Chapter 1: Cinderella's First Kiss

53 2 0
                                    




Hindi niya akalain na totohanin nga ni Drake na daanan siya sa bahay nila at ipagpaalam sa kanyang mga magulang. Mabuti na lamang at nagkasundo sila na after lunch lumabas. 

"Ikaw ang anak ni Dina, hindi ba?" nagtataka man pero natutuwang tanong ng Mommy niya, si Stella Elizalde, na nakasuot pa ng apron. Kapag Sunday ay nasa bahay lamang ang kanyang Mommy. Inaya nitong maupo si Drake.





Nang mapatingin siya sa dining room ay napatanga siya at ang dalawa niyang tita ay nakasilip doon at nanunukso. Mga kapatid siya ng kanyang Mommy na kapag Sunday ay dumadalaw ang mga ito para makipagkwentuhan. She has a big family. Both sa sides ng kanyang Mommy at Daddy. Ang kanyang Mommy ay may dalawang kapatid, sina Tita Sonia at Tita Sandy, both of them have kids na mas bata lamang siya sa kanya ng 5-7 years. While ang Daddy niya ay may apat na mga kapatid at may mga pinsan siya na halos kaedaran din niya. Their front lawn was always full during family reunions and birthdays.





Nakangiting tumango si Drake. Napatingin ito sa mga tita niya na noon ay parang mga teenagers na kinikilig. Napapahiyang sinenyasan niya ang mga ito na umalis doon.





"Yes, Tita. Ang nag-iisang pogi sa pamilya," mayabang na sabi. Hinampas niya ito sa braso. Napaaray ito na ikinatawa ng kanyang Mommy. Nagkatinginan sila, halatang nabigla na umaakto sila na parang matagal na close. Napapahiyang inalis niya ang tingin dito. He smiled at her mother. "Matanda na ho kasi si Lolo kaya hindi na siya pogi," dagdag na biro nito.





"O, e, saan ba ang lakad ninyo ng dalaga ko at ngayon ko lamang siya nakitang maagang gumising," nanunuksong sabi ng kanyang ina.





She blushed. "Mom!" mahinang angal niya. Narinig pa niya ang mahinang pagtatawanan ng kanyang mga magagaling na tita. Ibinuko pa siya.





She must admit that having a male friend was new to her. Buong elementary at high school ay tanging sila lamang anim na magkakaibigan ang magkakasama. May mga lumalapit man sa kanila para manligaw ay hindi naman nila pinapansin dahil may usapan na sila na kapag college na sila magbo-boyfriend.





Boyfriend na ihaharap nila para maging asawa nila balang araw. Para hindi sila ihanap ng Elders ng lalaki na gusto nila para sa isang Cinderella. Agad na inalis niya iyon sa isip. Masyado pa silang bata para isipin ang pag-aasawa o i-entertain ang takot na baka ang Elders ang maghanap ng mapapangasawa nila oras na mag-35 sila at hindi pa nag-aasawa. Matagal na iyon tradisyon at maagang naipaliwanag ng kani-kanilang mga magulang. They were too young to understand why they had to be married to someone suited to be their husband.





Para sa kanya, mahaba pa ang panahon para isipin niya iyon pero sana ay si Brent ang lalaki na iyon. Napabuntong-hininga siya sa naisip. Napatingin siya kay Drake na noon ay masayang nagku-kwento.

 Napatingin siya kay Drake na noon ay masayang nagku-kwento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




Drake Mondragon is a good candidate. Kung hindi siya liligawan ni Brent balang araw, may isang Drake na pupwedeng maging asawa niya.





Run Away, Love (Cinderella Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon