My Protector (Book 1) Updated Version

261 4 0
                                    

Chapter 2

          Napaka-ingay sa loob ng Convention Hall kung saan dinadaos ang kaarawan ng isa nilang client na si Mr. Nagasake. Puro mga business associates ang nandoon kasama ang mga asawa o girlfriend ng mga ito. Nagsimula ng sumakit ang ulo niya dahil sa ingay. Tinungga niya ang lahat ng inumin niya sa baso.

"O dahan2x naman diyan brod" sabi ni Alex ang partner niya sa LawFirm ng Santos-Romulo and Associates na pagaari nila pareho.

"I need to go" paalam niya dito.

"What!? Oh common Ethan enjoy the night."

"Yeah right" mapakla niyang sagot.

Napalingo-lingo ito sa narinig. Tumayo na siya at umalis na patungo sa suit niya sa Hotel. Since he broke up with his last girl friend ay hindi na siya nakikipag relasyon and it's been almost a year. When he get to his room ay pumasok na siya sa banyo at nag shower. Maaga pa ang meeting nila bukas with Mr. Nagasake. Nagpatayo kasi ito ng bagong calling center sa Lungsod ng Maynila.

Medyo nahirapan siyang sumakay sa elevator kaya naisipan niyang gamitin nalang ang hagdanan. Sanay naman siyang mag exercise kaya hindi mahirap sa kaniyang maglakad mula first floor hanggang seventh floor. Sumisipol pa siya habang inilagay ang key card sa slot. Kaagad siyang pumasok sa banyo para maligo. Kailangan niya ang tulong ng mainit na shower para mawala ang pananakit ng kaniyang katawan. Simula ng dumating si Mr. Nagasaki ay lagi nalang siyang nago-overtime. Tumutulong lang si Alex sa kaniya minsan dahil iba ang expertise  nito. Ang kaibigan ang nagaasikaso sa mga Divorce and Separation case nila.

            “Alex!” tawag ni Mr. Nagasake sa kaniya. “Where’s Ethan?” tanong nito.

“Konbanwa misutā Nagasaki.” Nag bow pa siya dito. Tinapik ng matandang lalaki ang kaniyang likod. “He already went upstairs to his room. He said he wasn’t feeling well.” Page-explain niya sa matanda.

Ito ang baguhan nilang client na gustong mag open ng mga negosyo dito sa Pilipinas gaya ng Call Center, Malls, Theme parks atbp. Kaya doble ang pagaasikaso nilang dalawa  ni Ethan dito para hindi na ito makuha ng iba. Kung nagkataon na ma close na ang deal nila ay malaki ang makukuha ng nilang Account dito. Dumaan ang waiter para bigyan sila ng maiinom. Kumuha siya ng isang baso ng scotch at nilagok ito. Sa totoo lang wala rin siyang ganang makipaghalobilo ngayong gabi. Iisang tao lang kasi ang nais niya makita ngayon. Pinasok niya ang isang kamay sa loob ng kaniyang coat pocket at kinuha ang isang kuwintas. Itinaas niya ang isang 24 carrat white gold necklace with a Sapphire pendant. Lagi niya itong dala dahil nagbabakasali siyang makikita niya muli ang nagmamay-ari ng kuwintas na iyon.

             "Nikki ano ba  bilisan mo na at i deliver mo na itong champagne sa suit sa taas nandito na yung room number at key" Sigaw ng F&B manager nila.

"Andito na,  ihahatid ko na po" sagot niya sabay ayos ng apron.

Isang taon nalang at gagraduate na siya ng Accounting. Hindi alam ng Kuya niya na nag part time siya bilang waitress sa isang sikat na hotel. Gusto lang naman niya tulungan ang Kuya niya sa mga gastusin. Alam niya kaya nitong magpadala sa kaniya ng malaking halaga pero ayaw niyang maging pabigat dito. Dumadami na ang kaniyang gastusin sa eskuwelahan lalo na at malapit na siyang matapos. Kabila’t-kanan ang kaniyang mga projects sa halos lahat ng kaniyang Major. Sa awa ng Diyos naging maayos naman ang kaniyang Grades kahit na pinagkakasya niya ang kaniyang oras sa trabaho at pag-aaral.

Short staff sila ngayong gabi dahil marami silang customer's dahil may kaarawan. Narinig niyang puno na pati Parking Lot nila sa labas. Kinailangan pa niyang hawiin ang mga tao sa labas para makapasok lang ng elevator. Imbis na si Toydi na isa nilang bellboy ang maghahatid sana ay sa kanya napasa ang trabaho. Hindi naman siya nagrereklamo tuwing inuutusan siyang gumawa ng ibang trabaho. Pero minsan nakakalito lalo na kung madaming inuutos sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Protector (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon