chapter 5

21 1 0
                                    

dahil nga busy ako buong araw muntik ko ng makalimutan na nag chat pala ako sakanya

hindi naman ako nag e-expect na mag rereply din niya, sino ba naman ako para pansinin niya diba.

pag open ko sa pekeng account na ginawa ko may isang message, nagtaka ako kung kanino ito galing dahil siya lang naman ang inadd ko.

muntik ng tumalon ang  puso ko ng makita ko kung sino ang nag message

si cleo lang naman!!!

tumayo ako sa aking kinahihigaan kung kailan pa ako na lowbat dun pa siya nag chat

lumabas ako ng aking kwarto dahil hindi abot ng charge ang saksakan kaya sa may sala ko nalang  sinaksak ang aking telepono, sanay naman akong gumamit habang naka charge

Cleo:
"Hala Idk what to say but thank you for admiring me even though hindi kita kilala😭" muntik na akong matawa sa emoji ngunit pinigilan ko lang dahil nandiyan na pala ang kuya kung napaka mahigpit

kanina kasi ay ako lang mag isa sa bahay.
nakaharap naman ako sakanila kaya hindi nila makita kung anong ginagawa ko at kung sinong ka chat ko

isa pa pinagbabawalan din kasi nila akong mag boyfriend o mag entertain man lang ng lalake naiintindihan ko naman yun.

Me:
"di mo na kailangan malaman kung sino ako di mo naman ako kilala" totoo naman talagang hindi niya ako kilala baka nga hindi niya ako napansin nun

Cleo:
"kaya nga sabihin mo para mas maganda, nag o-overthink na ako😭"
"hint nalang" dagdag pa niya

kaya ako naman itong dakilang marupok nagbigay naman ng clue

Me:
"may 13 kita nakita, sa kasal dun sa may San Vicente Ferrer church" tanda tanda ko pa talaga kung kailan at saan

Cleo:
"where man ang venue bi?" tanong niya na parang nagdududa

Me:
"gateway" yes sa gateway convention yung venue tandang tanda ko pa talaga

Cleo:
"bridesmaid ka?" chat niya muli

Me:
"hindi" pag amin ko,bridesmaid naman talaga dapat ako dahil busy nga kami non para sa cheerdance hindi nila ako nakita nung araw bago ang kasal dahil sa hotel na sila natulog non.

Cleo:
"grade 7 ka?" grabe naman to maka grade 7 parang ang bata bata ko pa talaga.

Me:
"hindi"

Cleo:
"anong grade mo nga?" ang kulit naman nimo.

Me:
"secret "

Cleo:
"grade 11 no?" kahit tama na yung hula niya syempre hindi parin tayo aamin.

Me:
"secret nga diba"

Cleo:
"ikaw yung naka red na dress no? same table lang yata tayo or nasa likod kita" OMG so napansin rin pala niya ako tapos tandang tanda niya pa kung anong kulay ng damit at kung saan ako nakaupo tamang tama sakanyang description para akong hihimatayin sa kilig .

Me:
"di mo sure baka hindi ako yun"

sige deny pa!

Me:
" pero nakita talaga kitang sumayaw cle!! HAHAHA lage lang nakasimangot" chance ko na to para maka chat siya kahit sandali man lang.

Cleo:
" hoyy😭 sinong di sisimangot ehh pagod na ako" kahit ka chat ko lang siya pero alam kung nakakatawa reaction niya HAHA

Me:
"hindi man lang talaga  ngumiti"

"pake mo ba, gusto ko na kasing kumain ng mga sweets saka ang pangit naman tingnan kong palagi akong nakangiti para na akong baliw niyan" may point naman siya.

Me:
" SuS nakita nga kitang kumakain ng mga sweet"

Cleo:
" binabantayan mo talaga ako no" pag send niya palang nag reply agad ako.

Me:
" bakit naman kita babantayan hindi naman ako police pero parang  HAHA"

Cleo:
"Ikaw  siguro yung tumitingin sakin no"pag aakusa niya.

Me:
" pano mo naman nasabi may ebedensiya kaba? "

Cleo:
" malalaman ko rin kung sino ka talaga" parang nananakot naman to.

Me:
" kung magpapakita ako sayo, nakakahiya kaya ang ginagawa ko ngayon" sagot ko naman

Cleo:
" Ikaw siguro yung tumitingin sakin no"pag aakusa niya

Me:
" assuming" kakit totoo naman talaga.

iyon  huling  chat ko dahil baka sumabog ang telepono dahil naka charge ito,bago natulog ni log out ko mo na ang pekeng account


*****************************************

sorry minsan talaga nakakawalang ganang  mag update😌
don't forget to vote lovey:)





chasing after you Where stories live. Discover now