Part 22

474 26 2
                                    

Kreigh's Pov

Tinitigan ko , nilapitan ko .

Bat puro nalang ganito sa tiktok? kahit sina riva palagi kong naririnig ang trend na to HHAAHH

"nakakapagod hoooo" si Yosef na may dala dalang paperworks , natambakan siguro hahaha.

" Kita kita kahapon Kreigh ha , sino yung naghahatid sayo ? angas ng kotse  " Si Riva na kakasulpot lang .

"Yung sugarmom nya HAHHAHAHA "
tinignan ko ng masama si Yosef ang ingay talaga nito .

Hindi ko naman sugarmom si Devonne ah , baka mommy ng future babies ko pwede pa HAHAHHAH .

"hala ang gwapo" si Riva habang may tinititigan sa phone .

"Maganda rin ang babae , parehong models sila dba? ang lakas bongga siguro ang magiging kasal nila " sinong kinakausap nitong si Riva?

"hoy Yosef kinakausap ka ni Riva "

"aba malay ko sa pinagsasabi nya , di ko nga yan kilala eh " Tatawa tawa nalang akong kinuha ang pinapakita ni Riva sa phone.

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita sa isang website.

Gonzaga - Larzi rumored wedding this year
Nababalita na nag uusap na ang mayayamang pamilya para sa pagpaplano ng kasal ng dalawang sikat na personlidad at mga modelo . May nakarinig sa isang party na nag uusap na ang mga Gonzaga - Larzi sa kanilang pag uugnayan .

Ilang beses akong napalunok , paano? wala namang nabanggit si Devonne sa akin at masyado namang chismoso ang mga tao hmp. Pero paano kung totoong nagpplano na ang mga pamilya nila? habang buhay nang matatali si Devonne kay Jacob , kahit sumalungat ako ay wala rin naman akong magagawa ni wala nga akong pangtustos sa pag aaral ko , wala akong may maibubuga .

Malayong malayo sa estado nina Jacob , pamilya ng mga negosyante at politiko , tangnang buhay to ang hirap pag walang pera , kahit pagmamahal ay parang pagdadamutan ka pa .

Napabuntong hininga ako at napiling manahimik nalang sa gilid .

Anong gagawin ko?

Ang mahal nyang mahalin .

Para na akong naiiyak , baliw kase si Riva pinagoverthink ako , hindi ko kayang makitang matali si Devonne sa iba pero mas mahirap na masisira ang buhay nya kung ipagpapatuloy pa namin ito .Planado na ang magandang kinabukasan para sa kanya , buhay na di nya makukuha sa akin .

Napasubsob ako sa desk , bat paba ako pinalapit sa kanya unang una palang ay magkaiba na kami ng mundo .

( psst inom tayo mamaya ) si Alyston nagtext , tapos na ba duty nya?

( sige kailangan ko yan )

(luh para ka namang broken hearted ni wala ka ngang jowa HAHAHHA ) isa pa to eh dadagdag pa .

After nang duty ko ay umuwi at kumain lang ako sa apartment, 8pm daw sabi ni Aly ay nandon na sila sa bar ni Nami pero plano kong magpalate hahah need ko ng maraming energy sa hanggang umagang walwalan .

"Barky sayang hindi na kita maipagkakasunod sa kiffy ni Devonne , di natin reach mga ganon eh"

Para namang naiintindihan ako ni barky , sumiksik lang sya sakin at dinilaan ako , naiiyak nanaman ako , mas lumalim na ang pagkagusto ko kay Devonne huli napara umatras hays .

Hanggang ngayon ay di parin ako nag rereply sa mga messages nya siguro ay nagtataka na yon . Ang gulo na kase ng isip ko lalo pa at wala ang pamilya ko rito , namimiss kona sila .

A LESSON I NEVER MEANT TO LEARN ( GXG ) (intersex)Where stories live. Discover now