Chapter 20

12.8K 133 14
                                    


Erin's POV

Okay Erin kalma lang. Malamang sasabihan ka niyan ng I love you kasi kapatid ka niya. Kung ano-anong iniisip mo. Kontra ng utak ko pero parang hinahabol pa rin ng aso ang puso ko dahil sa bilis ng pagtibok nito.Ang init ng mga yakap niya parang ang calming pero nagpapawala ito sa katinuan ko. Masama ito. Kapatid ko siya. Gusto ko lang siya at hindi ako pwedeng mahulog ng tuluyan.

Dahan dahan kong inalis ang pagkakayakap niya sakin kahit labag sa loob ko. Kinuha ko ang mga pinggan na ginamit namin kanina para ilagay sa lababo. Naalala ko nanaman si Dianne. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala naman siyang ginagawa pero naiinis at nagseselos ako sa kanya. Kapag magkalapit sila ni Erick, kumukulo ang dugo ko.

‘’Kelan mo pa nakilala si Dianne?’’ I said trying to not sound bitter. Binanlawan ko muna yung mga baso at pinggan bago kinuha ang sponge at sabunan ito.

‘’Simula nung magtrabaho ako. Siya kasi yung nag-assist sakin kaya medyo naging close na din kami.’’ I can feel him smiling while saying that. Tama bang mainis ako? Tama rin bang makaramdam ako ng maliliit na karayom na parang tumutsok sa puso ko? Tinatanong ko pa alam ko namang mali. Tinawanan ko nalang ang sarili ko dahil sa aking ka-oa-yan.

‘’Really?’’ sabi ko kayalang this time I failed na hindi ilabas ang pagkabitter ko. Narinig ko namang natawa si Erick. Pinagpatuloy ko lang ang paghuhugas ng plato. Sige tawa pa. Umirap nalang ako sa kawalan.

‘’Nagseselos ka ba?’’ nang-aasar na sabi niya. Hindi ako sumagot. Naramdaman ko namang tumulo yung pawis ko mula sa noo. Bakit ang init? August na ah ilang araw nalang ber months na. Pinunasan ko ang pawis gamit yung likod ng palad ko. Nakalugay pa ang buhok ko kaya lalong mainit.

Naramdaman kong naglakad siya. Dedma lang ang peg ko. Nagbabanlaw na ako ng mga kutsara nang maramadaman kong hinawakan niya ang buhok ko. Napapitlag pa ako ng kaunti sa gulat. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy pa rin. Tinipon niya ang buhok ko at tinalian iyon. Dati pa niya yon ginagawa. Tinuruan ko siya kasi tamad akong mag-ipit dati pa kaya ayun nagpaturo siya para siya nalang daw ang gagawa. Noon ko pa nga naisip na bakla itong si Erick pero the way he cares and love me as a sister ofcourse, sure ako na hindi siya bakla.

Pinunasan niya yung batok kong namamawis na ng dahan dahan. Kinikilabutan ako. Pumunta siya sa side ko para punasan naman ang leeg at ang noo ko. Naalala ko tuloy si Yohan. Kamusta na kaya siya? Pinilit kong wag kiligin at panatilihing poker face lang ang mukha ko.

‘’Selos ka?’’ pang-aasar na tanong pa din sakin ni Erick inirapan ko lang siya.

‘’Parang siya naman hindi nagselos kanina’’ bulong ko pero alam kong narinig pa rin niya iyon. Tinigil niya na din ang pagpupunas sakin. Nakalean siya ngayon sa lababo and I can feel that he’s staring at me.

‘’Ano ngayon kung nagseselos nga ako?’’ nagwala nanaman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Why Erick? Bakit mo ba pinaparamdam sakin na mahal mo ko higit pa sa kapatid? Nahihirapan tuloy akong pigilan ang sarili ko na wag mahulog.

Nakatingin ako sa kanya ngayon. He looks so freaking handsome. Yung parang nagpapapoging look? Hindi niya na kailngan yon. He look at me as if he truly loves me. Nagpanic naman ang sistema ko at umisip ng pwedeng gawin para kumalma ako. Dahil basa ang kamay ko, winisikan ko siya ng tubig sa mukha. Agad naman siyang napapikit at pinunasan ang mukha niya. Tumawa lang ako.

‘’Erin’’ he said na parang nafufrustrate. Binasa niya ang kamay niya at winisikan din ako ng tubig. Then the wisikan battle started. Napuno ng tawanan ang kusina hanggang sa magkatabi na kaming nakahiga sa sahig habang tumatawa pa rin.

‘’Isip bata ka talaga Erin.’’ Natatawang sabi niya sakin. Umirap naman ako sa kanya.

‘’Nagsalita ang hindi.’’ Sagot ko naman. Hinihingal pa rin kami dahil sa takbuhang nangyari kanina.

‘’Picture tayo Erin’’ yaya sakin ni Erick then nilabas niya yung phone niya. Tumango naman ako. Umupo kami sa sahig at nag-ayos ng kaunti bago siya nagsimulang magpicture.

Sa unang picture ay nakasmile lang kaming dalawa. Sa pangalawa naman ay nakapeace, sa pangatlo ay nakawacky tapos kung anu-anong silly pose na ang ginawa namin. Meron pang nakadila at nakapout. Lumingon ako sa kanya ganun din ang ginawa niya kaya nagkadikit ang mga ilong namin. For a second parang biglang huminto ang mundo ko. Agad akong lumayo nang marealise kong hindi kami pwede. Pagkatapos naming magpicture ay nag-ayos na ako ng mga damit na dadalin namin para bukas sa EK. Dalawang extra shirt lang naman iyon dahil sasakay kami sa Rio Grande. Namiss ko na rin iyon. Naghanda na din ako ng isusuot ko para bukas.

Simpleng purple dress lang iyon na below the knee tapos sandalas lang na pwedeng mabasa ang isusuot ko naghanda na rin ako ng shades kung sakaling mainit. Nakaupo na ako sa kama nang may marinig akong kumatok sa pinto ko. Malamang si Erick iyon. Wala namang ibang tao dito sa bahay.

‘’Pasok’’ sabi ko. Pumasok naman siya. Nakapantulog na jogging pants at sando siya ngayon. Sinarado niya ang pinto at sumlampak sa kama ko. Wow ha parang kama lang niya. Medyo malaki kasi ang kama ko kaya kasya kami. Parehas ding may aircon ang kwarto namin.

‘’Hoy bakit ka nanaman nandito??’’ tanong ko sa kanya habang inaalog ko ang braso niya. Hindi naman sa ayaw ko. Gustong gusto ko nga eh. Wait what? Wala akong sinabi.

‘’Dito ako matutulog.’’ Sabi niya na parang final na ang desisyon niya habang nakadapa siya.

‘’Sinong may sabi?’’ pangungulit ko pa din kahit okay lang naman.

‘’ako. Hindi mo ba narinig? Namimilosopong sabi niya. Napairap nalang ako at nahiga sa tabi niya.

Bumuntong hininga ako nang muling pumasok sa isipan ko si Dianne. Tinusok ko ang balikat ni Erick para makuha ang atensyon niya. Lumingon naman siya sa side ko.

‘’Ano?’’ nakataas kilay na tanong niya then he made a sillyface yung parang isda na ngumunguso nguso. Napatawa naman ako. I cleared my throat.

‘’Do you like Dianne?’’ nakatingin ako sa mata niya nung tinanong ko iyon ng diretsyahan.

He smirked. No, no don’t smirk like that. Alam ko na yan. Im sure he’ll make my heart go insane.

‘’Ofcourse not. I don’t like her. Ikaw lang Erin.’’ He said then wink at me.

And he did make my heart go crazy again.

A Brother's Love (Revised)Where stories live. Discover now