CHAPTER 06: New Love

9.1K 222 39
                                    

ITO PONG WHEN I WAS YOUR MAN AY ENTRY SA WATTYS2015. SO SANA PO SUPORTAHAN NIYO HEHE. THANK YOU! AT SAKA PO PALA 'YUNG BROKEN PROMISES.

____________________________________________

DIANNE's

SA tagal ng pagsasama namin, naging tapat ako sa kanya. Pero bakit ang dali para sa kanya na husgahan ako?

I can feel the tension all around us, but Arianne managed to ease the tension. "Daddy's funny! Tita Diana, anak ka raw ni Mommy? That is soooo funny!"

Humagukgik ang dalawang bata. Nakita ko rin ang biglang pag-aliwalas ng mukha ni Harry.

Lumapit si Arianne kay Harry at yumakap sa binti nito. "Daddy's funny. Hihi."

Binuhat ko naman si Diana at saka hinarap si Harry. Pinigilan ko lahat ng lungkot at galit ko as much as possible. "If you can still remember, she's Danica. She's my little sister. Nasanay na lang siyang tawagin akong Mommy for some reason."

"Yeeeeees! She's Tita Danicaaaaaa!" second the motion ni Arianne.

Nag-aalangang lumapit sa'kin si Harry habang nakataas ang mga kamay kapantay ng dibdib. "S-Sorry. S-Sorry, Dianne. I thought she was...I thought you already-"

"It's okay. Sanay na kong pinagbibintangan mo." Shit, ano na naman ba 'tong sinasabi ko? "Anyway, thirty minutes na lang and we're going to pack up na. Baka mainip ka kung maghintay ka pa ng 30 minutes."

"It's okay. I've waited long enough, so 30 minutes will just be short span of time."

Lalo lang akong nailang dahil sa sinabi niya. Binalingan ko na lang ulit si Arianne. "Let's go, Arianne. Let's play again."

"Okay po, Mommy."

Sinamahan ko na ang dalawang bata pabalik kay na Mercury para makapaglaro ulit sila kasama ang mga bata.

Napagpasyahan kong umupo muna sa harang na semento sa seaside at pinagmasdan ang dagat. Namalayan ko na lang na may umupo sa tabi ko, it was Harry.

Ibinaling ko na lang ulit ang tingin ko sa sunset at hindi ko na siya kinausap.

Siya ang unang nagsalita. "Sorry. Sorry kung inakala kong...anak mo si Danica. She looks just like you and she even called you Mommy. And besides, almost three years na ang lumipas so there's a chance na...na magkaron ka ng ibang...you know."

"That can't be, Harry. We're not legally separated. Even though we parted ways may bisa pa rin ang kasal natin. So I can't be with any guy at any moment and have a child with him. It's against the law...and against morality."

Pareho ulit kaming natahimik. At siya ulit ang naunang magsalita.

"I can't believe na...na hindi ka galit."

"What for?"

"Inilayo ko sa'yo ang mga anak natin, umalis ako nang hindi nagpaalam. There are so many reasons para magalit ka sa'kin. And here you are by my side willing to talk to me as if nothing happened. Paano mo nagagawa 'yan?"

"Because above all things, peace is what I deserve." Tumingin ako sa kanya. "I am tired, Harry. I almost gave up. My life was almost taken away from me...literally."

"What do you mean?" Nakakunot ang mga noo niya, malungkot ang mga mata.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa dagat. "Don't mind me. It's all in the past now. Much better 'wag na lang nating balikan."

"But Dianne, may mga tanong pa rin ako mula sa nakaraan na gusto kong malaman ang sagot hanggang ngayon. At ikaw lang ang makakasagot no'n."

I smiled bitterly. "It's too late for explanations. We are late for almost three years. There are things that are just better left unsaid, better left incomplete. And one of those is us. 'Yang mga tanong mo, 'wag mo na lang intindihin. Just let it be. They don't need answers anyway."

BP2: When I Was Your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon