Siyam

51 5 3
                                    

Wn: Pasensyaaaaa na po agad talaga kayo kung bago lang naka update huhuhu! Nawili kasi ako sa yaoi manga hihihi
___________________

Masakit ang ulong minulat ni Vee ang kaniyang mga mata. Kinusot niya ito at ng paglingon niya sa gawing kanan ay mukha ni Wise ang nakita niya. Napahawak siya sa kaniyang bibig dahil sa gulat at unti-unti naring nag flashback sa kaniya ang nangyari kagabi.


"Kalma ka lang Vee, baka namamalikmata kalang." - mahinang kausap niya sa sarili. Pinikit niya ang mga mata at nagbabasakaling pagmulat nito ay iba na ang kaniyang makita ngunit hindi ito nangyari.


Kahawig talaga ni Wise ang lalaki! 


Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at agad ding nagbihis. Pinagmasdan niya ulit ang lalaki for the last time dahil hindi niya ikakaila na nag enjoy siya ka gabi.


Agad na binagsak ni Vee ang sarili sa kaniyang kama pagpasok niya ng kwarto. Nang ipikit niya ang mata ay naalala niya kung pano siya naging sabik at mapusok. Marahang hinalikan nito ang buong katawan niya at ilang ulit na inangkin. Naaalala niya kung gaano siya nito tingnan at haplusin. Napangiti siya dahil ngayon lang ulit siya nakaramdam nito pero agad din naman niyang sinampal ang sarili. 


"Hindi mo dapat to maramdaman Vee! Masasaktan lang si Wise kung andito siya!" - pagalit na sabi niya sa sarili. He felt guilty kay Wise dahil nagawa niya ang ganong bagay.


The next day ay nagtrabaho na si Vee at dahil absent siya kahapon ay marami ng nakatambak na mga papel sa mesa niya.


"Sir, pinapatawag po kayo ni boss sa opisina niya. Andito na raw ang client niyo." - pag-imporma ng secretary niya.


Tinanguan niya ito. Tumayo siya at pumanhik na sa office ng boss nila.


"Good morning." - bati niya sa mga tao doon. May isang tao na pamilyar sa kaniya ngunit nakatalikod ito. Winaksi niya nalang ang isiping iyon. Siguro ito ang client na sinasabi ng boss niya ng nakaraan. 


"Oh Vee! Andito kana pala, meet Danerie siya ang client mo for this project." - ani ng boss niya


Hindi siya naka-imik bigla sa pagkagulat. Parang nanghina ang mga tuhod niya ng humarap ito sa kaniya. Matutumba na sana siya pero nasalo siya ng binata.


Nagtagpo ang mga mata nila at napatingin siya sa mga labi nito. 


"Naku Vee mag-ingat kanaman, hay nakong bata ito." - pag-alala ng boss niya na siyang pumukaw sa kaniya at agad naman niyang tinulak ng mahina ang binata at inayos ang sarili. Ngumisi lang ito at nilahad ang kamay sa kaniya.


"Hi. It's really nice meeting you." - sabi ng binata habang nakangiti at nilahad nito ang kamay sa kaniya


"Nice meeting you too Mr. Danerie." - pormal na sabi niya at tinanggap ang kamay nito


Hindi siya nito binitawan kung hindi niya pa marahang kinuha ang kamay niya. Gusto na agad niyang matapos ang meeting na iyon kaya nagsimula na siyang maglahad ng mga gagawin sa pagpatayo ng bahay nito.


"Okay, so magsisimula na tayo next week dahil okay namana lahat. Thank you Sir Danerie for trusting our company." - sabi ng boss niya at kinamayan ang binata


"Thank you din po Sir, kung pwde lang po sana I want a direct update sa bahay na ipapatayo ko."- sabi ng binata at bumaling sa kaniya


"Of course! Vee will give you an update about the house." - anito


"Vee, you contact Mr. Danerie for the updates ha." - dagdag nito sabay baling sa kaniya


Napabuntong hininga na lamang siya ng hindi niya namalayan na nasa elavator na pala siya kasama ang binata dahil pinahatid ng boss niya sa labas samantalang kaya namana nitong maglakad mag-isa.


"Ang lalim ata ng iniisip mo." - basag nito sa katahimikan nila


Habang nasa meeting sila kanina ay nagkunwari siyang hindi niya ito kilala at iniiwasan niya talaga na hindi ito tingnan lalo na sa magagandang mata nito dahil natataranta siya sa presence nito. Aaminin niyang attracted siya rito siguro dahil kamukha nito si Wise pero hanggat maaari ay hindi niya na ito gustong makita pa. Ayaw niyang gamitin ito dahil sa pangungulila kay Wise o kung ano pa man kaya nais niyang matapos na agad ang bahay nito.


"Thank you again Mr. Danerie for chosing us to build your house. And for the updates, secretary ko na ang bahala doon." - malumanay niyang sabi


"What? Akala ko ba sabi ng boss mo ikaw na yung bahala?" -anito


"Kaya nga, secretary ko na ang magpapa-alam sayo." - mataray na sabi niya


"Is this how you handle your client?" - nakataas na kilay na tanong nito


"I'm sorry Mr. Danerie. I'll just text you next week." - buntong hiningang sabi niya


Akmang lalabas na si Vee ng bumukas ang pintuan ng elevator ngunit hinatak siya pabalik ni Danerie sa loob nito at may pinindot ito para mag sarado muli ang pinto.


"Hey!" - singhal ni Vee ng napakapit siya sa balikat nito dahil sa paghatak ni Danerie


Danerie leaned him on the wall and cup his chin up to see his face.


"I bet you remembered me beautiful." - anito


Ang lakas ng tibok ng puso niya at para siyang mapapaso sa mga titig nito.


"Pareho tayong lasing ng gabing yun and lets just forget about it, matanda na tayo okay?" - mahinang aniya


"I'm not drunk that night for the record." -anito


"What?! Then you could stop me, but why?" -tanong niya


"It's because I want you and I still do." - seryosong wika nito at unti-unting linapit ang mukha sa kaniya


Itutulak niya sana ito dahil sa takot na bumukas ang pinto ng elevator ngunit niyakap siya nito ng mahigpit at pinalalim pa ang halik. Napakapit siya sa leeg nito dahil nawawalan ng lakas ang mga binti niya sa kakaibang nararamdaman na binibigay ng binata sa kaniya.


Lunod na lunod si Vee sa mga halik ni Danerie. Bumaba ang halik nito sa leeg niya at pinasadahan ng mga kamay nito ang puwetan niya at hanggang sa hinimas nito ang bewang niya.


Ding! 


Natauhan si Vee sa tunog ng elevator. Alam niyang mali ang nararamdaman niya kay Danerie at hindi niya deserve na magmahal ulit kaya tinulak niya ito ng malakas at iniwanan ang gulat na binata sa loob.

RoomieWhere stories live. Discover now