkasakim, pagkainggit, pagnanasa, pagkaganid, pagkamuhi at katamaran.

Galit na galit si Bathala sa kaguluhang ginawa ni Sitan kaya naman nagpakawala siya ng kulog at kidlat. Si Sitan ay natalo at ikinulong ni Bathala sa pinakailalim ng mundo.

Ngunit hindi na bumalik ang dating katahimikan sa mundo. May mga alagad pa ring naiwan si Sitan na siyang nakaimpluwensya sa mga tao na maging masama. Ang iba ay naging halimaw at patuloy sa paghahasik ng takot at kamatayan.

Dahil laban na ito ng mga tao, nagkasundo ang mga diyos at diyosa na pumili ng mga natatanging indibiduwal na kanilang babasbasan ng kapangyarihan. Nagtagumpay ang pitong taong pinagpala ng mga diyos at diyosa na magapi ang lahat ng mga alagad ni Sitan.

Ang pingpala ni Bathala ang unang tinalagang hari ng mga tao. Naging isang bansa ang pinamumunuan niya at tinawag itong Maharlika.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Day I Got Struck By Lightning Where stories live. Discover now