KAILANMAN HINDI KA MAGIGING SAPAT

5 0 0
                                    

KAILANMAN HINDI KA MAGIGING SAPAT

Kailanman hindi ka magiging sapat
Sa taong hindi marunong makontento
Kahit ibigay mo ang oras, puso, at ang sarili mo
Kailanman hindi ka magiging sapat para sa kanya
Kasi siya yung tipo ng tao na hahanapin
Ang pagkukulang mo sa iba.

Dahil kung totoong nakokontento
Eh di sana masaya ang mundo
Eh di sana walang pusong sawi
Walang mga matang nagtatangis sa sakit
At higit sa lahat hindi mo kailangan mawala

Kaya kailanman hindi ka magiging sapat para sa kanya
Kung hindi mo mahal ang sarili mo
Kung hindi mo kayang bumitaw
Kung hindi mo kayang malaman ang hangganan
Oo, nabubulag tayo ng labis na pag-ibig
Pero hindi ito dahilan para bigyan pa ng panahon
Ang mga salita at gawa na hindi naman magtugma

Kaya sa oras na malaman mo ang halaga mo
Hinihiling ko at pinagdarasal ko na isang araw
Maging sapat ka para sa sarili mo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ULAN "Tula at Kwento ng Isang Pusong Sawi"Where stories live. Discover now