Scented Poison (RoseBlood Book 2)

13.9K 221 41
                                    

~ † SCENTED POISON † ~

Prologue

Tao. Bampira. Dalawang magkaibang lahi na naninirahan sa iisang mundo. Ang una ay Malaya, ang huli ay parang mga bilanggo sa kadiliman.

Minsan nang nagambala ang katahimikan sa pagitan ng magkabilang lahi dahil sa kagustuhan ng mga bampira na buhayin ang pinagmulan ng lahi nila..ang unang bampira na si Dorian. Dahil sa malakas na pwersa ng mga tao, sa pangunguna ng WARRIORS, isang samahan na binuo para panatilihin ang katahimikan sa pagitan ng mga bampira at tao, hindi nagwagi ang mga bampira at nanatili silang nagtatago sa dilim, sumasalakay ng mga mahihinang tao, lihim na nagtitipon tipon para bumuo nanaman ng isang plano laban sa mga tao.

Roseblood. Ito ang tawag sa natatanging tao na nagtataglay ng dugo na makapagbibigay ng kakaibang kapangyarihan sa isang bampira. Minsan sa isang generasyon lamang nabubuhay ang isang Roseblood. Nagpapasalin salin ang lahi nila. Paano kung ang pinakahuling Roseblood ay naging bampira na? Katapusan na ba ito ng alamat nila o simula ng pagbunyag ng isang misteryo na di pa nasasaksihan ng magkaaway na lahi?

Thornblood. Ito ang tawag sa taong nagtataglay ng dugo na tila isang lason na papatay sa pinakamalakas na bampira. Tulad ng Roseblood, nagpapasalin salin ang lahi nito at minsan lang din sa isang generasyon ang paglitaw ng taong nagtataglay nito. Tulad nang Roseblood, nararamdaman lang ng Thornblood ang kakaibang dugo na taglay nya sa pagsapit ng tamang edad niya.

Sa huling digmaan sa pagitan ng mga tao at bampira, huling natagpuan ang Roseblood at Thornblood. Ang Thornblood na si Kathryn Chandria Fuentebella-Lestat ay nagsilang ng dalawang sanggol bago ito bawian ng buhay. Ang Roseblood na si Julia Mara Schnittka naman ay bigla na lang naglaho at di na nakita pang muli.

Patuloy ang pagpapalakas ng WARRIORS sa pamumuno ni Matriarch Divya Fuentebella, kahit na tuloy pa rin ang kasunduan ng mga tao at bampira.

Walang nakakaalam kung ano at kailang sila muling babangon at aatake para sa kalayaan ng kanilang sumpa.

Scented Poison (RoseBlood Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon