Chapter 2

760 9 14
                                    


TINAWAGAN ni Allana ang kasintahang si Mark upang ihatid siyang pauwi.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan ang papa mo sa ginawang paglipat ninyo sa Bulacan. Hindi ba ninyo naisip ang trouble sa pagparoo't parito mo?" reklamo ni Mark nang nasa daan na sila.

“Ay naku, Mark. I argued with my father a hundred times already. I even suggested na mag- rent na lang ako ng apartment sa may malapit sa shop, pero wala ring
nangyari."

“Tulad ngayon, pagdating natin sa inyo, halos alas-siyete na kung hindi mata- traffic. Mag-uusap lang ng kaunti at aalis na ako kaagad dahil Makati pa ang uwi ko. Very inconvenient, sweetheart.”

“What are vehicles for?”

Hindi sumagot ang binata dahil huminto ito sa exit at nagbayad ng toll.

"Sweetheart, why don't we just schedule our wedding. Sabihin ko kaya sa papa mo ngayon na mamamanhikan na kami?” tuloy ni Mark nang muli ng tumatakbo ang sasakyan.

"There you are again, Mark. Alam mo namang hindi pa ako handa para sa pag- aasawa. Mga bata pa naman tayo, 'di ba? Twenty nine ka at twenty four lang ako.”

"Just the right age para lumagay sa tahimik. By the time na thirty ako, baka may aasahan na akong tatawag ng daddy sa akin.”

"Darating din tayo riyan, Mark. In the second place, hindi ko basta-basta maiiwan ang Papa. Two years ago, my mother died. At hindi pa nakaka- recover ang Papa doon. Kailan lang, ang lola ko. Unfair naman kung ngayong panahong ito pa ako mawawalay sa Papa."

"This is one thing I hate with our culture. Close ties." At hindi na kumibo si Mark. At gaya ng sinabi nito, pasado alas-otso na silang nakarating dahil traffic sa EDSA. Makalipas ang kulang isang oras ay umalis na rin ang binata.

Kinabukasan ay hindi uli maihahatid ni Antonio ang anak kaya muling nag-abang ng tricycle ang dalaga. At tulad din ng dati ay ikinaiirita niya ang pangyayari. Pinapara niya ang isang tricycle nang mula sa likuran nito ay nag-overtake ang isang jeep at huminto sa harap niya. Nagulat pa siya nang makilala ang driver. "Sakay na..." wika nito na nakatitig sa kanya.

Parang biglang hinalukay ang sikmura ng dalaga. Those sexy eyes again! Mga matang sa tantiya niya kung tumitig ay matutunaw kahit batong-buhay. Nang tumikhim ang driver ay saka pa lamang parang natauhan ang dalaga at umikot sa likod at muling sumakay sa harapan. At tulad ng dati ay may mga pasahero sa daan. Subalit sa tuwing may magtatangkang maupo sa harap ay magalang na sinasabihan ng driver na sa likuran na sumakay at tulad din kahapon ay hindi pinuno ng lalaki ang jeep. At mas iilan lang ang sakay ngayon.

Gustong-gusto na ni Allana na magtanong pero pinipigil niya ang sarili.

Nasa north expressway na sila nang mag-abot ng bayad ang dalaga.

"I'm sorry, nakalimutan kong magbayad kahapon, kunin mo na rin diyan...” aniya na inaabutan ng pera ang driver.

"Sige na, Miss Romasanta..." pormal na sagot ng lalaki.

Nagulat si Allana. Napatingin sa driver. “Hindi ko natatandaang nakipagkilala ako sa iyo..." mahinang wika niya. Hindi niya gustong marinig ng mga nasa likuran na nakikipag-usap siya sa driver.

"Magkalapit lang ang bahay natin at kilala agad namin kung sino ang mga bagong mukha...”

Nagkibit ng balikat ang dalaga. Kung sabagay ay probinsiya ang lugar nila at iilan- ilan lang ang bahay malapit sa farm Pero bago dumating sa kanila ay mga low cost housing ng gobyerno.

"Well...I insist na kunin mo ang bayad ko. Hindi ako nagpapalibre. I can afford to pay," pormal niyang sinabi.

"Nakakahiya marahil sa mga tao sa likod kung dito tayo magpipilitan, Miss Romasanta. Sabihin na nating sa Monumento ang tungo ko talaga at naisakay lang kita. Hindi ako talaga namamasada,” pormal ding tugon ng driver.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All-Time Favorite: Aagawin Kita Sa KanyaWhere stories live. Discover now