Chapter 2

1 0 0
                                    

Umalis na si Kiro at mukhang maghahanda na para sa race niya. Nagulat ako nang may humawak sa braso ko. Same height and she look older than me.

"You're friends with Kiro?" I look at the girl who suddenly approached me.

"I'm Millane and I just turned 18. You?"

"Seah." I pronounced it clearly like se-yah. Girlfriend niya ba 'to?

"Don't worry, I'm not his girlfriend. Pinsan ko yun." I sigh as a sign of relief.

"Sayaw tayo!" Niyaya niya ako sa dance floor at inalukan ng alak. Tinanggap ko naman iyon at ininom. Okay na ako sa isa at wala naman akong planong maglasing.

She seems so bubbly and light. This is my time para makakuha ng impormasyon kay Kiro.

"OMG! You're so GORGEOUS! Ang ganda mo." Bulong ni Millane habang sumasayaw kasi sobrang ingay at maraming tao.

"Thank you! You're so pretty too. Like the girl version of Kiro." Bulong ko pabalik sa kanya. Nagtawanan kami at nagsayawan.

I just let my body feel the music and dance with Millane. I notice Kiro from the crowd, looking at me! Umiwas siya ng tingin at ininom ang alak na hawak niya. Kasama niya ang mga kaibigan niya at may iilang babae rin doon.

Hindi ko na lang pinansin at nakipagsayawan na lang kay Millane. Niyaya niya akong maglibot libot dahil medyo napagod na rin kami sumayaw.

"So, ilang taon na pala si Kiro?"

"Hmm..19." Sabay lagok sa alak.

"May girlfriend na ba siya?"

"I think wala. Kasi kapag may girlfriend yun malamang may nakakabit at mayroong nakabuntot sa kanya." Tumango ako at napangiti. Kaya siguro wala siyang girlfriend dahil kakadating ko pa lang sa buhay niya?

"So, bakit pala siya nagmo-motor racing?"

"Racing is one of his hobbies. Fast times. Sila ng mga kaibigan niya." Tumango ulit ako.

"You like my cousin, do you?" I just smiled. Obvious ba ako masyado?

"Ano palang price kapag nanalo siya?"

"Depende. It's more like a bet. Kapag nanalo ka, pwede mong hilingin lahat ng gusto mo sa natalo. Sometimes it's their pride, ego, and competitiveness that makes them compete."

"But Kiro always win. He's like on top. Kaya maraming naghahamon diyan kay Kiro."

"Hindi pa siya natatalo?"

"Never! Kaya maraming fans at nagkakandarapa doon dahil gustong-gusto siya."

"Look, that guy right there is Nigo. Palagi silang naglalaban ni Kiro. I'd say, second siya sa pinakamagaling."

Tinuro niya sa akin ang matangkad rin na lalaki na may kasamang babae at mga grupo ng kalalakihan.

Napansin ko rin na parang grupo nga dito. Every rider has its own group and member.

Pumunta na ulit kami sa pinakaunahang pwesto sa gilid kung saan kitang kita namin ang mga racer. Puro sigawan na lang ang naririnig ko at may kanya-kanyang pambato.

Nakapamaywang ang isang kamay ni Kiro at habang ang isa ay nasa hand grip. Parang ine-examine niya ang motor niya. Tumingin siya sa akin at nagiwas din ng tingin.

Nagtatalon na si Millane at mukhang may crush din ata siya sa mga racer.

"Kiro na naman mananalo for sure." Rinig kong bulong.

Look After YouWhere stories live. Discover now