He Is My Boyfriend

4.6K 37 2
                                    

He is My Boyfriend

 Characters:

Erie Villanueva

Odrel Lorenzo

Mycel Mendoza

Francis Alvarez

Elaine Howell

Prologue

I’m Erie Villanueva. Anak ako ng isang businessman. Yeah, we’re rich, but not that rich. Hindi kami tulad ng mga multi-billionare na halos nagtatapon na lang ng pera sa pagbili ng mga luho. Enough lang siguro that I can get all I that need, but not all I that want. I’m not a spoiled brat to begin with. Sa mga exclusive schools rin ako pumapasok at sa isang exclusive village kami nakatira.

First year high school, nagka-first boyfriend ako. Si Zace (tawag ko kay Francis) at hanggang mag fourth year, kami pa rin. Pero after noong graduation nag-break kami, tulad ng ginagawa ng halos karamihang magbf-gf. Ang totoo kasi ako talaga ang nakipagbreak, alam ko kasi na mahihirapan lang kami lalo na at sa magkaibang school kami papasok ng college. At siguro naisip niya rin na mahirap talaga ang long distance relationship kaya pumayag na rin siya.

Hindi naman nagging mabigat sa akin ang pakikipaghiwalay sa kanya, PERO teka, hindi yun dahil sa hindi ko sya mahal. Hindi ako user noh. Hindi pa lang siguro ako ganoon kaseryoso sa relationship namin, kasi alam kong bata pa kami at hindi pa sure kung meant kami for each other tulad ng sabi ng parents ko… Pero kalian ko nga ba mahahanap ang person na meant for me?

Business management ang kinuha kong course sa college, pero wait! hindi ako tulad ng nasa palabas sa TV na pinilit ng parents sa kursong gusto nila, ako talaga ang may gusto ng business management. Mana lang siguro ako kay papa. Siya, ewan ko ala akong balita.

Wala kaming communication ni Zace hanggang ngayon. Nagkikita lang kami kapag nagsasama-sama kaming magkaka-klase, close kasi batch naming eh. Mahilig kaming mag-get-together lalo kapag merong may birthday o kaya ay pasko. Kaso di na kami masyado nagpapansinan at huli ko na ngang kita sa kanya eh yung reunion namin 1 year after graduation. Tapos di na sya umaattend sa sumunod pa naming mga reunions.

Hayy… Tapos na rin ang aking 2nd year sa college. Summer vacation na ulet. Last week nagkaroon kami ng second annual reunion. Hindi na naman siya sumipot, di rin sya nagpunta noong Christmas at noong birthday ko. Sigh. Bakit ba ganito, akala ko noong una madali lang akong makakamove-on. Tapos ngayon 2 years na ang nakakalipas pero bakit namimiss ko siya. Miss na miss ko na siya. Mali ba ako? Mali bang nakipag-break ako sa kanya 2 years ago? Baka di ko namamalayan, masyado pala akong naging attached sa relationship namin? Baka true love talaga tong nararamdaman ko para sa kanya?

Is he the one I’m looking for? The one who is meant to be with me? Is he my true love?

He Is My BoyfriendWhere stories live. Discover now