CHAPTER 17

77 2 0
                                    

Haiden Lucian Hernandez POV:

Habang kumakain kami sa Cafeteria ay nakaramdam ako ng pagka-hilo at biglang pagka-kirot ng aking likuran

"Anong nangyayare sayo?"tanong bigla sakin ni Mattheus ng mapansing umiiba ang kinikilos ko

"Ah wala"biglang saad ko naman rito at agad na tumayo

"Maiwan ko muna kayo may kailangan lang akong puntahan"saad ko naman rito na kinataka naman nito

"Sama ako!"sambit naman nito na kinahinto ko

"Wag kanang sumama babalik agad ako!"paalam ko rito at mabilis na tumakbo palabas ng Cafeteria

At tumungo naman ako sa isang masukal na kagubatan malapit sa Academy

"AHHhhhhhh!!..."pag pipigil na pagsigaw ko naman ng biglang sumakit lalu ang likuran ko

Napaluhod naman ako sa damuhan at nanghihina dahil sa sakit

Lalu nang tumitingkad ang kulay na nakaukit na marka sa katawan

"Kailangan ko nang mag-ingat"saad ko naman at dahan-dahang tumayo at bigla akong bumagsak sa damuhan at biglang hindi ko magalaw ang mga binti ko na kinagulat ko

"AHHhhhhhh!!..."malakas na sigaw ko ng biglang kumirot ulit ang aking likod na kinahilo ng paningin ko at unti-unting dumidilim ang paningin ko at ilang sandali lang ay bigla akong nawalan ng malay

.
.
.
.
.

Third Person POV:

Nang biglang nawalan ng malay si Haiden ay may isang binata ang nakarinig sa kanya ng bigla itong sumigaw

Ilang sandali lang ay pinuntahan ng isang binata ang gawi nito at tumambad naman sa kanya ang napakagandang mukha ni Haiden na walang malay

"Napakagandang nilalang!..."nakangising sambit nito at agad na binuhat ang binata at dinala sa Academy

.
.
.
.
.

Amanda Brown POV:

Habang kumakain kami ay hindi naman mapakali itong si Mattheus

Ilang sandali lang ay nagulat naman kami ng may nagsitilian naman sa labas ng Cafeteria na kinalingon naman namin rito

At nagtaka naman kami ng may isang binata na may dala tao na walang malay na napakapamilyar

"Haiden!!"sigaw naman bigla ni Mattheus na kinagulat naman nami"Haiden!!"sigaw naman bigla ni Mattheus na kinagulat naman namin at agad naman itong tumakbo palapit rito at agad naman namin itong sinundan

"Anong nangyare sa kanya!?"biglang tanong naman nito na nag aalala

"Narinig ko siyang sumigaw sa kagubatan at nang makita ko ito ay wala na itong malay"saad naman nito

Agad namang kinuha ni Mattheus si Haiden sa mga bisig nito

"Kuya!!?..."gulat na tanong naman ni Alastair na kinagulat naman ng lalaki

"Alas!!?"takang tanong naman nito at agad naman silang nagyakapan

"May kapatid ka!? Akala koba nag iisang Anak kalang"sambit naman ni Sky Gabriel

"Oo siya ang kakambal ko si Kalixter Starlight isang Warrior of Dark Elements"saad nito

"Kaka balik ko lang mula sa aking misyon mula sa mundo ng mga Mortal"saad nito na kinamangha naman namin

"Tama nayan! Mamaya na kayo mag kamustahan kailangan na nating madala to sa Clinic"biglang saad naman ni Mattheus at agad na tumungo papuntang Clinic kaya't sumunod nalng kaming lahat rito pati na ang nakakatandang kambal ni Alastair na si Kalixter

Ng makarating kami rito ay sinalubong agad kami ng Healer at agad namang nilapag ni Mattheus si Haiden sa Clinic Bed at agad naman itong sinuri ng Healer

Kaya lumabas nalang muna kami upang hindi maging sagabal sa loob habang sinusuri ito

"Bat ngayun kalang ulit bumalik?"tanong ni Alastair sa kambal nito

"May pinagawa ang Ministro ng Dark Elements sa akin na napakadelekadong Misyon na hindi ko pweding sabihin sayo at ngayun lang ako bumalik ng tapos na ito"saad naman nito

"Nga pala kamusta kayo ng kasintahan mong Ocean Prince Sky Gabriel tama !? Si Gab² tama diba!?"saad naman nito na kinatahimik naman ni Alastair na kinayuko at kinamula naman ni Sky

"Kuya naman!!... Nga pala si Sky Gabriel Vergara ang kasintahan kong tinutukoy sayo!"saad naman nito sabay hawak sa kamay ni Sky

"Paano naman tayo?"biglang bulong naman ni Lucian sa tenga ko na kinagulat ko naman bigla at nakangisi naman itong nakatitig sakin

.
.
.
.
.

Haiden Lucian Hernandez POV:

Unti-unti ko naman minulat ang mga mata ko ng makaramdam ako ng may enerhiyang pumapasok sa katawan ko

At nagulat naman ako bigla ng tumambad sakin ang wangis ng isang babae na nakalapat ang kamay nito sa noo ko na kinagulat ko naman kaya napabalikwas naman ako

At sa kagulatan ko ay bigla kong napalabas ang aking Enerhiya na kinatilapon nito sa pader na kinawasak nito pati narin ng silidBigla namang pumasok sa loob sina Mattheus pati na ang mga kaibigan nito at isang lalaki na hindi pamilyar

"Haiden kalma kalang andito na ako!"pag papakalma naman sakin nito

"Tulungan niyo ang healer at mag patawag ng isa pang healer para magamot agad ang natamo nitong mga galos"utos naman ni Mattheus sa mga kaibigan nito na kinasunod naman nina Lucian at Jonathan pati na ni Jake

"Ano bang nangyare?"nag aalalang tanong naman sakin ni Amanda

"Hindi korin alam bigla nalang lumabas ang Enerhiya ko sa gulat"saad ko naman

"T@ng!na mo kung magulat Haiden, hanep!!"natatawang sambit naman ni Pexie na kinangisi ko nalang

"Andito na ang mga healer!"saad naman nina Jake

"Dalhin niyo nalang ako sa aking Silid mas mapapanatag ako doon"saad ko at inalalayan naman akong tumayo ni Mattheus dahil hindi ko magalaw ng maayos ang mga paa ko

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa aming Dorm

Agad naman kaming pumasok rito at inalalayan naman akong pumasok saking silid at pinaupo rito

"May kailangan muna kaming pagusapang dalawa ni Amanda pwede bang lumabas muna kayo"sambit ko na kinalabas naman nila at kita ko naman sa mukha ni Amanda ang pagkalutang at pagtataka kung anong pag uusapan namin

Ng masara na ang pintuan ay tinignan ko nman ng maigi ang gawi nito

"Dala mo ba?"tanong ko rito na kinataka nito

"Ang alin?"takang tanong nito

"Ang Moon Crystal na nandiyan sa Wand mo"saad ko rito na kinagulat nito

Agad naman nitong kinumpas ang kamay nito at agad namang lumitaw ang Moon Crystal sa Wand nito

"Alam mo bang ang wand na iyan ay binigay ng Kataas-taasang Bathala ng Buwan at ngayun sa iyong kamay na yan at ingatan mo ng maigi"saad ko rito

"Alam kung alam mo kung ano ang sinasabi ko malalaman mo rin ang lahat kapag sa nalalapit na araw"wika ko rito ngunit lutang parin ito dahil sa hindi makaproseso ng maigi ang utak nito aa lahat ng mga sinabi ko

"Hindi ako makapaniwala na alam mo lahat nang tungkol rito"manghang saad nito na nakangiti kaya nginitian korin ito pabalik

"Magpahinga ka nalang muna at mukhang hindi pa bumabalik ang lakas ng iyong katawan at mamayang gabi ay may kasiyahan sa Academy kung hindi mo lang tinapon sa pader yung healer"natatawang sambit naman nito na kinatawa mo naman

"Okay lang makakarecover din ako mamaya"sambit ko naman rito

"Cge magpahinga ka nalang muna at pupuntahan ka nalang namin rito!"saad nito at lumabas sa aking silid.

.
.
.
.
.

"Ngayun na mga minamahal kong Distraction Phoenix!!"utos ko sa mga ibon kung binabalutan ng itim na kapangyarihan

Agad naman itong lumipad patungo sa mundo ng Enchanted World upang sirain ang kasiyahan at kaarawan ng Bathalang Buwan...

The Moon GoddessWhere stories live. Discover now