Chapter 1

25 15 13
                                    

Restarting

Ano ba ang dapat gawin kapag nakatapak na ang paa mo sa pamamahay na alam mo namang hindi ka welcome?

Pagkatapak pa lang ng paa ko sa pamamahay nila papa ay naaamoy ko na ang disgusto sa presensya pa lang ng apat na tao sa bahay. Dahil sa hiya ay mas pinili ko na lang ilibot ang tingin sa buong kabahayan. Two storey ang bahay nila papa at gawa sa matibay na kahoy. Simple, pero classy. Ang sahig nila ay sementado at may floormat na kulay brown at parang kahoy ang design na nagsisilbing parang tiles sa bahay. Ang hagdan papuntang second floor ay gawa rin sa kahoy at nilagyan siguro ng varnish kaya naman ay makintab. Apat ang kuwarto sa itaas at tatlo naman sa baba.

Napatingin ako kay papa nang umubo ito at ngumiti sa babaeng kasing edad lang din siguro ni Mama. Balingkinitan ang katawan nito at maganda ang kulay lupa nitong mata. May nakaplastar na ngiti sa labi nito.

“Ehem!” Binalingan ako ni Papa at kinuha ang maletang kanina ko pa hawak-hawak. Hinawakan ako nito sa kamay at pinatayo malapit sa kaniya.

“Hon, si Faena. Mula ngayon ay dito na siya titira,” sabi ni Papa at nakita ko naman ang panlalaki ng mata nang isang batang lalaki na hanggang baywang ko lang at ang katabi nitong batang babae na hanggang balikat ko lang yata. May ngiti ito sa kanilang labi.

“Faena, si Clara, asawa ko.” Lumapit naman ang ginang at yumakap sa baywang ni Papa. Nakangiti ito sa akin at bigla akong niyakap.

“Matagal na kitang gustong makita, Faena. Welcome to the family!” Nagagalak nitong ani sa akin at hinalikan ako sa pisngi na siyang ikinangiwi ko. Hindi ako sanay na hinahalikan ako sa pisngi. Pero kahit gano’n ay pinili ko na lang na bigyan siya ng maliit na ngiti at gano’n din ang mga taong nasa likod nila.

Nakita ko naman ang pag-irap no’ng babaeng hanggang baywang ang buhok at naka-headband. Nakasuot ito ng kulay dilaw na crop-top at black shorts.

“Lara, Clarita, and Felix, meet your sister.”

Dinambahan ako ng yakap no’ng dalawa at hinalikan ako sa pisngi. Mahigpit ang pagkakayakap sa akin nong batang naka-ponytail at nakasuot ng floral dress, tapos iyong tinawag ni Papa na Felix ay nakayakap sa binti ko.

“Omg! Matagal na po kitang gustong ma-meet! No’ng sinabi ni Papa na may anak siyang girl ay gusto ko talaga na dalhin ka here at ma-meet ko!” Sabi nito at kumalas sa yakap sa akin.

“Nice to meet you, Clarita.”

“Ate Peypey…” Natawa ako at binuhat si Felix saka hinalikan ito sa pisngi.

“Hello, Felix…” Yumakap ito sa leeg ko at ngumiti. Kinurot ko ang matambok at mamulamula nitong pisngi na siya namang ikinahagikhik nito.

“Tss. Nice to meet you,” hilaw naman na sabi ni Lara sa akin at yumakap kay Papa.

“Pa, kailan mo ako dadalhin sa siyudad? You promised me na you will bring me there hindi ba?”

Nginitian naman ito ni Papa at ginulo ang buhok.

“Dadalhin kita roon kapag college ka na. Doon kita pag-aaralin,”

Napatigil ako. Gusto kong alalahanin kung kailan ba ako binigyan ni Papa ng ngiti… at guluhin din ang buhok ko.

Nang maalalang maaga niya kaming iniwan ni Mama dahil sa pamilyang nakakasalamuha ko ngayon, ay hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa sarili ko. Kahit ilang beses kong sabihin na hindi namin kailangan si Papa noon, dahil kaya naman namin ni Mama, pero ang totoo ay gustong-gusto kong makasama namin si Papa. Na sana ay maayos iyong pamilya namin. Na sana ay tumigil na si Mama sa kakaiyak gabi-gabi, dahil hindi nito matanggap ang paglisan ni Papa.

Kahit ilang beses na sabihin ni Mama na kaya namin, alam kong may isang parte sa puso ni Mama na gustong makasama si Papa.

Kahit ako rin naman… Tuwing nakikita ko ang mga kaklase kong kasama ang mga tatay nila ay naiinggit ako. Naiinggit ako sa kanila kasi buo ang pamilya nila… at ang sa amin ay hindi.

“Ate, dito pala ang kuwarto mo,” iginiya ako ni Clarita sa pang-apat na kuwarto na sa itaas. Binuksan niya ito at tinulungan ako sa mga bagahe ko. Inalis din nito ang leather jacket na suot ko at itinabi kasama ang mga bagahe ko.

“Tsaran! Ako po ang naglinis nito noong malaman kong darating ka,” umupo ito sa pang-isahang tao lang na kama na may kumot na kulay kahel, at ang unan nito ay kulay kahel din. May mga plushies sa uluhan no’n.

Kulay lila ang pintura ng buong kuwarto. May maliit na table sa gilid ng kama at sa taas no’n ay lampshade na bilog. Sa may malapit sa paanan ng kama naman ay mayroong study table at mayroon ding maliit na lampshade ang sa gilid no’n. May mga pabilog na gawa sa batong lalagyan ng mga ballpen, at organised din ang mga notebook at libro doon. May malaking bintana naman ang nasa left side ng kama ko at may dreamcatcher pa na nakasabit doon.

“Maraming salamat, Clarita,” madamdamin kong pagpapasalamat sa kaniya. Na-appreciate ko ang effort niya, at ang pag-welcome niya sa akin. Kahit hindi niya ako kapatid ay mas higit pa roon ang turing nito sa akin.

“You’re welcome, ate! Saka, condolence pala,” sabi nito sa mahinang boses na siya namang nginitian ko.

“Uhm. By the way, dito mo ilalagay ang mga damit mo. Tutulungan kita sa pagtutupi at pag-aayos ng mga gamit mo,”

“Kaya ko na. Maraming salamat,”

“Hays naman ate. Kung ayaw mong tulungan kita, what if i-tour na lang kita sa buong Encarnacion?” Sabi nito na may malaking ngiti sa labi.

Napabuntonghininga naman ako at tumango sa kaniya saka siya nginitian. Gusto ko ring libutin ang hometown ni Papa, at maging pamilyar dito.

Ito na ang magiging tahanan ko mula ngayon.

Tinulungan ako ni Clarita sa pag-aayos ng mga gamit ko kahit ayaw ko, at pagkatapos no’n ay dinala niya ako sa may ilog na nasa likuran din ng bahay nila. Medyo may kalayuan ito ng kaunti, pero worth it naman.

“Ang ganda…” Mahinang ani ko nang makita ang nagsasayawang puno at ang crystal clear na tubig. Lumapit ako at dinama ang agos ng tubig saka binalingan si Clarita na nakapambahay na ngayon.

“Maganda talaga iyan ate, saka ang peaceful lang,” sabi nito na siya namang tinanguan ko.

Ang therapeutic lang na napapalibutan ng maraming puno at iba’t ibang uri ng bulaklak ang ilog. Maganda sa mata, at nakaka-relax. Umupo ako sa damuhan at tumabi kay Clarita. Tahimik lang kaming pinapakinggan ang mumunting ingay na ginagawa ng ilog at ang pagsasayawan ng mga puno sa paligid namin.

Ngumiti ako.

I think, mag-e-enjoy ako rito.

Niyakap ko ang magkabilang tuhod ko at naramdaman ko na lang ang ulo ni Clarita sa balikat ko.

“Ate, sorry,”

“Sorry saan?” Tanong ko na nasa harapan pa rin ang tingin at hinihintay ang kung ano ang sasabihin niya.

“Dahil sa amin kaya hindi mo nakasama si Papa,”

“Ayos lang iyon. Matagal na iyon eh,” sagot ko sa kaniya kahit sa loob-loob ko ay hinding-hindi magiging maayos.

Hinding-hindi magiging maayos. Dahil kahit ang lapit-lapit ni Papa, pakiramdam ko ay ang layo-layo pa rin niya.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Jan 27 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Whisper in SummerKde žijí příběhy. Začni objevovat