Chapter 9

24 5 0
                                    

Dati nagtataka ako kung ano ang pakiramdam magkaroon ng mga kaibigan na kasama mo sa lahat ng bagay.

Iyon bang mag-aaya saiyo tuwing uwian. Aalis kayo at gagala kung saan niyo gusto.

When I saw how these two in front of me were happily roasting the barbeque, I felt like they were sent from heaven to make me feel valued.

"Kamusta naman ang pre cal ninyo, mahirap ba?" Mizuki asked habang pinapaypayan ang inihaw.

Si Elijah naman ay seryosong pinagbabaliktad ang mga stick ng barbeque.

"Oh, we're not talking about school right now. We're here to have fun." Tumawa siya at natawa na rin ako. May point naman siya sa sinabi.

"Alam niyo parang nakita ko na kayo." I blurted out of the blue as I sliced the onions and tomatoes for sawsawan.

"Feel ko rin nakita na kita, eh." Si Eli na ngayon ay naupo sa harap ng inihaw.

"Me too! Nagkita na ba tayo dati? Somewhere but we couldn't remember lang," She shrugged.

Mabilis niyang pinaypayan ang inihaw kaya ang usok nito ay pumunta lahat sa banda ni Elijah. Umubo-ubo naman siya at nang na-realize namin ay tinawanan namin siya.

Pinanliitan niya kami ng mata and shook his head. "These girls, really."

The days went on. Ilang araw ko ring hindi nakita si Eron, absent ata siya at hindi ko mahagilap. A part of me was disappointed when he didn't even leave me a single message.

Not that he is required to, ano ba naman kami para manghingi ako ng update kung nasaan at bakit siya absent hindi ba?

I shrugged it all off. Naging abala kami sa iilang Laboratory experiments sa isang subjects namin. Ang daming gastusin. Mabuti at nakakakuha pa ako ng iilang pera sa ipon ko.

Si mama naman ay palagi sa bahay ng amo nila dahil sa pag-aalaga ng anak ng amo niya. It's not that far from here though pero exclusive lang iyon sa mga trabahante at kamag-anak nila. Kaya ako at si Kurt nalang ang naiwan sa bahay. Kaya ko naman siyang alagaan, makulit at sakit lang sa ulo minsan dahil umaalis ng walang paalam.

Ang alam ko lang ay nagtatrabaho siya para sa mga Lancaster's. Influential at ang alam ko ay mayroong nag-iisang anak na babae. Iyon ang alaga ni mama. May sakit ata iyon at inatake daw noong nakaraan kaya linggo na siyang hindi nakakauwi ng bahay.

Papa on the other side is busy with his own job. Nagmamaneho siya sa isang personal na amo. He is in Manila and only gives us money every 15th of the month.

Kahit ganoon ay hindi rin kami masyadong nakakaginhawa. Baon sa utang ang pamilya ko. Na nagtataka ako kung bakit parang ang tagal naman naming mabayaran iyon, gaano ba kalaki ang utang ng pamilya? Wala namang sinasabi sa amin at noong minsang nagtanong ako ay nilihis lang ang topic.

Civil naman ang mga magulang ko pero ang mga kamag-anak namin sa side ng papa ay mukhang hindi pa rin nakakamove-on sa hiwalayan ng dalawa.

While it's okay for us now. Sila naman itong maraming sinasabi. Ayaw ko nalang din isipin dahil masasaktan lang ako.

Nagising ako madaling araw nang kalabitin ako ni Kurt. Halos tumalon ang puso ko sa kaba nang magulat sa presensiya niya, nasa gilid at nagtataklubo ng kumot.

"A-ate. . . ang g-ginaw," Mabilis kong binuksan ang ilaw nang marinig ang namamaos niyang boses.

I scrunched my nose and went near him. Nilapat ko ang likod ng kamay sa noo niya,  only to find out that he's burning too much.

"Nilalagnat ka," Nag-aalala kong saad saka siya pinaupo sa kama.

Dahil maliit lang ang boarding house ni mama ay kita lang mula rito ang kusina at sala. I searched for any medicines pero sa empty ng silid ay wala akong makita kahit isa.

HE Who Saw the DeepWhere stories live. Discover now